MARIANNE’S P.O.V.
Sobrang napahiya talaga ako sa sarili ko sa nangyari kahapon, at iyon ang pinakatangang nagawa ko sa balat ng lupa! At pakiramdam ko wala na akong mukhang ihaharap kay Terrence. Napakatanga ko! hindi ko dapat pinaabot sa ganoong sitwasyon ang lahat. Bakit naman ba kasi nagpilit akong puntahan si Terrence. Loka-loka ka talaga Marianne! At mas lalo akong napahiya nung time na sinabi niyang Im sorry Marianne! What the f??! Nandon na ako e, I am willing to give up my virginity just for him. Pero parang pinamukha pa niya sa akin na nagising siya sa katotohanan. What the f talaga! Why the hell na hindi pa niya itinuloy, para sana kami na! baliw din tong isip ko e, itinutulak talaga ako sa pagkakasala o mas tamang sabihin na ‘tong puso ko ang nagtutulak para gawin yun.
Ayokong pumasok ng araw na ‘to dahil feeling ko maiilang lang ako sa trabaho, knowing na baka pumasok si Terrence. My gosh nakita niya kaya ang katawan ko, tinitigan pa! jusko naman, bakit ba ganito ako katanga!
Tanghali na pero hindi parin ako lumalabas ng kwarto, buti nalang at mukhang nakaalis na si Mama patungong palengke.
Ngunit maya-maya lang ay nakarinig ako ng katok sa kwarto ko. Sino naman ‘to?
Pagbukas ko ay bumulaga sakin si Bianca.
“Oh anyare jan sa mukha mo? Oo alam ko magbibiyernes santo na, pero bakit parang nauna ka ata?” bungad nito sakin. At kapag nga naman sinuswerte ka e, timing talagang tunay itong kaibigan ko. Nahiwatigan niya atang kelangan ko siya ng mga sandaling iyon.
“Paano ka nakapasok?”takang tanong ko.
“Malamang pumasok sa pintuan… De Joke lang! Bukas yung gate sa labas e, tas itong pintuan niyo hindi naka-lock, at saka alam kong nandito ka, nanggaling kasi ako sa shop—“
“what??? Nagpunta ka sa shop? Anong ginawa mo dun? Nandun ba si Terrence?” sunod-sunod kong tanong.
“Jusko naman Marianne, pwedeng maghinay-hinay ka lang sa pagtanong?” she complained.
“Teka nga.. pwedeng pumasok muna sa kwarto mo, kung ayaw mong paupuin ako dito sa sofa.”she added.
At nag-give way ako sa kanya para makapasok siya sa kwarto ko.
“Pumunta ako don, kasi gusto kitang chikahin… yun nga lang si Carlo ang naabutan ko at sabi niya hindi ka daw pumasok, hindi ko nakita si Terrence e,ang sabi ni Carlo nasa office daw…”sagot nito sa lahat ng tanong ko kanina habang naupo sa gilid ng kama.
“Ano nasagot ko ba lahat ng tanong mo?”habol nito.
Hindi ako sumagot bagkus ay nakatingin lang ako sa kung saan at nag-iisip.
“Hoy bruha!” agaw-pansin ni Bianca na nakapag-pagising sakin sa pagkakatulala.
“Ano bang nangyayare sayo? Ano bang natira mo at ganyan ka? Jusko ha Marianne wag mong sabihing nagdrodroga ka, naku lagot ka kay Tita, bhest naman… makunsensya ka sa ginagawa mo..” halos walang prenong sabi nito. Ang sarap nitong sabunutan sa ngala-ngala.
“Pwede ba Bianca, drugs agad?” I rolled my eyes at her at napakamot pa ako sa ulo.
“E anong problema mo? Hindi ka parin ba maka-getover sa kiss niyo ni Terrence?”at nagpatuloy pa ito sa mga sinasabi habang kinikilig-kilig. “Oh wait teka, dapat talaga vinideo ko yun e, para paulit-ulit mong napanood. Tapos ipopost ko sa facebook…and then I’l tag Terrence,or you.. tapos makikita ni Nicole, oh break na sila agad-agad.. tas maraming maglilikes!” napatawa nalang ako sa mga kalokohang iniisip ng kaibigan ko, may saltik din talaga to paminsan-minsan e. Facebook, facebook pa tong nalalaman! Sumagi sa isip ko ang facebook ko, hindi pa nga pala ako nakakapag-open ulit. Nang biglang may maalala ako--Oh my gosh! San ko nga ba nailagay ang laptop ko?
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...