Chapter 79: Vow

2.3K 64 12
                                    


AN: ang ganda ng kanta, pakinggan niyo. :) 

dedicated to: @mendozaangela17

Mikhail Ren's POV

Naisipan naman namin kumain sa labas, kailangan namin ng pansamantala katahimikan muna sa lahat ng pangyayari. Kailangan namin mag isip. Kahit gustuhin namin lumaklak ng alak, hindi parin magbabago ang lahat. So, bakit kame nag order ng beer kung ganun? Nasa may iisang table kame, pero sariling room kame na malayo sa ibang customer.

Tiningnan ko naman si Than na tahimik naka harap sa pagkain. Ilang heart breaks niya na ito? Pangatlo? Hindi siya nag sasalita ng dinaramdam niya dahil iniisip niya siguro na makakaragdag siya sa problema. Madali kameng tatanda neto, wala rin kame ideya kung saan nag suot si Carl.

"tsk, nakakainis naman ang ganito." Sumandal ako sa upuan at binaba ko na rin ang kanina ko pa pinaglalaruan na tinidor. "Ano na ang plano natin ngayon?" wala na rin akong ganang kumain, nakatingin ako kay Matthew habang umiinom ako ng tubig.

"We need to talk with Dani."

"pssh. Ano naman kaya gawin nun?" tiningnan lang ako ni Matthew na walang emosyon. "He's a King." Nasamid ako wala sa oras. Pinunasan ko naman ang bibig ko. "come again?" Nabibingi ata ako.

"He's the real King. He's the son of my dad." Hindi rin makapaniwala si Nathan sa naririnig niya ngayon. "Sa tingin mo oras 'to ng biruan Matthew?" seryosong sabi naman ni Nathan. Napahinga naman ng malalim si Matthew. "And you think I can still a crack a joke?"

Nagulo ko wala sa oras ang buhok ko, si Nathan naman ay napatingin nalang sa may chandelier. "sa tingin mo Matt, makikinig sa kanya si Daniel King? Kilala naman natin yun, diba? Kung pag dating sa mga taong mahalaga sayo, wala siyang pakealam."

"Anak naman siya ni dad... and besides Jessy is important in Dani's life."

"Point taken." Nag agree naman si Nathan sa sinabi ni Matt. Pero, mahirap naman kasi ang ganito. Kung mapapasunod man namin si Daniel sa gusto namin, may darating bang puso agad agad para kay Alvin? Nakakainis naman kasi. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka habang buhay na dadalhin ni Carl ang guilt na yun.

"tsk.. bakit sa dinami dami ng kailangan niya, puso pa! Kung kidney lang sana, pwede ko naman siguro maibigay sa kanya ang isang kidney ko para tapos na." Naiinis namang wika ko. "Kung ganun ang nangyari. Sana nandito parin sina Carl at Cathy... we can't blame their dad.... ginawa niya lang yun para kay Tita."

Hindi na ako nag salita. Kaya ba nilihim nalang ni Carl na may sakit si Tita Kate? Bakit siya nag panggap na ayos lang ang lahat? Kung sana sinabi niya, natulungan rin namin siya. Hindi na ako nag taka, kaya pala biglang nagpakita samin si Carl sa birthday ni Jessy, yun ba ang nag silbing huling paalam niya?

"Pa bida talaga si Carl. nakakainis."

"Biktima lang sila lahat dito." sabi naman ni Matthew, nakita ko naman na kulang na rin sa tulog ang kaibigan ko at halatang pagod na pagod. Ang bata pa namin para magkaroon ng ganitong problema. Nahihirapan rin kame dahil kame kame lang mismo ang nag rerelsolba lahat ng 'to.

Narinig ko naman ang ipit na pag hikbi ni Nathan. "Lintek Than... bakit ka umiiyak?" at hindi niya narin napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha niya at mas naririnig namin ang mga hikbing pilit niyang tinatago.

Naawa naman ako sa kanya, ngayon ko lang nakitang umiyak si Than na nasa matinong isip. Madalas siyang mag labas ng sama ng loob kung lasing siya at makakalimutan niya ang ginawa niya kinabukasan. Pero ngayon, alam ko matatandaan niya lahat ng 'to. "Why do things getting complicated as days passed by? Ang bilis naman bawiin satin ang lahat.."

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now