CHAPTER 22

3.1K 54 0
                                    

TERRENCE P.O.V.

Maaga ulit akong gumising kinabukasan. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kaagad na akong nag-lock ng pinto at saka umalis. Hindi ko na nakuhang mag-breakfast at kako’y maluwag naman ako sa shop at mag-oorder nalang ako sa labas when I felt hungry.

Naabutan kong hindi pa open ang shop at wala pa si Carlo.  Ah finally naunahan ko rin ang loko. Ako na ang nagbukas nito total nasa akin naman ang susi at duplicate lang yung kay Carlo.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na rin si Carlo.

“Wow, Pre, aga ah… himala!” sigaw nito habang papalapit sa shop.

“Wala e, hiyang-hiya naman ako sa pagiging most punctual mo palagi” I chuckled.

“Dapat lang, aba pinapasweldo kita dito.” Biro nito.

“Naks, lalo akong nahiya Boss!” sagot ko sa biro nito.

Mahigit 4 years ko na ring kaibigan si Carlo, ito na din ang umaaktong bestfriend ko. At nung pagplanuhan kong magtayo ng shop ay nagprisinta itong kunin ko siya. Since, kaklase ko naman siya nung College at parehas kami ng course na kinuha ay may tiwala naman ako dito. At may angkin din naman itong kaalaman about that business. Yun nga lang minsan ay may angking katamaran itong pumasok, ngunit hindi ko naman maikakailang malaki din ang naitutulong nito sa shop. Mahilig kasi ito sa mga gimik-gimik, lalo na sa babae.. ewan ko ba sa kaibigan kong ‘to, kung anong ini-stick to one ko ay siya naman nitong halos bilangin sa daliri ang babaeng dinedate. Ngunit nitong nagdaang mga araw ay napapansin kong hindi na siya pala-absent. Baka walang ma-idate ang loko!

Maya-maya pa’y napadako ang tingin ko sa jeep na huminto sa highway malapit sa harap ng shop. Nakita kong pababa si Marianne mula doon.

Napatitig pa ako dito ng ganap ng nakababa siya ng jeep at makita ito sa ganoong ayos. Nakalugay ang buhok nito na hindi naman nito laging ginagawa. Madalas ko kasing makita siyang nakataas lang ang buhok. Siyempre what I mean is yung nakapuyod. Muli kong naramdaman ang naramdaman ko noong una ko siyang makitang ganoon nung time na sinundo ko siya at patungo kami sa  b-day party ni Tyler. She’s pretty amazing. Naalala ko pang hindi agad ako naka-imik over the phone dahil napa-tanga na ako sa ganda niya.

Habang papalapit siya sa amin-- pakiramdam ko’y nagsslow-motion ang galaw niya habang nililipad ng hangin ang kanyang magandang buhok. Dinala ng hangin ang konting hibla ng buhok nito papunta sa harap ng mukha niya at siyang naging dahilan para suklayin nito gamit ang kamay niya paalis sa mukha niya. She’s extremely beautiful.

Wala parin akong kurap hanggang sa makalapit siya sa amin ni Carlo.

“Anyare sa inyong dalawa?” wika nito ng makalapit. At siya namang ikinabigla ko.

“Ha? Ah….” Saad kong hindi malaman ang sasabihin sa mga oras na yun.

“May atraso ba ako at kung makatitig kayo wagas?” muli niyang saad.

“Para kasing may bago sayo e..” saad ni Carlo na hindi pa yata nalalaman kung anong ipinagkaiba nito sa araw-araw niyang nakikita.

She smiled. Langya men! Parang tinamaan ako. Anyway baka gutom lang ‘to. Sabagay hindi pa nga pala ‘ko kumakaen.

Hinihintay kong masolo ko siya dahil gusto ko siyang kausapin. Wala lang, parang I just want to make some lil chit-chat to her. Pero hanggang sumapit ang tanghali ay lagi itong kausap ni Carlo kaya nakakabadtrip. Kung hindi man ay hindi naman nag-gigive way si Carlo o umaalis sa tabi nito para makabwelo ako. Kaasar talaga men!

Ngunit maya-maya lang ay nakaisip ako ng paraan para makausap siya.

“Marianne.” Tawag ko sa kanya pagkalabas ko ng office.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon