MARIANNE’S P.O.V.
Kaagad dumistansya si Terrence sa akin pagkaramdam naming nagbukas ang pintuan at iniluwa nun si Carlo.
Naghalinhinan pa ang tingin nito sa aming dalawa. Naku nakahalata kaya?
Bumalik ako sa pagharap sa computer. Kunwaring nag-busy busyhan sa pageexplore ng kung ano-ano doon.
Si Terrence naman ay pumasok sa loob ng stock room.
Hindi nagsalita si Carlo,sa halip ay lumabas din ito kaagad pagkakuha ng laptop niya sa office.
Lumabas si Terrence sa stock room at nahiwatigan niyang wala na si Carlo. Nagkatitigan kami ngunit maya-maya lang ay kapwa na kaming nangiti.
Teka e bakit kaya hindi nalang namin sabihin kay Carlo ang lahat para hindi na kami nagtatago?
.
.
.
Isang linggo ang lumipas at nananatiling ganon ang set-up namin ni Terrence. Yung tipong parang kami lang ang nakakaalam ng lahat. Bukod kay Mama. Isang linggo naring hindi nagpapakita sakin si Bianca dahil busy ito sa trabaho nito kaya hindi ko naman maikwento, hindi ko rin siya maabutang online sa Facebook, kaya hindi ko nalang muna ipinasyang sabihin sa kanya. Bahala ang bruhang iyon.
Hindi ko narin madalas marinig ang mga payo ni Carlo. Ewan ko ba kung nakakahalata na siya o ano, dahil minsan nalang niya ako kausapin at madalas na siyang hindi pumasok nitong nakaraang araw. Baka may bago na namang jowa ang loko kaya ganoon. Kaya madalas kaming solo ni Terrence sa shop. Bagay na naging pabor pa sa amin ni Terrence. Hayayay ang buhay!
At finally yung mga kinaiinggit ko noon kay Nicole ay naglaho na. Paminsan-minsan akong nagtatanong sa sarili ko kung hindi man lang ba namimiss ni Nicole si Terrence e gayong ang tagal nilang magkarelasyon tapos ganon-ganon nalang sila magkakahiwalay? Although hindi ko naman talaga alam ang puno’t-dulo ng kanilang hiwalayan. At someday malalaman ko rin yun kapag handa ng magkwento si Terrence.
Minsan ay hindi ko maiwasang isipin kung hindi man lang ba siya nasaktan sa pagkakahiwalay nila ni Nicole. Pero hindi na ako nagtangkang magtanong dahil sabi nga niya ay wag na naming pag-usapan pa iyon.
Sweet si Terrence. And I couldn’t ask for more. At feeling ko ako na ang pinakamagandang babae kapag kasama ko si Terrence. Palagi niya akong kinakaon sa bahay bago pumasok at hinahatid naman niya ako pauwe sa bahay. At never kong nakita sa kanya ang mapagod na gawin iyon. He’s been very consistent. Even sa sweetness na pinapakita niya ay hindi siya nagsasawang ipakita iyon. That’s why lalo akong nainlove sa kanya. At araw-araw kong hinihiling na sana ay hanggang katapusan na yun. Never ko narin naramdamang mailang sa kanya dahil tinulungan niya akong i-overcome iyon.
Hindi pumasok si Terrence kinabukasan ngunit nagawa pa rin niya akong kaunin at ihatid sa TCW. May a-attendan kasi itong seminar ng araw na yun. Kaya mag-isa lang akong dumuty sa shop. Ayaw pa sana niyang mag-open kami ng shop dahil hindi niya siguradong papasok si Carlo ng araw na yun. But I insist dahil kakayanin ko naman sigurong mag-isa. Besides Saturday naman at last day of work na at sayang pa ang kikitain ng shop.
But exactly at 9:00 am ay dumating si Carlo.
Bihira nalang kami nito magkausap kaya nabigla pa ako ng muli niya akong kausapin tungkol kay Terrence.
“Aminin mo nga sakin Marianne, ano bang meron sa inyo ni Terrence?” tanong nito pagkatapos mag-assist ng customer.
“Ha? Anong samin?” maang-maangan ko.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...