CHAPTER 62

2.4K 46 6
                                    

Pagkarinig ko ng sinabi ni Carlo ay para akong ninakawan ng boses at hindi nakaimik at ni hindi man lang nakagalaw sa kinatatayuan ko.

I felt that my jaw dropped for a minute.

Is it true? Hindi kaya ginugood time lang ako ni Carlo?

"At siyempre walang ibang ama, kundi ikaw." Carlo continued.

Napaabante nalang ako sa mga oras na yun palapit kay Carlo.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mabibigla sa balitang dala niya.

Pero alam kong may parte ng pagkatao ko ang gusto nang magdiwang sa mga oras na 'to.

Gusto kong umimik, pero tila walang lumabas na salita sa bibig ko.

Para akong isang remote na sandaling pinindot ang mute kaya hindi nagawang umimik.

Ilang minuto pa bago nag-sink in sa isip ko ang lahat ng binitawang salita ni Carlo , saka ako nakapagsalita.

"W-where is she?" Taranta kong tanong.

"Nasa bahay nila. And thanks to me, kasi kahit papaano may natitira pa rin akong kabaitan sayo kahit alam kong naging karibal kita kay Marianne."

"Marianne?" Narinig naming saad ni Jayson.

Sabay kaming napalingon ni Carlo sa pagsingit ni Jayson sa usapan namin.

"Tama ba yung pagkakarinig ko? Marianne yung babaeng mahal mo Men?" Tanong nito.

Tang-*** seryoso? Ngayon pa 'to magtatanong ng info about sa babaeng mahal ko?

Hindi ko siya sinagot, kasi mas importanteng ma-kumusta ko si Marianne sa mga oras na 'to.

At binalingan ko rin kaagad si Carlo.

"Kumusta siya? Kelan mo pa nalaman? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob para harapin ka. And besides, ayaw niya ring ipaalam sayo 'to?"

"But why?" Naka-kunot noo kong tanong.

"Mabuti pang sa kanya mo nalang yan itanong." Carlo replied.

"Thank you for telling me this. I owe you this Carlo." Sa wakas ay huminahon ang boses kong sagot kay Carlo.

He truly is my friend pa rin pala.

"Pwede mo ba akong samahan sa kanya?"

"Pare naman, sinabi ko na nga sayo, kailangan pang samahan kita?" Sagot ni Carlo.

"Why not?"

"Baka nakakalimutan mong naging karibal mo 'ko sa kanya, kaya konting respeto nalang, masakit din naman yon para sakin, yung makita kayo na magkakaayos." Saad nitong hindi ko alam kung galit ba siya o talagang seryoso lang. At naintindihan ko rin naman siya don.

"Salamat talaga." Nasabi ko nalang. Saka ako bumaling kay Jayson.

"Jayson, pwede bang ikaw nalang ang sumama sakin?"

"Walang problema Men, pero teka lang sino bang Marianne yun?" Tanong pa rin nito.

"Seriously Men, kailangang ngayon mo itanong yan? I have to see her immediately. Lets go!" Akma akong lalabas na nang pintuan ng sumagot siya.

"Men, nalaman mo lang na buntis siya ha, hindi pa manganganak. OA neto." Reak nito.

"Ang dami mong reklamo! Sasama ka ba o hindi?" Saad kong pinaningkitan siya ng mata.

"Sasama!" Kaagad namang sabi nito. Dami pang sinasabi, sasama din naman!

At sumunod na nga ito sakin na lumabas ng Unit ko.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon