CHAPTER 26

2.6K 55 4
                                    

Lunch Time.

“Dude, saan tayo mag-lunch?” tanong ni Carlo kay Terrence.

“Ikaw, saan ba gusto niyo?” Walang buhay nitong sagot.

“Ikaw Marianne, san tayo?” baling ni Carlo sakin.

“Kayo nalang magdecide.”sagot ko.

“Sa Mcdo nalang kaya?” suggest ni Terrence at nakatingin lang siya sakin.

“Mcdo? Mang-inasal nalang…” suggest naman ni Carlo pero hindi iyon pinansin ni Terrence.

Puro fast food chain nasa isip ng mga ‘to. A. alam ko na!

“Alam ko na guys, sa Tudings nalang tayo!” I exclaimed.

“Tudings?? San yon??” halos sabay nilang saad na nakakunot-noo.

“Hindi niyo alam yon? Jusko naman para kayong hindi taga Sta.Rosa ah, malapit lang sa Target Mall, basta masarap ang porkchop nila don.. ano tara?” yaya ko.

“Sure ka? Kilala ba yon dito?” tanong ni Carlo.

“Oo naman, kayo nalang yata ang hindi nakakaalam non, noh..”

“O sige, dun tayo..”sang-ayon ni Terrence.

Napakunot-noo nalang si Carlo pero kaagad ding sumama. Hinalf-close lang namin ang shop bago umalis.

Pagkarating namin sa Tudings ay nagaalangan pang bumaba ang dalawa. Malinis naman dito, besides ang sarap talaga ng porkchop nila dito. Madalas din kami dito ni Bianca dati. Mga mayayaman nga naman oh,pero may nakita narin ako dito minsang artista na kumaen e, kaya wag silang nag-iinarte.

“Ano hindi ba kayo bababa?”saad ko

“Seryoso ka, dito talaga? Pano mo naman nalaman na masarap pagkaen dito?” tanong ni Carlo na parang ayaw pa ata maniwala.

“Tara guys, gutom na ako..” yaya ni Terrence. O buti pa ‘to walang arte.

Hindi kaagad bumaba si Carlo at hindi ko alam kung napansin niya ng hawakan ako ni Terrence sa kamay pagkababa ko ng kotse.

Ako na ang umorder ng kakainin namin. Wala naman kasing alam ang dalawa sa mga pagkaeng nandidito kaya ako na ang nag-prisinta. Binigyan nalang ako ni Terrence ng pera. Treat niya daw. E ako naman nag-aya. Hayaan mo na pagbigyan na natin. Boyfriend na e. Ganun talaga. Wag na kumontra. Haha

Pagka-serve samin ng tatlong order ng porkchop at kanin ay nag-aatubili pang kumain si Carlo. Maarte lang. Samantalang si Terrence naman ay kaagad kumain. Wala talaga ‘tong arte sa katawan, hindi katulad nitong isa.

“Wow, infairness.. Tama ka ‘Yan masarap nga yung pork-chop nila.” Tukoy nito sa akin. Bakit kapag si Terrence ang bumabanggit sa palayaw ko na yun, ang sarap pakinggan?

Hindi narin nagpatumpik-tumpik pa itong si Carlo at kumaen narin. At maya-maya lang ay nagpahabol pa ito ng extra rice. Maka-arte lang kanina wagas.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay naramdaman ko nalang na inilapat ni Terrence ang daliri niya sa gilid ng labi ko. Inalis niya pala ang natirang butil ng kanin sa labi ko. Dyahe mandin. Napatingin saming dalawa si Carlo.

“Ang sweet naman!” saad ni Carlo na napasulyap kay Terrence pero binalewala lang yun ni Terrence.

We both chuckled at walang gustong sumagot sa aming dalawa ng mga oras na iyon.

Napansin ko ring  napatingin sakin si Carlo. Hindi ko maintindihan pero parang may nakikita akong galit sa mga mata niya. Ano bang problema ng taong ‘to, ano bang ginawa ko? Masama bang maging masaya? Hahaha.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon