MARIANNE’S P.O.V
Naghalo-halo na ang emosyong naramdaman ko pagka-alis na pagkaalis ko ng Metroville.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa inamin sakin ni Carlo o maiinis dahil napaka-wrong timing niya. Seryoso mahal ako ni Carlo?
Haist, sana siya nalang si Terrence.
Ngunit aminado akong mas nangingibabaw parin ang sakit na nararamdaman ko sa aking natuklasan.
Dumiretso na ako sa bahay at nagkulong sa kwarto. Doon ako lihim na nagbuhos ng galit at sakit na nararamdaman ko sa ngayon.
Nakakatuwang isipin na saksi ang bawat sulok ng kwarto kong ito kung gaano ako kiligin kay Terrence nitong mga nakaraang linggo. At nakakalungkot na masasaksihan din nito ang kalungkutang nararamdaman ko ngayon. At si Terrence parin ang dahilan niyon.
Sa sandaling panahong mula nang naging kami ni Terrence ay inaamin kong lalong lumalim ang paghanga ko dito. Bagay na nauwi narin talaga sa seryosong pagmamahal.
At sa sobrang katangahan ko ay pati ang lahat sakin ay ibinigay at ipinagkatiwala ko rin sa kanya.
Ngayon, alam kong wala ng patutunguhan pa ang relasyon namin ni Terrence.
Anong silbi pa nun kung one sided love lang pala ang lahat ng yon?
Ako lang naman pala ang nagmamahal, ako lang pala ang umaasang magiging forever kami at hanggang ngayon mag-isa lang lang din akong nasasaktan.
Habang siya kasama na naman niya ang tunay niyang mahal. Tss…
Hashtag iyak!
Kaya buo na rin ang pasya ko, and this time gusto ko ng matauhan.. ayoko ng magpabulag sa matinding nararamdaman ko para sa kanya.
Pakakawalan ko na siya.
Maybe I don’t deserve someone like him.
Maybe I have to learn from my mistake.
Maybe I have to accept the fact na kung sino yung gugustuhin mo ay hindi kailanman mapapasayo.
Maybe hanggang pangarap ko nalang si Terrence.
Kailangan ko na ba talagang mag-give up?
TERRENCE P.O.V.
Hindi ko na alam kung anong oras ng magmulat ako ng aking mga mata. Ang alam ko lang ay sobrang tirik na ng araw sa labas dahil sinag na sinag ito sa bintanang nasa kwarto ko.
Sobrang tirik ng araw pero heto ako at balot na balot ng kumot ang buong katawan dahil sa matinding lamig na nararamdaman ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at sinalat- salat ang noo ko. Tama ang hinala ko. Im sick. O shit.
At eto ang mahirap sa nag-iisa, wala kang aasahang mag-aalaga sayo kundi ang sarili mo. I tried to rise from my bed, pero hindi ko rin kinaya at muli akong napahiga sa tinding sakit ng ulo ko, ganun din dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
Bahagya pa akong nakaramdam ng panginginig sa aking katawan. I tried to find my phone kasi kanina pa itong ring ng ring, and I don’t know whose calling me. Saglit akong napatingin sa maliit na table na nasa side ng kama ko at nakita ko doon ang cellphone ko.
Ngunit hindi ko rin nagawang kunin yon sa sobrang sama ng pakiramdam ko.
Tumindi pa ang lamig na nararamdaman ko at nagpasya na akong hagipin ng isang kamay ko ang cellphone ko. I don’t know who to call,dahil wala naman si Mommy to take care of me, pero iisa lang ang taong gusto kong mag-alaga sakin ngayon. Si Marianne.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...