TERRENCE P.O.V.
"Yes Mom, okay na po.. nag-iimpake na rin po ako ng gamit ko ngayon."
"Ok, sige po.. See you there nalang po, tatawag ako bukas kapag nasa airport na ako."
"Ok, bye Mom. Iloveyou."
Sagot ko sa kabilang linya kay Mommy. Yes I decided to finally stay with my family there at Canada.
Tutal, wala na rin naman akong rason para manatili pa dito.
Oo, mahirap man.. pero mas makakabuti na rin siguro yun.
Besides makakasama ko na ulit ang pamilya ko pagkalipas ng mahabang panahon.
Pinauwe ko nalang ang lahat ng ibang gamit ko sa dating bahay namin sa probinsiya.
Hindi na rin naman ako makakabalik pa dito sa Apartelle dahil nga nag-decide na akong sa Canada na lang din mag-stay for good.
Ipinagbili ko na rin ang Shop kay Jayson... at sabi niya'y kukunin niya nalang daw ang pinsan niyang isa sa tumao dun. Tapos daw kasi iyon ng BSIT. Well, basta bahala na siya don, hindi ko na naman pag-aari pa yun e.
Dalawang linggo nang mahigit buhat nang nagkalinawan kami ni Marianne na tapos na talaga kami.
At pinanindigan ko na rin yon.
Mahirap man sakin pero kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang buhay ko.
Tatanggapin ko nalang siguro na parte lang talaga siya ng buhay ko. Nakakalungkot diba? Pero sabi nga nila. Move-on nalang.
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng Apartelle.
Nakakalungkot naman, kasi ilang taon ko ring tinirhan ito.
Kung pwede nga lang na bilhin ko na ito sa may-ari ay ginawa ko na para masabing akin 'to. Kaya lang ganun din naman, iiwan at iiwan ko rin naman ang bahay na 'to pagdating nga ng ganitong pagkakataon.
That's why hindi talaga ako kumukuha ng bahay dito sa Laguna.
"Men! Ano aalis ka na talaga?" Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong cellphone nang marinig ang boses ni Jayson na hindi ko na namalayang nakapasok sa Unit ko.
"Langya ka, ginulat mo naman ako!"
"Masyado ka kasing seryoso, ano ba kasing iniisip mo?" Tanong nitong umupo sa couch ko na pa-feel at home ang upo..
"W-wala."
"Asus, If I know.. yung babaeng nakasama mo nung isang-isang linggo. Kaw ha, may hindi ka sinasabi."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Sinasabi neto?
"E di yung nakilala natin sa Bar! Ryza ba yon? Ikaw ha, hindi ka nagsasabi nagkikita pala kayo non."
"Huy, sira... tatlong beses lang akong nakipagkita don ano." I said.
"At least , nagdedate pala kayo." Nakangisi nitong sabi.
"Baliw! Date ka jan!"
"Uy aminin mo na kasi. Nagpunta kasi ulit ako ng Padis Point kagabi, hinahanap ka niya sakin Men!"
Napailing nalang ako sa sinabing iyon ni Jayson. Pagkatapos kasi ng nangyare samin ni Ryza ay hindi na ako nagpakita dito.
Feeling niya siguro pagkatapos ng nangyareng yun ay magkakaron kami ng ugnayan.
But she's wrong. Para sakin One Night Stand lang ang nangyareng yun sa amin. And nothing more.
Pero ayun dahil sa nag-assume siya, text ng text, tawag ng tawag. Hindi ko na nga sinasagot pero ang kulit pa rin.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...