CHAPTER 14

2.8K 70 2
                                    

May ilan-ilan taong kaming naabutan pagkapasok namin sa Splash Island.. marahil talagang nagsisimula na ang summer at marami-rami na din ang nais mag-swimming dahil na rin sa sobrang init ng panahon.. kaagad kaming kumuha ng cottage at doon namin nilagay ang mga gamit namin at ang iba naman ay ipinasok na namin sa room kung saan kami mag-sstay pagsapit ng gabi.

Pagkalabas ko ng room ko ay nagtungo na ako sa pool at naupo sa gilid niyon. Nagpalit lang ako ng pants na kaninang suot ko .. nagshorts lang ako ng sobrang igsi at nag-tshirt pero under my shirt ay nakapang-swim wear na ako. oh diba para ready! Naabutan ko ng naliligo sina Bianca at ang boyfriend nito sa swimming pool, ganun din si Carlo at ang kasama nitong babae na ang pangalan pala ay Trisha.

Hinanap ng aking mga mata si Terrence.. lumingon ako sa may cottage at doon ko sya natagpuan.. nakaupo lang ito doon at hawak ang cellphone na sa palagay ko’y nagtetext ng mga sandaling iyon.

Naka-tshirt pa rin ito at nakashorts -- na siyang suot kanina nang dumating ito. Naramdaman nya atang may nakatingin sa kanya dahil maya- maya palang ay napatingin sya sa gawi ko. Agad akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Jusko ! baka isipin niyang kanina ko pa siyang pinagmamasdan! At katulad ng dati everytime na makikita niya akong nakatingin sa kanya ay nginingitian nya  lang ako. ginantihan ko siya ng ngiti.. at kaagad din akong nagbawi ng tingin at muling ibinaling ko ang tingin sa paa kong nag-sisimula nang laruin ang tubig sa pool gamit iyon.

“bakit hindi ka pa naliligo?” nagitla pa ako ng lingunin ko si Terrence na nasa tabi ko na pala at maya-maya pa’y umupo na ito sa tabi ko.

“uhmm.. wala lang, di ko pa feel lumigo e” sagot ko habang ibinalik ang tingin sa pool.

“nakakainggit sila noh?” seryoso niyang sabi na ang tinutukoy ay sina Bianca at Carlo na kasama ang mga jowa nila.

“ikaw, bakit hindi ka nagsama ng bf?” tanong nitong nakatingin sakin.

“wala nga kasi akong boyfriend…”sagot kong nakakunot-noo. Yung totoo Terrence ..ilang beses mong itatanong sakin yan?

“totoo?” saad nito.

“ay hindi..hindi… meron, meron --- diba nga sabi ko wala, paulit-ulit?” pamimilosopo kong sagot sa kanya. And he chuckled.

“so galit ka na niyan?” natatawa nitong sabi.

“ikaw kasi ang kulit mo e, sabi ng wala ngang boyfriend ang tao e” may pag-irap ko pang sabi. Kung gusto mo ikaw nalang !

“okay.. fine, relax.. ano kaba, sorry naman.. I just wanna may it clear na wala kang boyfriend..” he said at napatingin ako sa kanya .. na nakatingin lang din sakin. And he’s so serious. Ano bang gustong ipahiwatig sakin ng lalaking ito! bakit ganyan nalang ang mga titig sakin ng taong ito.

kung wala lang siyang gf ay binigyan ko na iyon ng malisya. Well kahit naman pala meron ay  nagagawa ko pa ring lagyan ng malisya ang mga ipinapakita nya.

“ikaw, bakit hindi mo kasama si Nicole?” pag-iiba ko.

“may trabaho e..” sagot niya.

“eh, diba regular na siya dun? Bakit hindi mo nalang siya pina-absent?” tanong kong nananatiling nakatingin sa reaksiyon ng mukha niya sa mga sandaling iyon.

“yun na nga e, mas importante ata sa kanya yung trabaho niya kesa sa makasama ako” himig niyang nararamdaman kong may pagtatampo.

“bumabawi naman ata siya sayo kapag restday niya e, diba?” I replied na baka sakaling magbago ang nararamdaman niya.

“sana nga lang ganun ang ginagawa nya, pero hindi e.. mas gusto niyang nagkakasya nalang muna kaming magcommunicate through cellphones,through chats—“

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon