CHAPTER 30

3.3K 42 2
                                    

MARIANNE’S P.O.V.

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako napahimbing ng tulog. Nagising nalang ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

Pero hindi ko kaagad tiningnan yun at sa halip ay tiningnan ko si Terrence.

Nakatagilid ito paharap sakin, at nakayakap ang isang kamay sa bewang ko. Pikit na pikit parin ito at palagay ko’y himbing na himbing parin sa pagkakatulog.

Haist , ang sarap namang paghahalikan ng taong ‘to ng walang kalaban-laban.

Noon ko nalang napansin na tanging kumot lang pala  ang nagtatakip sa kahubdan ko ngunit may suot naman akong underwear at brassiere. At ang katabi ko naman ay nananatili paring topless.

Marahan kong inalis ang pagkakadantay ng kamay niya sa bewang ko saka ako dahan-dahang bumangon. Nakaramdam pa ako ng bahagyang sakit sa bandang balakang ko at sa may puson ko.

Hinayaan ko nalang na matanggal  ng kusa ang kumot saking katawan ng bumangon ako. Naglakad ako patungong drawer at hahanapin ko sana ang damit ko na nilagay ko doon, ngunit bago pa ako nakadiretso doon ay saglit kong tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin na malapit doon.

My gahd. Ang sexy ko pala , hindi naman ako na-inform.

At buti nalang at magka-pares pala ang panloob kong suot.

Totoo pala ang sabi nila na kapag daw nakiki-pag churva ang isang girl ay nagiging blooming. Napatawa nalang ako sa naisip ko.

“Woah, sexy!” bahagya pa akong napapitlag sa boses na nagmula sa likuran ko. Nang mapalingon ako ay nakita kong gising na pala si Terrence at bahagya na itong nakaupo mula sa pagkakahiga at nakatuon ang dalawang kamay sa may bandang likuran.

Kaagad akong nataranta at naghanap ng maiitakip sa aking katawan, kaagad kong naabot ang towel na nakasabit malapit sa drawer.

At natawa ito sa ginawa ko.

“Kahit pa anong gawin mong pagtatakip jan, nasa isipan ko na kung anong meron diyan.” He smirked

“Kainis ka. Ligo na nga ako.” akma akong lalabas ng kwarto ng mabilis siyang nakatayo at nakahabol para pigilan ako.

“Wait sabay tayo gusto mo.” Saad niya ng idikit niya ang sarili niya sakin.

“Heh! Magtigil ka nga!” And I pushed him, pero hindi ako nagwagi at yakap-yakap parin niya ako mula sa likuran.

“How are you feeling?”tanong niya.

“Huh. Uhmm.. Okay lang.” sagot ko.

“Wala bang masakit sayo?” he asked.

“Meron. Yung bandang—“

“Sorry..”putol niya sa sasabihin ko.

“Ano ka ba okay lang. Maliit na bagay..” Huhuhu. Pero masakit parin.

“Hindi ah, malaking bagay yon. Sorry kasi hindi ko na napigilan yung sarili ko kagabi ha?” Saad niyang nakalapat ang labi sa tenga ko at halos magtayuan ang balahibo ko.

“Yun lang ba?”

“Pero in fairness ha.”habol niya.

“Ano yun?” In fairness pa tong nalalaman.

“Ang sarap mo.” he whispered. At saka ito tumawa ng nakakaloko.

“Baliw!  Siya sige na.. maliligo na ako.”

“Ayaw mo ba talaga akong kasabay?”lambing pa nito

“Hindi ako makakaligo kung kasabay kita noh, sige na wag ka ng makulit.” And I once again push him away.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon