CHAPTER 45

3K 46 2
                                    

TERRENCE P.O.V.

Hindi ko na alam kung anong pumasok sa kukote ko kahapon at bigla nalang akong napasugod sa bahay nina Marianne, wala lang inunahan kasi ako nang takot at kaba na baka kung hindi ako kikilos ay baka mapunta lang si Marianne sa traydor kong kaibigan. Which is ayoko talagang mangyare. Sa lahat pa naman ng ayoko ay yung magkakaron ako ng karibal. Pero ano nga ba si Marianne sa buhay ko. May ilang beses ko na bang itinanong iyan sa sarili ko. Pero sure ako, importante siya sa buhay ko. Yung tipong kahit na anong gawin niya, darating yung time na hindi ko pa rin siya kayang tiisin.

Mahal ko na ba talaga siya?

Is this really what they called LOVE?

E bakit ba kasi nagtatanong pa ako, na parang hindi ko pa nararanasan ang lahat ng yon?

Maybe this is different than before Terrence. Sagot ng isip ko.

Wait, what? Naguguluhan na talaga ako.

Ngunit bago pa man ako mabaliw kaka-identify ng nararamdaman ko ay mabilis na akong naligo at nag-prepared para pumasok sa shop. Besides muling bumalik yung excitement ko para pumasok. Eh kasi nga dahil ni Marianne.

 Hay ang gulo ko talaga. Ah basta.

 Habang nagmamaneho ako papunta kina Marianne para sunduin ito ay narinig kong nag-ring ang phone ko.

"Hey, asan ka na?" It was Marianne on the line.

"What?! Diba sabi ko susunduin kita?"

"Ganun ba, o sige. Im on my way. See you."

Tingnan mo nga naman, bakit parehas pa yata kaming excited makita ang isa't-isa. Kagabi ay masaya akong umuwe sa Apartelle. Medyo late na nga ako nakauwe dahil doon na rin ako pinaghapunan ni Tita—Mama ni Marianne.  Besides mahaba-haba rin ang napagkwentuhan namin about sa kanilang pamilya. Nalaman ko ding namatay sa isang aksidente ang Papa ni Marianne, at kitang-kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata ni Marianne nang ikwento iyon ng Mama niya kahit na years ago na ang nakaraan. Bata palang daw kasi si Marianne nang mawala ang Papa niya.

Anyway, sobrang saya ko din dahil hindi maikakailang boto sakin ang Mama ni Marianne, which is hindi ko naranasan noon kay Nicole. Her parents are against on me. Ewan ko ba, gwapo naman ako, may kaya at galing sa magandang pamilya, pero hindi ko alam kung bakit napaka-init ng dugo sakin ng mga magulang ni Nicole. Well anyway, tapos na ako dun. Were done! Kaya hindi ko na problema yun ngayon.

SA SHOP

3:30 pm

"Ahh!" Narinig kong sigaw ni Marianne habang nagsasaksak ito ng charger ng laptop sa socket.

"Oh bakit?" nag-aalala naman akong biglang napalapit dito.

"Na-ground kasi ako." Nakita ko pang medyo namutla talaga siya kaya lalo akong nag-alala.

"Ha?! Anong nararamdaman mo? Masakit ba? Okay ka na?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ano ka ba relax, ground lang yun.. hindi naman ako totally nakuryente." Sagot nito. Pero hindi ko pa rin maalis ang pag-aalala ko.

"Mag-iingat ka kasi, ano bang ginawa mo? Pano mo sinaksak?" I asked her.

"Nahawakan ko kasi yung mismong pansaksak e." nanginginig pa yung kamay niya.

"Sa susunod ako nalang ang tawagin mo pag magsasaksak ka ng plug. Okay?" Tumingin lang ito at parang natatawa pa e na-ground na nga.

"O ano? Bakit? O akin ka na yan, ako na mag-pluplug." Agaw ko sa pansaksak na hawak niya.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon