“Yan anak.. may gwapo kang bisita..” kaagad na sabi ni Mama on a happy tone. Kumikindat pa ito sa ‘kin habang sinasabi iyon. Si Terrence naman ay napapangiti na lang sa kasiyahang ipinakita ni Mama. And I didn’t say anything but glared at Mama. Jusko lalo naman ako nitong mahahalata e!
“Ay, iho ikaw nga ba si Terrence?” tanong ni Mama.
“Opo, paano niyo po nalaman?” taka nitong tanong. Napatingin sakin si Mama. Jusko wag kang magkakamali Mama.
“ Ay iho kumain kana ba?” pag-iibang tanong ni Mama dito.
“Ah.. hindi pa nga po e.” parang nahihiyang sagot nito.
“Naku tamang-tama, masarap yung niluto kong ulam, halika kumaen ka muna…” at niyaya ito ni Mama patungong mesa at ikinuha siya ng silya para makaupo.
Buti nalang at tapos na akong kumain dahil baka hindi pa ako nakakain ng maayos kung sasabay siya. Kainis naman itong si Mama, kung itrato agad si Terrence parang matagal ng kakilala.
“Marianne, ano ba’t napatigil ka na jan, kumuha ka ng plato at ipaghanda mo ng makakaen itong gwapo mong bisita.” Utos nito sakin at hindi parin humihiwalay sa tabi ni Terrence. Napatawa nalang ito sa tinuran ni Mama. Naku patay tinamaan din ata si Mama dito. Pero hindi parin ako naingling sumagot.
“Nakakahiya naman po Tita. May sasabihin lang po kasi ako kay Marianne kaya ako napadaan” he said while glancing at me. Wow maka-Tita to feeling close?
“Ano kaba wala ‘yon.. naparami nga yung luto kong kanin at ulam e… kaya wag ka ng mahiya.” Mama said as if close na talaga sila at saka ako kumuha ng plato at kutsara’t tinidor para iwasan ang mga sulyap niya.
Nang mahainan ko siya ng kanin at ulam ay bahagya pa itong nangislap ang mga mata.
“Wow. That’s my favorite! I terribly miss that!” tukoy nito sa ulam na inihain ko.
Pritong isdang tilapia + Chopsuey. Ang OA naman nito. Favorite niya yon?
Ah marahil sa tagal na niyang nangungupahan ay hindi na siya nakakakaen ng ganoong klaseng ulam.
“Ganon ba iho? Bakit hindi ka na ba nakakapag-ulam niyan?”Tanong ni Mama.
“Ay hindi na po talaga Tita, matagal na po, puro sa fast food chain nalang po kasi ako madalas kumain.” Sagot nito na parang close na close na talaga sila.
“Naku hindi maganda yon, kung gusto mo magdinner ka dito samin palagi, at ipagluluto kita ng masasarap na ulam..” masayang sabi ni Mama. Aba teka, araw-araw? Jusko naman Mama, alam mo ba ang sinasabi mo? Pero may bahagi ng pag-iisip ko na natutuwa sa nakikitang masaya nilang conversation.
“Talaga po? Wow.. I am looking forward on it Tita. Asahan ko yan Tita ha.” Sagot nito. Feeling close talaga ang loko.
At nagsimula na itong sumandok ng kanin. Pero unang niyang tinikman ang chopsuey.
“I like it Tita. Ang sarap niyo po palang magluto.” Sabi nito na parang nakalimutan ata ang sinadya niya dito. Halos sila nalang kasi ang nag-usap ni Mama. Aalis na sana ako ng kusina ng magsalita si Mama.
“O Marianne, dito ka na muna, asikasuhin mo si Terrence ha, at may gagawin lang ako.” Kaagad ako nitong hinawakan sa braso.
“Enjoy the moment!” she whispered. And I glared at her na parang gusto kong ipahiwatig sa kanya ang salitang Mama naman.
Naiwan kaming dalawa ni Terrence sa kusina. Sarap na sarap ito sa pagkain. Feel at home ang loko!
“Ikaw kumaen kana ba?” tanong nito, habang ngumunguya-nguya pa.
BINABASA MO ANG
THE REBOUND GIRL
RomancePaano nga ba kung one day, malaman mo na isa ka lang palang REBOUND? Would you still fight for what you feel kahit na alam mong ginagamit ka lang niya? O maniniwala ka nalang na he's not your happily ever after? Basta-basta mo nalang bang i-gigive u...