Chapter 8: My other savior

3.6K 76 9
                                    

Sa Fastfood~

 

Dani Luis' POV

Naisipan ko lang daanan si Jessy, bago pumunta din sa trabaho ko. At kakain na rin ako sa fastfood kung saan siya naga part time. Kailangan ko ng inspiration bago ko simulan ang araw ko.

Napahinto ako kasi----kitang kita ko kung paano binuhusan ng tubig ni Jessy ang lalakeng kaharap niya. Anak ng! Hindi naman nakikipag away si Jessy sa pampublikong lugar at lalo na kung oras ng trabaho.

Baka naman binabastos niya si Jessy?! Mas lalo ako kinabahan nung bigla tumayo ang lalake at akmang hahablutin sa braso si Jessy pero agad ako nakalapit at binigyan ng sinuntok ang walang hiya.

Kaya ayan nadapa siya sa sahig. Ayokong hinahawakan si Jessy ng ibang lalake!Whoa.. husband lang ang role? XDD

"ulul! Anong problema mo ha?!" Nakita kong nagulat si Jessy. Pero hinayaan ko muna.

Kinwelyuhan ko siya at binigyan pa ng isa.. dalawa.. tatlong suntok sa mukha niya!

Tarantado 'to at parang naka smirk pa siya pagkatapos ko siyang suntukin. Gago 'to ha! Susuntukin ko pa sana kaso pinigilan na ako ni Jessy.

"Dani Luis Marcelino !!! Sabi na tama na!" galit na si Jessy. Basta complete name na ang tawag niya sakin. Tumayo ako at nakatingin parin sa lalake.

"Siya ba ?! siya ba yung lalakeng nanggulo sayo sa café kahapon?" masama parin ang tingin ko sa tarantado. Tumayo na ito at pinunasan ang dugo sa labi neto.

"Bakit kaba bigla-bigla susugod ha?! Ano ka ba naman Dani Luis!!!" sinigawan ako ni Jessy. Ang cute niya tuloy. Pero wala muna time mag pantasya kay Jessy!

"Damn it. Well....its what cowards do. They attack when their opponent is not looking.  " naka smirk lang siya. Di man siya namaga ang mukha niya pero dumurugo ang labi niya.

" Gago! Anong ginawa mo sa kanya ha?!" di ko talaga 'to uurungan pag ginalaw niya si Jessy.

"Oh. So who the hell are you ? are you The Lover Boy? Damn man...it shows that you really don't have taste." Narinig ko pang tumunog ang leeg neto. Parang naghahanda din siya lumaban.

"Insult me but not Her! Damn you!" susugod na sana ako kaso ako ang tinamaan.

Sa sikmura ko dumiretsyo ang suntok niya. Then he elbowed me on my nape at ayun sumubsob ang gwapo kong mukha sa sahig.

"Oh its not sleep time yet." Sinipa niya ako sa tagiliran ko. I growled coz of pain.

"HOY! TIGILAN MO YAN!!! Ayy! tama na nga yan!" nakita ko pang tinulak ni Jessy yung tarantado. Tumigil naman siya.

"Kapag gusto mo gumanti.. sakin! ako nalang!! at hayaan mo siya! " Sumigaw na si Jessy. Di ko alam kung bakit di kame tinutulungan ng mga staffs dito sa fastfood. Dapat may tumawag na ng tanod o pulis man. Mga bulag ba sila?! Nakita kong lumapit ang lalake kay Jessy. Di ako maka bangon sa lakas ng tama niya sakin.

Jessy's POV

Lumalapit ang yosi boy saken. Baka suntukin niya ako, baka mahihimatay ako. Kitang kita ko kung paano niya napatumba si esfriend.  Kung bakit naman kasi bigla susugod itong si esfriend! Ewan ko na! Panic Mode na ako.

"Ano... suntukin mo na ako." Hinahamon ko siya pero ang totoo nanginginig naman talaga ang mga tuhod ko pero kinakaya ko nalang. Sobrang lapit niya sakin. Yumuko siya konti at bumulong sa tenga ko...

"Nope. I will not do that. But, I'll take my revenge some other time. See you around." Umalis na yung yosi boy. Nakadapa parin si Dani. Agad agad ko siyang nilapitan at pinaupo.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now