Kakaalis lang ni Jay nang dumating naman si Bianca.“Hoy babae, kumusta ka na? Parang masaya na tayo ah?” bungad nito habang papasok ng gate. Nakangiti kasi ako nang pagbuksan siya ng gate, paano ba naman kasi na-miss ko yung pinsan ko at nag-enjoy ako sa pakikipag-usap dito.
“Hindi , ano kaba! Dumating kasi yung pinsan ko.”
“Ay pinsan mo ba yun? Yung may magarang kotse?” Naabutan kasi nitong papaalis na yung pinsan ko at sakay na nang kotse.
“Oo.”
“Taray naman, puro de kotse ang bisita.”
Nginitian ko nalang siya.
“Kumusta na kayo ni Terrence?” masaya pa nitong tanong.
“Sa dinami-dami ng kukumustahin mo, kami pala talaga ni Terrence, si Terrence talaga ha?” Pagtataray ko sa kanya.
“Oo naman, e sino pa bang naging dahilan ng mala – MMK mong iyak nung mga nakaraang araw?”
“Bianca, wag na nga nating pag-usapan yan.” Awat ko sa kanya ng makapasok kami ng bahay.
“Wow, nag-momove on mode na siya….”
“Ay talaga! Kaya if I were you, tigilan mo na ang pag-banggit sa lalaking yan ha?” Irap ko sa kanya.
“Sino? Si TERRENCE?” at talagang sinadya pa nitong lakasan ang pagbanggit sa pangalan ng huli.
“Binanggit pa talaga e.”
“HAHAHA! Alam mo Girl, pustahan tayo, hindi ka magwawagi jan sa puso mo!”
“Bianca naman… tama na nga!”
“Alam mo kasi, oo maaring sasabihin mo, gusto mo na siyang kalimutan..pero hindi ko naman makita sa sarili mo na kakayanin mong gawin yon!”
Aba’t hirit pa talaga ang bruha.
“At paano mo naman nasabi?” tinaasan ko siya ng kilay.
“Basta, ramdam ko! Bakit kasi hindi pa bigyan ng another chance si Terrence.”
“Ayan ka na naman Bianca!”
“Eh kasi naman girl, wat if.. sincere naman siya sa sinasabi niya? wat if totoo namang may nararamdaman siya sayo?”
“Hay naku basta, ayoko na ha? Ayoko na! Kahit pa paulit-ulitin niyang sabihin sakin na liligawan niya ako—“
“My Gad! Liligawan ka daw niya?” kaagad nitong bulalas. Hindi ko pa nga pala kasi ito nabanggit kay Bianca. At sana nga hindi ko nalang ito nabanggit sa kanya.
“That’s what he said, pero hindi ako pumayag noh!” walang buhay kong saad.
“Naks, taray.. inggit much ako!” at humalukipkip pa ito sa katabing unan sa sofa.
Kahit kelan talaga tong si Bianca.
“Bianca naman, sumeryoso ka nga!” Sigaw ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung kanino ba ‘to kakampi e.
“Seryoso naman ako ah?” sagot nitong nag-pouty lips.
“Bakit ba hindi mo nalang siya payagan? Hayaan mong patunayan niya ang sinasabi niya. Doon mo naman talaga malalaman kung may feelings nga talaga siya sayo.” Dagdag niya.
“Basta Bianca, ayoko ng umasa…”
“Susubok ka lang naman ulit e diba? Take the risk! Malay mo, maganda kalabasan.” Tatawa – tawa nitong saad.
“Tigilan mo nga ang pagsulsol ng mga ganyang bagay ha, hindi nakakatuwa.” And I frowned. Gusto ata talaga nitong kaibigan ko na tuluyan na akong maging tanga.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...