Chapter 56: Christmas Part II

1.9K 65 4
                                    


Jessy's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jessy's POV

Umupo na kame sa hapag kainan. Tiningnan ko sila lahat, matagal tagal na rin simula naranasan ko ulit ito. Kasama ko bunso ko at si mama, at nadagdagan pa ng tatlo. Ano pa ang mahihiling ko? Pinapalibutan ako ng mga taong nagpasaya saken.

"Dasal muna tayo." Inabot saken ni mama ang kamay niya ang inabot ko rin ang kamay ni Alvin, hanggang sa lahat kame interconnected ang kamay namin at nag alay kame ng dasal tsaka kumain.

"Anak, nagustuhan mo ba?" tiningnan ko naman si mama, hindi siya nakatingin saken at si Yosiboy ang tinatanong niya. Nakita ko naman siniko siya ni Ren. "psst, tinatanong ka ng byenan mo." Sira ulo talaga. Nagagawa pa mag biro sa harap ng mama ko.

"Po? Ah.. yes. It tastes great." Nakita ko naman ngumiti si Yosiboy kay mama.

"Ma, marunong po siya magluto." Sabi ko naman kay mama. Nagulat naman si mama sa sinabi ko. "Oh? Talaga? Wow. Ang dami mo talaga sorpresa iho."

"nako Nanay, ibang klase ito bestfriend ko. Maalaga po ito. Kame po ang magkasama sa bahay at siya po ang cook namin. Kung may magkakasakit sa barkada namin, siya po ang to the rescue. Wala po bisyo ang bestfriend ko, kaya nay tanggapin niyo po siya." Teka lang ha? parang ang close nila ni mama kahit ilang oras palang sila magkakilala.

"Aba, pwede mo na pakasalan ang anak ko nyan!"

"Mama!" Bakit ba nauuwi ito sa ganito? Nakakahiya. Kahit si esfriend halos mabulunan. Panigurado, tutuksuhin niya nanaman ako.

Matapos ang salu-salo namin, nagpahinga na kame. Naisipan naman nila na manatili sa sala dahil daw medyo masikip na sa kwarto ni Vin-vin. Tinulungan ko naman sila mag ayos ng mahihigaan nila. Wala ng extra na unan, kaya yung mga dalang damit nalang nila na pinagpatong ang gagawin nilang unan.

"Hanubayan duckling! Wala kabang extra na unan?!"

"Oy, ang reklamo mo masyado! Gusto mo matulog sa labas?!"

"Bwahaha, joke lang. 'to naman, sarap ng luto ng mama mo best duckling! Sana bukas, siya magluluto ng almusal natin. hehe."

"Aba, abusado ka ha. Ako na magluluto para sa inyo, baka pagod si mama." Inabutan ko naman sila ng mga kumot, alam ko naman medyo malamig dito sa sala namin. "haaay, matutulog na kame duckling. Huwag mo gapangin si Matthew ha!" sinipa ko naman ang paa niya at napahiyaw siya sa sakit.

"Hoyy!! Sige na, merry Christmas." Tutungo na sana ako sa kwarto namin ni mama nang pinigilan naman ako ni yosiboy.

"Merry Christmas Jessy." Hinawakan naman ni Matthew ang ulo ko. "Wala bang kiss dyan? Boring niyo talagang dalawa."

"Hoy!! Manahimik ka nga! Bakit ba kailangan mo diktahan si esfriend?!"

"palibhasa bitter ka, ayaw mo lang makita---hmmm!!!!" agad namang sinakal ni esfriend si Ren. "Kill him for me." utos pa ni yosiboy, natawa nalang ako.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now