CHAPTER 53

1.9K 36 9
                                    

TERRENCE P.O.V.

Damn it! Damn it! Damn it!

Kahit kelan panira talaga ng moment ang gagong Carlo na yun.

Imagine that? Agawin ba naman sakin si Marianne nang ganun-ganun lang?

Nakakainit ng bait pakshet!

Nandon na ako e, malapit ko nang makuha yung loob niya e.

Pero eto na naman ang Carlo na 'to. Emextra na naman!

At ayun habang daan ay halos palipadin ko na ang kotse ko sa kabadtripan.

At eto pa ha. Nadaanan ko pa yung kotseng sinasakyan nina Carlo at Marianne.

At nakita ng dalawang mata ko kung paano ngumiti si Marianne kay Carlo  kanina.

Na kahit minsan kanina, e ni hindi ko man lang nakita sa kanya nung magkasama kami.

Bakit ganun?

Am I really that kind of asshole at talagang hindi ko na magawang patawanin o pangitiin man lang siya?

Oh Gad! Sarap managasa ng tao men! Tss.

Anyway, gutom na yata ako... kaya nag-drive thru nalang ako sa mcdo at nag-order ng makakaen pag-uwe ko nang Apartelle.

Hanggang sa makauwe ako ng Apartelle ay hindi nawala ang init ng ulo ko. Hindi nga kaagad ako nakakain dahil nagpalipas muna ako ng init ng ulo.

Inaliw ko nalang muna ang sarili ko sa paglalaro ng COC. Tutal buti pa tong larong 'to hindi ako binabadtrip.

Yun nga lang, maya-maya lang ay nag-maintenance break ito!

Shitt talaga! Pati ba naman 'to. Lalo tuloy uminit ang bait ko.

Pero dahil kumukulo na yata ang tiyan ko ay nagsimula na akong kumain.

Natapos man akong kumaen ay parang wala pa ring laman ang utak ko. Sabagay hindi naman yun yung nilamnan ko kundi tiyan. Pero basta. Palagay ko'y ang bagal-bagal mag-isip ng utak ko. Nakakaasar kasi talaga ang araw na 'to.

Hindi katanggap-tanggap e.

Nang maya-maya lang ay narinig kong nag-ring ang phone ko.

It's Jayson.

Hay naku, mabuti pa sigurong mayaya 'tong tao na 'to na uminom.

"Oh bro, kumusta?" sagot ko.

"Okay naman Men. Ikaw? Balita?"

"Eto, badtrip."

"Halata nga sa boses mo, o bakit naman?"

"Tss."

"Alam ko na men, babae yan noh?" Tatawa-tawa nitong tanong.

"Medyo."

"Medyo-medyo ka pa jan, bakit ano na ba nangyare?"

"Wala pa rin men e, hindi pa rin effective yung panunuyo ko." I replied.

"Hay naku. Mahirap yan men. Mahal mo ba?"

"Oo naman, gagawin ko ba to kung hindi?"

"Naks! Ikaw na umiibig men."At nakakaloko tong tumawa mula sa kabilang linya.

"Sira, e bakit ikaw ba?"

"Naku, sarado pa puso ko men."

"Sayang naman, magtatanong pa naman sana ako kung pano manuyo ng babae."

"Langya, sakin pa nagtanong .. e ikaw nga ata tong eksperto jan?"

"Iba naman 'to men e, hindi lang naman ako basta nanliligaw ngayon."

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon