CHAPTER 2

5.2K 114 19
                                    

After verifying the capacity and selecting formatting options ay nagawa ko ng maayos ang ipinagagawa sakin ni Terrence, napasulyap ako sa gawi nya at sasabihin ko na sanang okay na ng makita ko syang nakangiti habang may binabasa sa loob ng folder ko. 

Naku po, nababaliw naba to? Bakit nakangiti? May nakakatawa ba sa resume ko?

"Ah Terrence. Okay na.." sabi ko. Kaagad naman syang ngumiti.

"Ah ganun ba? Okay.. I'll check it later. I'll call you back kung okay yung ginawa mo then sabihin ko nalang kung anong sunod na instruction ang gagawin mo if ever matanggap ka. Thank you." At iniabot na nya sakin yung folder ko. Sabagay nga pala mukhang napahaba yung time namin.. marami pa naman akong kasunod.

Parang ayaw pa akong dalhin ng mga paa ko sa may pintuan ng mga oras na iyon. Nakatingin pa ako sa kanya at ewan ko ba kung anong hinihintay ko pang sabihin nya , takang taka naman syang napatingin sa akin habang nakangiti.

"Yes? May nakalimutan ka pa ba?"he asked.

Oo yung puso mo nalimutan kong ibulsa. 

"Ah wala naman, sige salamat po!" I replied. Ang cute nya talagang mag-smile.. makalaglag talaga! Habang palabas na ako ng area na yun ay lutang parin ang kaisipan ko, parang wala na sa akin kung makapasa man ako o hindi.. ang mahalaga naka-one on one ko sya! Nakasalubong ko naman sa daan ang kaibigan kong si Bianca.

"Hoy babae, saan ka galing .. bakit may dala kang folder? Don't tell me, isa ka sa pumila kay Terrence?" panunuksong sabi ni Bianca.

"Nag-try lang ako be, alam mo naman ..chance ko na yun para masolo sya"

"Ang landi lang ng peg ng isang ito e, o anu nakachansing ka ba?"

"Hoy sobra ka naman!, hindi ako ganun ha?"I rolled my eyes.

"Kunyari pa to, e halos gabi-gabi inaasam mo atang mahalikan sya!"she said.

"Sa panaginip lang yun... hindi naman ako ganun sa personal!" may paghagikhik ko pang sabi.

"Sus! Ay tara nalang be dun sa may kwekwekan ..dun sa dating gawi."yaya nya sakin.

"O sige, total gutom narin ako e." reklamo ko.

"Hindi kaba nabusog sa nakita mo kanina?" she teased.

"Sira! lalo nga akong nagutom!" I said and I laughed hard.

Halos mag-kangbubusog kami ni Bianca sa kwek-kwek naming binili, ang sarap — sarap kasi talaga lalo na kung may kasama pang pipino.. favorite na namin yung dalawa simula pa nung high school kami..at madalas kami sa lugar na yon, kilala na nga kami ng may-ari niyon. Paalis na sana kami ni Bianca ng maalala kong may dala nga pala akong folder. Buti nalang naabutan ko pa ito doon sa inupuan namin ni Bianca, kukunin ko sana ng masanggi naman ito nung lalaking palabas ng kanyang upuan, kaya kumalat sa sahig ung resume ko at ilang papel.

"Ay sorry ha? Di ko napansin. Sorry talaga miss." he apologized.

Nginitian ko lang sya, pinupulot ko ang mga papel ng may nakita akong ½ sheet of paper at my nakasulat doon, notes ko ata ito. 

Pero teka bakit may nakadikit na picture ni Terrence? Binasa ko ang nakasulat doon.

"Oh my Terrence Colaico ,

the man in my dreams I want to become true.

Your smile , your kissable lips, your tantalizing eyes..

Makes my heart freeze like an ice!"

Oh my gosh? Hindi kaya ito yung nakita ni Terrence kanina kaya ngiting —ngiti sya?naku patay! Buking ako! Shit! Tanga ko talaga! 

Noon ko naalala na nalimutan ko ng alisin iyon sa folder, dali-dali na kasi ako kaninang nag-ayos ng resume ko,mabilis akong tumayo at dali-daling lumabas sa kwek-kwekan.

Kalalabas ko lang ng kwek-kwekan ng mag-ring ang phone ko.

"Hello? Sino to?" curious kong tanong.

"Lets just say,the man in your dreams?" he suddenly said. And my heart starts to beat faster!

                                                

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon