MARIANNE'S P.O.V.
Tatlong-araw na ang nakakalipas buhat nang magkaharap- harap kami nina Nicole , Terrence at Carlo sa shop, at eto ako.. still, nagmumukmok parin sa kwarto ko. Hindi ko kasi talaga alam kung papaano ba ko babangon after nito.
Tatlong sunod-sunod na araw na ring pumupunta dito si Terrence. Pero hindi ko siya hinaharap. Kapal ba naman nang mukha e! Hindi pa ba malinaw dito na pagkatapos kong lisan ang shop na yun ay kasabay na rin nun ang aming paghihiwalay?
Kala niya mauuto niya pa ako. Ha**p siya! Gago! Ngayon alam ko na kung bakit bigla siyang nakipag-ayos sa akin. Sinasabi ko na nga ba e, may bago siyang pakulo. And I was hurt. A lot.
Ayokong isipin na 'yun' lang ang habol niya sakin. Pero lumalabas at lumalabas pa rin ang katotohanang 'iyon' naman talaga. Just like what Nicole said.
Pero hindi naman talaga yun ang ikinasasakit ng damdamin ko e, alam niyo ba kung ano yung mas masakit? Yun yung hindi niya masagot sakin kung mahal ba niya talaga ako. Imagine sa harap pa ng ex niya at ni Carlo. So anong mararamdaman ko nun? Hindi lang ako nasaktan kundi napahiya pa! Tarantado lang talaga diba?
Siguro nga kasalanan ko din dahil ilang beses kong tinangkang itanong yun sa kanya. Pero kahit kelan hindi ako nilaksan ng loob. Ayoko lang kasing makarinig ng ikasasakit ng puso ko. Pero iwasan ko man yata talaga ang ganoong pangyayare, ay sadya yata talagang kailangang ipamukha sakin ng tadhana na hindi ako mahal ng taong mahal ko..
"Anak! Anak gising ka na ba?" narinig kong tawag ni Mama mula sa likod ng pintuan ng kwarto ko, natigil tuloy ang pag-iisip ko.
Sinabi ko na sa Mama ko ang lahat. Except the "sex" issue, siyempre jahe naman ata yun! At naiintindihan niya kung bakit ilang araw na akong ganito. Buti na nga lang hindi ako nasermunan, yun nga lang nalungkot din siya. She thought naman kasi na hindi ganoong klase ng lalaki si Terrence.
"Anak? Bangon ka na jan, may bisita ka!" Sigaw pa ni Mama.
Hays ano ba naman yan! Wag mong sabihin Terrence na ikaw na naman yan? Kelan ba 'to titigil?
Ganon naman kasi ang laging senaryo nitong mga nakaraang araw. Manggigising si Mama para sabihing may bisita ako. At walang iba kundi si Terrence.
"Anak?" katok pa ni Mama sa may pintuan.
"Ma, pakisabi nalang tulog pa ako." sagot ko sa nababagot na boses.
"Anak, naghihintay siya sa labas e."
"Sino ba yun Ma?" Nayayamot ko nang napabangon, pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto.
"Ah si ano, si Bianca."
Huh? Hindi ba kagagaling lang ng babaeng yun dito kahapon?
Wala akong nagawa kundi ang tuluyang mapatayo sa kama ko. Kaagad din akong nagtoothbrush sa may Cr sa kwarto ko.
Pasado alas diyes na nang umaga pero ngayon ko lang nagustuhan bumangon, hindi pa nga sana e, kung wala lang si Bianca sa labas.
"Anak pinapasok ko na siya ha!" Narinig kong sigaw ulit ni Mama.
"Opo!" sigaw ko mula sa kwarto pero kaagad din akong nagbukas ng pintuan.
Paglabas ko nang kwarto ay ganun na lang ang sinimangutan ko pagkakita ko sa taong "bisita" ko raw!
But I think its buwisita! (bwisito rather!)
At hindi ko naiwasang i-rolled ang mata ko pataas.
Siya na naman?!!!
"Pasensya ka na anak, kapag sinabi ko kasing siya ang bisita mo alam kong hindi ka lalabas. Gusto ka lang daw kasi niya makausap." Bulong ni Mama sa akin.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...