Pakiramdam ko’y nag-init ang bawat sulok ng dalawang mata ko sa nakita ko. Matagal sila sa ganoong ayos. At nakaramdam ako ng panibugho. Teka, anong meron? Ginusto kong lumapit pero hindi ako hinayaan ng mga paa ko na pumunta doon. Marahil ayaw ko ring matuklasan ang kung anong meron pa sa kanilang dalawa. Tama nga yata si Carlo. Mahal parin ni Terrence si Nicole.
Shit ang sakit! Nakagat ko pang sandali ang pang-ibabang labi ko sa naisip ko. Kaagad din akong napaurong at tumalikod saka tumakbo palayo sa lugar na yon, dahil ayoko namang maputol ang moment nila ng dahil lang sa pagdating ko. Hindi ko alam ang iisipin ko ng mga sandaling iyon.
Hindi kaya nagkabalikan na sila?
Paano kung mahal pa nga pala ni Terrence si Nicole?
Paano kung bukas magtapat na si Terrence sakin na wala naman talaga siyang nararamdaman para sakin?
Paano kung sabihin niya rin sakin kung gaano parin niya kamahal si Nicole?
Paano ko tatanggapin yun?
Paano na ako?
Paano… paano.. paano?
Hindi ko na namalayang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. Para lang naman akong timang na nag-momoment palabas ng Metroville Subdivision.
Bigla kong naisip ang huling text ni Terrence na sumama ang pakiramdam nito.
Ganon ba ang sumama ang pakiramdam? Nakikipagyakapan sa ex niya?
So kaya pala hindi na niya nagawang bumalik sa shop dahil nakipagkita siya kay Nicole.
Mga lalaki nga naman! I hate you Terrence! I hate you!
Bakit hindi mo kaya muna tanungin kung anong nangyare? Utos ng isipan ko.
Bakit pa? Kitang-kita ng dalawang mata ko na nagyakapan sila. Alam kong may ibig sabihin lahat ng iyon! Urghhhh!!!!!!!!!!
“Miss okay ka lang ba?” nagulat pa ako ng biglang itanong sakin iyon ng isa sa mga driver ng pedicab doon. Pinahid ko kaagad ang luhang pumatak sa mga mata ko.
“Mukha ba akong okay?” I whispered. At sa halip na maawa ang mukhang kulugong pedicab driver na yun ay nagtatawa pa ito.
Siguro sa mga panahong ito ay pinagtatawanan din ako ni Terrence dahil naniwala ako sa mga sinabi niya.
Dali-dali akong pumara ng jeep pagkalabas ko ng Subdivision. Buti nalang at wala ng traffic dahil sa mga sandaling ito ay gustong-gusto na muling pumatak ng mga luha ko.
Buti nalang at pagkarating ko ng bahay ay wala pa si Mama. Nagpalipas ako ng ilang oras sa loob ng kwarto at nagmukmok.
“Teka kailangan ko ba talagang magmukmok ng ganito? Bakit hindi ko muna tanungin si Terrence tungkol sa nakita ko?” I whispered to myself.
Ngunit lumipas ang ilang oras ay hindi man lang nagawang tumawag o magtext ni Terrence. Kaya nabuo narin sa isipan ko na siguro nga ay nagkabalikan na ang dalawa. At ako? Siyempre nganga! Nakakainis ang lalaking yon! Manloloko!
Matutulog na sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko.
Terrence Calling..
Kinabahan agad ako. Aamin na ba ito sa kasalanan niya?
Hmp! Lakas pa ng loob tumawag ng gagong ‘to!
Hindi ko muna kaagad sinagot yun dahil parang ayoko pang makarinig ng ikasasakit ng damdamin ko.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...