CHAPTER 48

2.3K 35 1
                                    

TERRENCE P.O.V

I WILL NEVER GIVE UP! Yan ang dapat itatak ko sa isipan ko ngayon.

Hinding-hindi ako titigil sa ginagawa ko para langmuling maging maayos ang lahat samin ni Marianne.

 I'll do everything that I can, and that's for sure. Hindi ako papayag na tuluyang mauwe lang sa wala ang nasimulan namin ni Marianne. And no one can stop me from doing it. Even her at mas lalo na ni Carlo.

Sa sobrang kagustuhan kong maibalik ang dating feelings sa akin ni Marianne ay ilang araw na akong hindi nagbubukas ng shop. Tinatamad rin kasi ako. Kaya as of now ay savings ko nalang muna ang gagamitin ko at ang hawak – hawak kong pera. Wala e. Kailangan kong i-push 'to.

Alam kong hindi pa ngayon , pero someday.. umaasa akong magiging okay din kami ni Marianne. Nararamdaman ko yun.

Maaga akong gumising at nag-prepared papunta kina Marianne. Kailangan kong maging maaga sa lahat ng bagay bago pa ako maunahan ng iba.

Dumaan muna ako sa Monique's Flower Shop na nasa may Sta. Rosa Area pa. Baka lang sakaling magustuhan niya kapag binigyan ko siya ng flowers. Pinili ko yung nasa bouquet, na may real rose flowers than artificial flowers. At sabi ng tindera ay tiyak daw na magugustuhan ito ng pagbibigyan ko dahil sa kombinasyong kulay nitong pink – which symbolizes if you want to say something and red which symbolizes for love and romance, fresh flowers din ito at kaa-arrange lang nila daw nila dito.  

Kaya medyo kampante din ako na baka magustuhan niya talaga ito.

Pagkaparada ko nang kotse sa harapan ng bahay nila Marianne ay kaagad akong bumaba ng kotse dala ang bulaklak na hawak ko.

Nakangiti akong nag-iipon ng lakas ng loob  nang makita kong papalabas si Marianne kasama si Carlo.

Tsk! Pag nga naman minamalas ka.

Gustuhin ko mang hindi alisin ang ngiti sa labi ko ay hindi ko iyon naiwasan dahil sa nakita ko. Mukhang papaalis kasi silang dalawa at nakita ko pang masayang nagtatawanan ang dalawa.

Tumigil lang silang dalawa nang magawi ang tingin nila sa akin.

At kaagad ring nawala yung kaninang sayang nakita ko sa mukha ni Marianne. Napansin kong walang gana siyang tumingin sakin.

"Hi." Bati ko kay Marianne na pilit ko pa ring ngumiti at kumalma.

Pero hindi siya sumagot at tiningnan lang nito ang dala kong bulaklak.

"I just dropped by to give you this." Sabi ko nalang. Dahil alam ko namang hindi ko siya mayayaya ngayon kung saan ko gustong ipasyal siya.

"Sorry, I don't accept flowers e."

Hays.

"Ganon ba? Uhm.. kahit  kay Tita nalang..."

"Wag na, saka para san ba yan?"

"Uhm,.."

"Wag ka ngang umakto na parang nanliligaw, at tsaka kelan ka pa ba natuto nun? Eh diba nga hindi mo naman ako niligawan noon?" mataray nitong saad.

"So that's why I'm doing this to you now."

"Its too late Terrence. Sige na, may lakad pa kasi kami ni Carlo e. Bye!"

At yun yung masaklap, hindi na nga tinanggap yung flowers na dala ko, dinaanan lang ako at walang ano-anong iniwan.

Grabe men! I never felt being rejected before. Ngayon lang. Saklap pala talaga.

 Nakita kong tiningnan lang ako ni Carlo na parang natatawa-tawa pa.

Sige lang, laugh all you want. Mag-enjoy ka na ngayon.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon