Tulala parin ako habang nakatayo sa loob ng shop. Mabuti nalang at wala pang customer..at kung may customer man, parang hindi pa naman yata ako handang harapin dahil bago palang ako. Natauhan lang ako ng hindi ko na namamalayan na nasa harapan ko na pala si Terrence.
"hey? Is there any problem?" nakakunot nyang noong sabi.
"a-ah wala.. wala.. may naisip lang ako." Pagkukunwari ko.
"sino ? ung dreamboy mo?" natatawang sabat ni Carlo.
"talaga? Sino yun? Ikaw ha.. "tuksong sabi ni Terrence.
"hindi ah. Wala." Tiningnan ko si Carlo ng masama. Kainis talaga itong lalaking ito. sarap itusta sa kawaling may lamang mantikang kumukulo!
"ikaw talaga Carlo, humahanap ka na naman ng pagtritripan.. "baling nito kay Carlo na ---tawa naman ng tawa."by the way.. si Carlo, pagpasensyahan mo na yan.. mapangtrip talaga yan, pero wag na wag kang padadala sa matatamis na salita nyan" natatawa itong tumitingin kay Carlo.
Hindi naman talaga e, sayo pa oo! Kinilig kong sabi sa sarili ko.
"Grabe ka naman dude.. baka naman hindi na pumalagay ang loob nyan sakin ni Marianne" sabi nito.
"ah basta."" Uhm Marianne,halika sa office, sabihin ko sayo yung mga gagawin mo."yaya ni Terrence sakin sa office na katabi ng shop nya. Kaagad naman akong sumunod, habang tiningnan ako ni Carlo na parang nanunukso. Hindi ko nalang iyon pinansin.
"Ma---- Marianne?... right?" pagsisiguro nya sa name ko. Naku kung di ka lang gwapo Terrence nginudngod na kita sa tae ng kalabaw! Bakit kasi hirap na hirap tandaan ang name ko.
"yes.. " pag-kumpirma ko.
"ah ganito.ah---- sa ngayon.. ang kelangan mo lang gawin is to assist customers, wala pa naman kasi akong masyadong files na kelangang gawin o ipagawa sayo, so ifafamiliarize nalang muna kita sa mga bagay na nandito.. magiging busy lang naman tayo kung may customer tayong darating,we hope so, but hindi naman palaging ikaw ang gagawa ng ipapagawa ng customer, tatlo naman tayo dito e.. and mostly gusto ko sana ikaw ang madalas humarap sa tao,tsaka wag kang mag-alala hindi naman kita papagurin,---ow sorry for the term.. I mean.. hindi naman ko lahat iaasa sayo. Naintindihan mo ba? "natatawa nyang paliwanag.
"opo." Tipid kong sabi. Kahit pagurin moko okay lang Terrence!
"have I told you na wag mo na akong po-po-in?"
"ay oo nga pala.."napakamot pa ako sa ulo ko.
"alam mo, gusto ko sana parang magkakaibigan lang tayo dito sa shop. That's it, para-- you know.. smooth lang."
"sige, walang problema... Terrence" taas-noo kung sabi na may kasamang ngiti.
"good! That's good! "he said while smiling and then I chuckled.
"ahm.. Marianne.. dto namin ni Carlo dinadala sa office ang trabaho, pero syempre dun kami nag-aassisst sa shop..baka kasi kapag dinala namin dito yung customer, baka may mawala, something like that, mahirap na diba? "he said..and I nodded"c'mon over here.."at may tinuro pa syang isang pintuan.. at ng binuksan nya yun..ay tumambad samin ang mga ginagamit nila sa pagtroubleshoot ng computer, andun yung my sariling lagayan ng mga cable, wires,mga extensions,mga usb chord, mga cd's and flash drives, memory cards..meron din ditong two sets of Pc na mukhang gumagana pa naman, may mga speakers din, pansin ko lang medyo magulo.. ganito yata talaga kapag lalaki ang nag-mamay-ari, medyo magulo..ganyan naman talaga ang mga lalaki, magulong mag-isip. #whogoat lang? ahahah.. and then may isa pang pintuan syang binuksan..
"dito naman nakalagay yung mga stocks natin.."he said. Puro mga nakabox lahat yun.. at maayos naman na nakapatong. Tango lang ako ng tango..
"pag may naghanap ng stocks, pwede kang kumuha dito, basta titingnan mo lang yung mga labeling. Pag mouse ---dito"at tinuro nya ito isa-isa. "dito naman kapag keyboard.. basta madami yan...Okay?" may pagtingin pa nyang sabi sa akin.
"ok!, got it!"patango-tango kong sagot.
"ok good.. kapag naman gusto mong mag-cr, andun sa likod ng shop.." he said.. naku pano kung dun din sila nag-ccr baka may posibilidad na mabuntis ako! Shocks ano ba tong iniisip ko, ang exage! Ewan ko ba kung san ko nakalap ang impormasyong yun,SOCO lang ang peg! sabi daw kasi kapag my sperm na hindi sinasadyang mapadikit sa churva ng isang girl, mabubuntis. Hahaha!
"don't worry.. ngayong may babae na kaming kasama ni Carlo, hindi na kami mag-ccr dun" sabi nya na parang nabasa ang isip ko.
"ay..nakakahiya naman.. " sagot ko
"ano kaba, okay lang yun.. baka kasi hindi ka komportable," he replied.
Hindi na ako nakasagot dahil lumabas na kami ng office. Sinalubong naman kaagad kami ni Carlo.
"Dude may nagtatanong sayo, kaibigan mo ata, ngayon ko lang nakita may itatanong ata sayo." Carlo said.
"ganun ba, sige ako ng bahala.. kaw na muna bahala dito kay Marianne."tumingin pa sya sakin bago umalis.
"Ok no problem!" sagot ni carlo. Naiwan kami ni carlo, at sinundan namin ng tingin si Terrence habang papalayo. Saka ako tiningnan ni Carlo.
"ano natandaan mo naman ba ang mga sinabi nya?"he grinned
"oo naman, bakit naman hindi.?" Masungit kong tanong.
"wala lang, baka kasi.. sa kanya ka lang nakatingin all the time." Tukso nyang sabi. And I rolled my eyes when he said that.
"bakit ba ang sungit mo sa akin, ? samantalang kay Terrence para kang tupa..ang amo mo"natatawa nitong sabi.
"tigilan mo nga ako,hindi tayo close" mataray kong sabi.
"ganon? Suplada naman neto... bakit ayaw mo bang maging close tayo?"
"nakakaaasar ka kasi eh, lakas mo mangbadtrip!" sagot kong halatang naiinis.
"eh kasi naman ikaw, bilis mong mabadtrip.."he chuckled.
"turuan mo na nga lang ako kung ano-ano pa yung mga gagawin ko, okay?kesa asar-asarin mo pa ako jan!" turan ko. At tawa pa ito ng tawa bago nakapagsalita.
"ok madam! " sabi nyang may pagtaas pa ng kamay.
Pumasok kami sa loob ng shop, at ipinagtuturo sakin ni Carlo ang mga prices ng mga gamit doon. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa gawi ni Terrence na kausap ang isang kaibigan at abala ito sa pagpapaliwanag kung ano bang pakay ng kaibigan nito. Minsan napapatingin din sya sa akin at nginingitian ako nito. Mukhang sinasadyang atang pakiligin ako ah! Paminsan-minsan din naman ni Carlo na hinihila ang laylayan ng buhok ko at sinasabi nitong mag-focus ako. Medyo okay naman pala itong si Carlo, medyo alaskador lang ng konti, at nahahalata ata nito na may gusto ako kay Terrence, kaya panay ang tingin nya sa akin ng makahulugan kapag tinitingnan ko si Terrence.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomansPaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...