CHAPTER 29

2.8K 53 8
                                    

TERRENCE P.O.V.

Halos sabay kaming napalingon ni Marianne sa nagmulang katok sa pintuan. Urgh! What the hell? In fairness, ang timing ng pagkatok niya. And who the hell it is at parang ang sarap sikliin sa leeg? Ibinalik ko ang tingin kay Marianne, at napatawa nalang kami sa isa’t-isa. Saka ako tumayo mula sa sofa para harapin ang kung sino mang impakto ang kumatok.

Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang isang lalaking may inaabot na resibo.

“Sir, bill po ng Meralco ng Room 01.” Sabi nito pagka-abot ng bill sa akin.

“Ah, thanks. Pwede ko na bang bayaran ‘to sayo?”medyo inis kong tanong pero hindi naman siguro nito nahalata. At saka pwedeng isampal ko narin sayo yung ibabayad ko. Istorbo ka!

“Sir, sa may mga outlet nalang po ng bills payment. Wala po kasi akong dalang resibo dito.” Saad nito.

“Ganun ba, sige you can go, Salamat!” At wag ka ng babalik at baka masapak pa kita.

Pagharap ko kay Marianne ay nakatayo na ito sa sofa. Nakatingin lang ito sakin at nangiti.

“Uhm, Terrence I think I should probably go?” saad nito.

“Huh? But its too early, I think.”

“B-baka kasi hinahanap na ako ni Mama, alam mo naman yun, medyo may pagka-praning din minsan kapag hindi ako nakikita.”sagot niya

“Ganun ba, ihahatid na kita kung ganon.”

“Sige.”

“Magbibihis lang ako.” sagot ko.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ni Marianne.

MARIANNE’S P.O.V.

My gahd! Eto na nga mukhang hinahanap na ako ni Mama.

“Hello Ma?”

“O anak, asan kaba?”sagot ni Mama sa kabilang linya.

“Uhmm, Ma andito ako kina Terrence, pero pauwe narin po ako.”

“Ganun ba,siya i-lock mo nalang maige ang bahay mamayang gabi ha, kasi baka hindi ako makauwe ‘nak..”

“Ha? Bakit po?”taka kong tanong.

“E kasi ayaw akong pauwiin ng Tita mo at baka abutin lang daw ako ng gabi sa daan, sayang nga at hindi daw kita naisama.. para makita ka din niya kung gano ka na kaganda ngayon.”natatawa pa nitong sabi.

“E ma, sinong kasama ko sa bahay?”

“Naku, oo nga e, tawagan mo nalang kaya si Bianca?”suggest ni Mama.

“Ha? E mahigit isang dekada na nga yung babaeng yun hindi nagpaparamdam e.”

“Ganun ba, naku e andito pa naman kami sa bangka, nag-boboat riding kami ‘Nak. Naku pasensya kana, hindi na kita na-aya, excited ka kasi jan sa Terrence mo”paliwanag nito. Well tama naman siya, maaga akong umalis at hindi ko na naitanong kung saan ang lakad niya.

“hay naku, sige na Ma, mag-enjoy ka na lang jan.. kaya ko naman ang sarili ko e. I’l be fine.”saad ko.

“O sige, sabi mo yan ha! O siya, mamaya nalang ulit kasi baka mahulog yung cellphone ko sa tubig, medyo maalon.”

“Okay Ma, ingat ka jan ha.”

Hanggang matapos ang tawag na yun ay nasa harapan ko parin si Terrence.

“Anong sabi ni Tita?”tanong nito.

“Hindi daw siya makakauwe e, nasa Tagaytay siya,kina Tita..”

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon