CHAPTER 36

2.9K 69 6
                                    

TERRENCE P.O.V.

Nagising akong bagnas — pawis ang buong katawan ko dahilan siguro dahil sa magdamag na balot ng makapal na blanket ang aking katawan. Dali- dali kong inalis iyon dahil sobrang init na init na ako. Sinalat ko rin ang sarili ko at hindi na ako mainit sa mga sandaling iyon, at medyo magaan narin ang pakiramdam ko.

Luminga ako sa buong kwarto maging sa kalooban ng bahay pero wala akong nakitang ibang tao.

So iniwan nalang pala ako ni Marianne dito ng mag-isa? Tsk.

Buong akala ko pa naman ay hihintayin niya akong tuluyang gumaling. Pero ni anino niya ay hindi ko nasilayan pagkagising ko.

Saktong alas-otso na ng umaga at nagpasya na akong maligo dahil medyo maayos na naman ang pakiramdam ko.

Salamat nalang talaga sa nag-alaga sakin dahil kaagad na bumuti ang pakiramdam ko. Kahit na hindi ko na namalayan kung papano ako nakakaen kahapon. Ang tanda ko lang pilit akong pinakaen ni Marianne ng noodles ba yon. And after that, ay pinainom ako nito ng gamot. Pikit-mata parin ako nun dahil sobrang hapdi na talaga ng mata ko. Ganoon kasi ako kapag nagkakasakit, hindi ko na halos maimulat ang aking mga mata. Ganoon daw kasi  talaga ako nung bata pa ng mabanggit sakin noon ni Mommy. Halos mag-deliryo na ako kahit pa hindi ganoon kataas ang lagnat ko.

Nagtungo ako sa kusina at nakita kong may ready-to-eat ng pagkaing natatakluban sa mesa ng buksan ko iyon.

Ang sweet talaga ng girlfriend ko. Napailing akong nangingiti. Biglang nawala tuloy ang tampo ko sa kanya dahil umalis na siyang hindi nagpapaalam.

Mukhang kababagong luto lang niyon dahil medyo mainit pa ang kanin na nasa plato nang dampian ko ng kamay.

May nakalagay pa sa tabi nitong notes.

Eat this when you wake-up and please take your medicine after that! — Your Babe.

Tukoy rin nito sa katabing gamot.

Nakita ko ring may katabi itong canned-goods.

Hindi man lang ako pinagluto ni Marianne? Bakit canned-goods lang?

Napakunot-noo ako. Pero di bale na mahalaga may makakaen na ako kaagad.

After I ate and take a bath ay nagmadali na akong pumunta sa parking lot at saka pinaandar ang kotse ko palabas.

Nagdecide na akong pumasok ngayon kahit na may posibilidad na mabinat ako. Wala lang excited lang kasi akong makita si Marianne ngayon. I just want to thank her for taking care of me yesterday. Baka kung hindi siya dumating ay malamang tumirik na ang mata ko. Exage lang!

Exactly 9:00 am nang makarating ako sa shop, nagtaka pa ako kung bakit at this time sarado pa rin ang shop.

Absent na naman kaya si Carlo? Eh si Marianne? Anyare sa kanila?

Almost mag-2 hours na pero wala paring Carlo at Marianne na nagpakita.

Naisipan ko ng tawagan si Marianne, but she's not accepting my call.

I tried to call Carlo at kaagad naman itong sumagot.

"Hello?  Carlo.. hindi ka ba papasok?" pilit kong naging mahinahon kahit last time ay hindi naging maganda ang aming pag-uusap.

"Nope!" he replied immediately.

"Why don't you even call me?"  inis kong saad.

"Bakit tumatawag ka ba kung hindi ka papasok?" sagot niyang halata kong may inis sa tono ng boses.

"Pasensya na kung hindi ako nakatawag kahapon, I got sick kasi.." I explained. Pero hindi man lang ito sumagot sa kabilang linya.

"Hey? Anjan ka pa ba? Nagtext ba sayo si Marianne kung papasok siya?" hindi ko naiwasang itanong.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon