Chapter 78: My Love for You

1.8K 47 26
                                    

Dedicated to: Loyal readers of The Impossible Girl :) bwahaha 

Nakatanggaap ng tawag si Jessy na inilipat na si Alvin sa ICU dahil sa bigla ito inatake at biglang naging kritikal ang kondisyon neto. Dahil sa hindi na siya makahintay sa pagbaba ng elevator, mas pinili niya nalang ang gumamit ng hagdan. Hinihingal siyang pumasok sa unit at agad agad nag suot ng hospital sterile gown at bonnet.

Walang malay si Alvin habang nakatingin siya sa labas at pagitan nila lamang ang transparent na salamin. Hinawakan naman niya ang malamig na salamin at nakatingin siya sa walang malay niyang kapatid. "Camellia.." napapaos naman ang boses ng mama niya nang niyakap siya neto. Nabigla siguro ito sa naging kondisyon ngayon ni Alvin.

"Ma, bakit siya mas humihina? Bakit ba palaging delay ang operasyon sa kanya?" hindi naman mapakali si Jessy at hindi na rin napigilang maluha dahil sa nakikita niyang nahihirapan na ang bunso niya. "Shhh Camellia..." pinatahan naman siya ng nanay niya at hindi niya napigilang humagulgol sa dibdib neto.

Ilang minuto ang lumipas nagising na si Alvin at napalingon ito sa kinaroroonan nila. Pinahid ni Jessy ang luha niya at ngumiti. Hawak hawak niya ng mahigpit ang kamay ng nanay para naman may lakas loob siyang humarap dito. Nagawa pa ni Alvin kumaway sa kanila at gumanti rin sila. Mas madaming nakakabit sa kapatid niya ngayon.

"Magpalakas ka ha? konting tiis nalang Vin, darating rin tayo sa araw ng operasyon mo, okay?" sabi ni Jessy, hindi siya naririnig ni Alvin pero nakuha naman niya ang mesahe ng ate niya sa kanya. Nag thumbs up lang siya bilang sagot. Nahihirapan na ring mag salita si Alvin, napapagod lang siya bigla.

Lumabas muna silang mag ina at iniwan sandali si Alvin sa unit. Napa upo lang sila sa malapit na bench. "Anak... Yung magiging bagong puso ni Alvin, darating ba yun?" tanong naman ng nanay niya sa kanya.

"Opo ma. Darating. Tayo naman ang priority. Konting tiis nalang ma." Mag dadalawang linggo na ang lumipas pero wala paring balita. Ano kaya ang nangyari sa puso ng donor? Hindi kaya nag match kay Alvin? Nagkamali ba sila sa matching test? Baka nalamang may sakit ang donor, kaya hindi na natuloy? Yun ang mga tanong na umiikot sa isip niya. Nagpaalam muna nanay niya dahil sasamahan niya si Alvin sa loob ng unit.

Napayuko lang si Jessy at tahimik na nag dasal na sana malalampasan nila ang lahat ng ito. Hindi niya naman namalayan na dumating si Matthew at nakaluhod sa harap niya. Hinawakan naman neto ang kamay niya. Magkapantay naman ang mukha nila. "I heard what happen."

"Matthew... si Alvin.." she can't contain her tears and she started to sobbed. Ginawa na lahat ng mga kaibigan niya, pero hindi nila maisip kung bakit delay ito. Naiyak lang siya sa harap ni Matthew at nahihirapang huminga dahil sa sobrang emosyon na nilalabas niya. "Shhh... I'm here.." he tapped Jessy's back at mahigpit parin ang kapit ni Jessy sa kabilang kamay niya.

"dapat hindi ko siya dinala agad dito. kasalanan ko siguro kung bakit siya lalo nanghihina. Sana sinigurado ko muna ang lahat bago ko siya dinala dito." patuloy parin siya sa pag iyak habang nakatingin lang sa kanya si Matthew. Matapos ang masayang birthday niya, may kakambal pala itong lungkot.

" Sana...sana ako nalang ang meron ng sakit na yun." Namumula na ang mga mata ni Jessy pero hindi parin tumitigil ang luhang lumalabas sa mata niya. "Shhh.. ginawa mo na ang lahat, okay? Tama na." Aware naman kasi si Matthew sa kondisyon ni Alvin, alam niyang lumalala ito simula pa noong nagbakasyon sila sa bahay nina Jessy, pero hiningi ni Alvin sa kanya na huwag ito ipag sabi kahit kanino. Naniniwala naman siya na kakayanin lahat ng 'to ni Alvin. He's Jessy's brother after all.

"matthew, pano kung totoo nga na hindi na darating ang puso niya? pano kung hindi pala talaga sila nag match? O di kaya carrier ng isang sakit ang donor? Pano na yun?" hinawakan naman ni Matthew ang mukha ni Jessy. "Don't talk like that. Where's the positive Mister I knew?"

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now