Chapter 50: Say it Again for Me

2.3K 71 3
                                    


Jessy's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Jessy's POV

Kakauwi ko lang galing sa trabaho at pabagsak akong nahiga sa kama. Antok na antok na ako at wala na akong gana kumain. Napaidlip na ako nang biglang may kumatok sa pinto ko.

"Shemayyy." Napabangon naman ako. Baka kasi si esfriend kaya pinag buksan ko ito ng pinto.

"Hi there mister." Sinerado ko ulit ang pinto pero pinigilan niya agad ang balak ko.

"Hey, don't you dare shut a door in front of my face." Banta niya naman saken.

"Ano nanaman ha? magpapahinga na ako." Ang alam ko bumalik na siya sa dating bahay niya, pero wala paring umuupa sa kwartong tinutuluyan niya dito sa building namin, sabi kasi ni Lola Teresita bayad daw ang unit niya ng isang taon.

"This won't take long mister."

"Ano nga kailangan mo?" inip namang tanong ko.

"hmmm.. lakad tayo bukas. Nalaman ko day off mo."

"Haaay nako. Sorry Yosiboy, pero may date kame ni esfriend. Matagal na kameng walang bonding, kaya sensya kana. Magpasama kana lang kay Ren o isa sa mga joe's mo." Nakita ko naman na nadismaya siya. Tumango nalang siya saken.

"Errr—gusto mo sa susunod nalang?" tanong ko ulit sa kanya. Parang bigla kasi siyang nalungkot.

"Hmm. Don't mind it. Sina Ren nalang siguro." Nagpa alam naman siya at naglakad palabas ng building namin.

Talagang pinunta niya yun dito para ayain ako mamasyal?

"Haaay nako Jessy. Hayaan mo na yun, hindi kapa nasanay na bugnutin si Yosiboy." Nag half bath muna ako tsaka natulog.

Kinabukasan, may lakad naman kame ni esfriend. Excited ako dahil manonood kame ng sine at kakain sa labas. Matagal tagal na rin namin ito hindi nagagawa. Nanood kame ng horror film, at ang horror ay naging comedy dahil hinahaluan namin ito ng tawa namin kahit puno ng sigaw ang loob ng sinehan.

"esfriend? May iniisip kaba?" kanina pa ako nakatulala habang kumakain kame.

"Huh? Wala. Sa isang subject lang namin."

"Talaga lang ha? Akala ko ba basic lahat sayo at walang challenge ang college life mo?"

"hehe.. jokie joke lang yun esfriend, hirap na hirap nga ako kaso bawal sumuko. Nandito na ako eh! Alam ko naman kaya ko." pero sa totoo lang hindi naman talaga tungkol sa pag aaral ang naiisip ko ngayon, si yosiboy. Bumabagabag kasi siya sa isip ko.

"ah.. esfriend." Tawag pansin ko naman sa kanya.

"alam mo kasi esfriend, may isang tao gumugulo saken." Panimula ko naman. Sasabihin ko ba sa kanya?

"Huh?! Sino yan? Si Ren ba yan? resbakan natin?"

"Sira! Hindi nga. Iba... kasi—ano." Waaah! Sabihin ko lang na si Yosiboy, wala namang dahilan ha? Sabihin ko lang naguguluhan ako sa lalakeng yun, ano bang mali dun? Bakit naiilang ako?

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now