Kinaumagahan ay kaagad kong tinawagan si Bianca para magpasamang lumabas. Gusto ko kasing makasigurado kung buntis ba ako o ano.
Hays, lagot ako nito kapag nagkataon.
Nagkita lang kami ni Bianca sa harap ng Target Mall.
Sinabi ko na agad kung saan kami pupunta at pumayag naman ito kaagad.
Noong una ay hindi ko sinabi kung anong sinadya kong bilhin sa Mercury Drug.
Pero nang makita niya ang laman ng supot na binili ko ay kaagad siyang nagtaka. Medyo usisera kasi ito kaya kahit na anong bilhin ko ay inaalam nito..
"Bakit ka bumili nito?" At saka ito makahulugang tumingin sakin.
Nag-alinlangan pa nga akong sabihin dito kung para kanino ang binili kong iyon.
Pero naisip ko sino naman ang ipagsasanggalang ko dito.
Si Mama? E wala na ngang asawa. Kaya nagsabi na rin ako ng totoo.
"You mean, baka may posibilidad na baka buntis ka?" Gulantang nitong tanong.
"Kaya nga ako bumili nito diba?" papilosopo kong saad.
"My gosh! kapag positive yan, unang-una akong magsasaya!" Sabi nito na mabilis nag-iba ng mood.
"Ha?! Baliw ka ba?"
"Hindi siyempre, pero yung maiisip mo na baka buntis ka kay Terrence, ay napakabongga niyan! Gosh, ang saya nito.. may mangyayare tiyak na balikan!" bulalas niya na ikinahiya ko pa at baka may makarinig pang ibang tao.
"Tumigil ka nga Bianca ha, hindi ka nakakatuwa!"
"Hay naku, ayan ka na naman.. umatake na naman ang mood swings mo. Kaya naman pala lately napakasungit mo!"
Hindi ko na siya sinagot at inirapan ko nalang ito.
"Kaya pala inis na inis ka sa pagmumukha ni Terrence e." natatawa-tawa pa nitong habol.
"Please Bianca, just shut up... namomroblema na nga ako dito e. At tsaka hello, hindi ko naman sigurado na buntis ako no!"
"Asus, positive yan! Suplada mo kaya, o e san mo ba itetest yan?" Hindi ko agad iyon nasagot dahil iniisip ko pa ang naging komento ni Bianca.
Napansin ko nga rin kasing pabago-bago ang mood swings ko nitong mga nagdaang araw.
"Huy, san mo sabi itetest yan?" Tabig sakin ni Bianca.
"Sa bahay, samahan mo 'ko."
"Oo naman.."
Dali-dali kaming naglakad patungong Amar Village, walking distance lang naman ito mula sa Mercury Drug na nabilhan namin kaya madali lang naman kaming makakarating.
Pero saktong tapat ng kanto ng Amar Village ay nakaramdam na ako ng pagod kaya naman sumakay nalang kami ng pedicab puntang Del Mundo Compound.
Pagkarating namin sa bahay ay pakiramdam ko'y parang tatalon na ang puso ko sa kakabahan. First time ko itong gagawin at ang isa pa ay natatakot akong sa maaring maging resulta.
Paano nalang kasi ako kapag totoo ngang buntis ako?
Ano, maghahabol ako kay Terrence pag nagkataon?
Ah shit! I am so damn stupid.
Dali-dali akong pumasok sa banyo at umihi.
Tutal madalas din naman akong maihi nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na problema ang pag-ihi.
Sinunod ko nalang ang instruction ng nasabing Kit na yon at naisagawa ko naman iyon ng maayos.
Unang patak ko sa PT ay kaagad na pumula ang unang guhit nito.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomansaPaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...