TERRENCE P.O.V.
Hindi ko muna sinadyang sabihin kay Marianne, na may idea na ako sa kalagayan niya sa ngayon, ayoko naman kasing isipin niya na yun lang ang dahilan kung bakit andirito ako ngayon at pini-please siyang bumalik sakin.
Oo, maaring isa yon sa dahilan ng muling pagsuyo ko sa kanya ngayon, pero isa lang din yun sa pinagpapasalamat ko't nangyare. Ng dahil don, muli akong pinang-lakasan ng loob para muli siyang makuha. Para muli siyang suyuin.
At ngayon pakiramdam ko'y magkakaron na ulit kami ng pag-asa.
Nakikita ko na nga na malapit ko na siyang ma-please. At sa wakas nakita ko na ulit siyang ngumiti.
Yun nga lang sasagot na sana siya sa sakin nang may marinig naman kaming nagsalita sa may gilid namin.
"Hi Terrence. Andito ka lang pala. I've been looking for you this past few days."
Sabay kaming napatingin doon.
At laking gulat ko ng makilala ko ang babae. Si Ryza.
"O men!" Sambit ni Jayson.
Humarap si Marianne sa akin at tumingin na parang nagtatanong.
Naguguluhan tuloy akong napatingin muli kay Ryza.
"Hey. Don't you miss me?" Nakangiti pa ring sabi ni Ryza.
What the hell she's doing here?
"A-anong ginagawa mo dito?" I asked.
"Sinundan kita. Nandiyan kasi ako sa parents ko ngayon. And I saw your car na dumaan sa may harapan namin, so I followed you." Lumapit pa nitong sabi.
"Who is she? Bagong girl mo?" She added.
"Ryza, its not the right time to talk about this." Sabi ko nalang.
Mukhang eeksena pa 'to ah.
"Bakit naman? Alam mo ba, pagkatapos nang may mangyari satin, I've been waiting for you to see me." May pang-aakit pa nitong hawak sa bisig ko.
Shit! Bakit ba palaging may extra? Baka kung anong isipin ni Marianne.
Hindi ko tuloy alam kung sino ang uunahin ko.
Napatingin ulit ako kay Marianne. At sabi ko na nga ba, masama na naman ang mga titig niya sakin.
Tss.Patay na naman ako nito. Urgh!
"Sino siya?" tanong ni Marianne sakin.
"Uh, uhm.. s-si Ryza." Nag-aatubili kong sagot.
"Yah, hi Im Ryza.. and we met at the Bar, ikaw san ka ba niya nakilala? Sa Bar din?" Ano daw? Palagay naman niya kay Marianne, katulad niya?
"Ryza... can we talk some other time nalang?"
"Oh why? We're not yet done right? Remember yung nangyare satin sa Apartelle mo?" Gahd! Kelangan ba talagang banggitin niya yun in front of Marianne. Shit talaga.
"Ryza, please..!"
"No, sige... mabuti pa mag-usap nalang muna kayong dalawa. Mukhang kayong dalawa naman yata ang may kailangang i- settle dito." Ramdam kong may galit na pahayag ni Marianne. Nag-iba na rin kasi ang timpla ng pakikitungo niya sakin pagkakita niya kay Ryza.
"Marianne, wait.... Its not what you think." Pigil ko sa kanya ng akma na siyang aalis.
"Sige na, ayokong mag-aksaya ng panahon sa inyo!" Mataray nitong tugon.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...