CHAPTER 56

2.1K 49 3
                                    

Dumating ang kinabukasan at ipinalagay  ko na sa isip kong hindi na talaga babalik si Terrence.

Haist. Ako pa! Bahala siya sa buhay niya. Goodbye kung goodbye.

10:00 am – nang magsimulang tumingin ako sa labas

12:00 pm – tumingin ulit ako sa labas

2:00 pm– tumingin parin ako sa labas

4:00 pm– muling tumingin ako sa labas

5:00 pm– at tumingin akong muli sa labas

6:00 pm – nang huling tumingin ako sa labas

Wala talaga e. Walang dumating.

So ang nangyare, hindi ko pa rin naitagong sobrang disappointed ang lola mo.

Hayy

Narinig kong tumunog ang doorbell, kaya kaagad akong nagmadaling lumabas.

At ewan ko ba pero nanlumo lang ako sa nakita ko.

Si Bianca pala.

Napatingin ito sakin na nakakunot ang noo.

"Ano namang mukha yan?" Bungad nito.

"May hinihintay ka noh? Uy sino kaya?" She added.

Hay kahit kelan yata talaga hindi ko mapapagtaguan ng feelings 'tong si Bianca.

"H-ha?  Wala ah.." Tanggi ko pa rin.

"Asus, itanggi pa daw oh, miss mo na noh?" Tukso nito.

"Sino?"

"Kunwari pa 'tong hindi alam... "

"E hindi ko naman talaga alam e!"

"Sus! Miss mo na siya noh?" At tinabig pa nito ang braso ko gamit ang braso niya habang papasok kami ng bahay.

"Excuse me, hindi ko namimiss si Terrence noh!" Mariing tanggi ko na kaagad rin akong napakagat sa pang-ibabang labi ko.

"Ayon! Tumpak, miss mo nga! Bakit sinabi ko bang si Terrence? What I am referring is Carlo ano!" 

Bakit nga ba nabanggit ko pa ang pangalan ni Terrence. Na-obvious tuloy.

"Huh?" Pakunwari kong reaksiyon.

"Hmm, naku be, iba na yan.. Miss mo na nga si Terrence!"

"Tumigil ka nga, hindi sabi e."

"Hoy kahit hindi na kita i-lie detector, kitang-kita ko na yung sagot!" Irap nito sakin. At hindi naman ako kaagad nakasagot.

"Bakit kasi hindi tawagan? Malay mo busy lang." Patuloy niya.

"Bianca, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala na akong pakialam sa lalaking yon?" Pagmamatigas ko.

"Weh? Tunay?"

"Oo!" Geh na push ko na 'to para makalusot lang sa babaeng ito.

"Asus! Isang araw, lahat nang sinasabi mong yan, kakainin mo!"

"Tingnan mo nga ngayon, palagi kang bad mood kasi hindi mo siya nasisilayan! Alam mo Marianne, hinding-hindi mo maitatago sakin ang ganyang emosyon. Obvious na obvious kasing siya ang dahilan ng pagbabago ng mood mo sa araw-araw. Eh bakit ba naman kasi hindi pa binigyan ng chance e. Hayan tuloy, hindi na nagpakita." May paarte-arte pa nitong saad.

"Malamang tampong-tampo yun. Lalo na't mas pinili mong harapin si Carlo." Patuloy pa nito na parang nangongonsensiya pa.

"Ano? bakit hindi ka na umimik diyan?" She asked.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon