Chapter 66: Stupid

1.8K 50 9
                                    


Chapter 66: Stupid

Ace Lancer's POV

"ANO IKAKASAL KANA?!" gulat na gulat kameng lahat ng malaman namin na pumayag si Thanie na magpakasal sa babaeng hindi niya man lang kilala. He was broken when Angel left him, when Jessy chose Matthew over him and now, he's getting married? For pete's sake, we're still sophomore. Enjoying life as bachelors.

"Hmmm. Yah." Parang wala lang sa kanya na ikakasal na siya ha?

"Hoy Thanie! Seryosong usapan 'to! Bakit nagagawa mo pang mag mag music!"

"Hindi naman kame mag sasama sa iisang bahay, sa papel lang naman. Mag aaral muna kame." paliwanag naman niya samin, pero iba pa rin! Kasal?

"HOY! MAY LAGNAT KABA? PINILIT KABA NG MAMA MO?!" sabay kwelyo ni Carl sa kanya. Tahimik lang na nakikinig samin si Matthew. Mabuti nalang wala pa yung dalawang babae sa grupo.

"No. Tinanggap ko lang ang proposal saken ni mama." Inalis naman niya ang kamay ni Carl.

"Weh? Seryoso?! Diba, kontra kayo ng mama mo? bakit ka pumayag lang bigla?"

"hayaan niyo na, kasal lang naman."

"LANG?! HOY lifetime na yun!" react naman ni Ren sa sinabi neto. "tsk. Alam ko naman na dito ang bagsak ko." nakangiting saad niya naman. "Lintek naman Than. Wala ka ata sa sarili." I said with an annoyed face.

"Oy, ang gulo niyo ha. anong meron?" dumating naman sina Jessy at Loise na may dalang pagkain. Nagtinginan naman kame sa isa't isa. "IKAKASAL NA SI THAN!" sigaw naman ni Ren at Carl sa kanilang dalawa.

Mas gumulo naman ngayon dahil sunod sunod kameng nagtatanong sa kanya. Hindi naman nakakasagot samin si Nathan dahil hindi siya binibigyan ng pagkakataong magsalita.

"EASY! ISA ISA LANG NGA!" sigaw rin niya samin. Natahimik kame at napaatras naman. Huminga naman siya ng malalim bago siya sumagot. "kailangan ko magpakasal sa kanya, dahil noon pa man pinagkasundo na kame."

"Ganun lang? Tapos pumayag kana agad?"

"I'm not done yet talking. They need our family to save them from bankruptcy. "

"lintek naman Than. Hindi mo na kasalanan yun. Ilan ba ang kailangan nila, babayaran ko!" yabang naman ni Ren binatukan naman siya ni Matthew. "you don't have a full access yet of your money."

"ay, oo nga pala. Pero, mayaman naman din kayo Than, pahiramin niyo muna sila tapos babayaran nila. Ganun nalang."

Umiling naman si Nathan. Hindi naman kasi ganun kadali yun, mas maganda kung mag kakasundo ang dalawang pamilya. Pero, hindi kasi pumapayag si Than sa mga ganitong arrangement. "Magpapakasal ako." He said to us na para bang desidido na talaga siya.

"Waaa~ papasok ka sa isang loveless marriage? Mahirap yun Nathan." Nalulungkot na sabi naman ni Loise sa kanya. Ngumiti lang si Than sa kanya sabay gulo ng buhok neto.

"Wait. When is the wedding?" tanong naman ni Matthew. Siniko naman siya ni Jessy. "ano ba yosiboy! Parang wala lang sayo na ikakasal na si Thanie ha?!"

"tsk, I'm just asking here. Why are you looking at me like that?" depensa naman niya. Napabuntong hininga naman kame. "Well, next month." Mas nagulat kame.

"NEXT MONTH?!!"

"well, yes." he said casually. "the fvck?" napamura tuloy si Matthew, hindi kasi expected na ganito kabilis, nakita naman naming hinampas siya ni Jessy dahil sa bad word niya. "hoy!Kilala mo ba mapapakasalan mo?! don't tell me magkikita lang kayo sa araw ng kasal?!"

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now