CHAPTER 28

3K 55 1
                                    

MARIANNE’S P.O.V.

Nasa may pintuan ako ng mapansin ko ang kotse ni Terrence na huminto sa tapat ng gate namin. Kaagad bumaba si Terrence at kaagad narin akong lumabas para harapin ito.

Nakakunot-noo itong naghihintay sakin papalapit sa kanya. Problema kaya ne’to?

Nang makalapit ako’y nakita kong parang may galit sa mga mata niyang nakatitig sakin. Hala anong ginawa ko?

“Diba, sabi ko hintayin mo ‘ko sa shop?” galit ang tono ng boses nito.

Kumurap-kurap muna ako bago nakaimik. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Iiyak naba ako? Pero diba nagtext naman ako sa kanya?

“Ha, e.. nagtext ako sayo diba na sinabay na ko ni Carlo ?” nag-aatubili kong sagot.

“Pwede ka namang huminde diba?” nakakunot-noo parin niyang sagot.

“E kasi baka gabihin ka—“

“Kahit na, sumama ka kay Carlo ng walang permiso ko, ni hindi mo man lang ako hinintay na magreply bago ka sumama.” Inis na sabi nito. Jusko, huhuhu.

“Sorry…” Napatungo nalang ako. Hindi ko yata kayang salubungin ang galit niya.

“Sorry, sorry ka diyan…”  tila naiinis niyang ulit sa sinabi ko.

“Bakit ba ayaw mong sumabay ako sa kanya?”nagtataka kong tanong.

“Basta.” Saad niya. Teka may problema ba silang dalawa?

“Okay lang ba kayong dalawa?” hindi ko naiwasang itanong.

Ang weird kasi e, parang ayaw nila parehas na sumama ako sa isa sa kanilang dalawa.

“Oo.”tipid niyang sagot na tumingin sa ibang direksiyon.

“Yun pala e—“kaagad niyang pinutol ang sasabihin ko.

“Basta next time, wag kang sasama sa kanya na walang permiso ko. Okay?”Teka nagseselos ba ‘to? Oh my gahd parang gusto kong magdiwang.

“Nagseselos kaba?” natutuwa kong tanong.

“Hindi.” Yun lang, assuming lang ang peg ko.

“Ah.. okay,” Kaagad akong tumalikod para hindi niya maramdaman na napahiya ako. Bakit kase naitanong ko pa yun. “Pasok ka muna sa loob.” Yaya ko

“Marianne..” Hindi siya naingli at tinawag akong muli.

“Oh bakit?” muli ko siyang nilingon. Seryoso ito. Pero mas maaliwalas na ang mukha kesa kanina.

“Promise me that no one will steal you from me.” saad nito. At parang gustong-gusto ko ng magtatalon sa sinabi niyang yun. Seryoso?Si Terrence ‘to?  Napakasarap pakinggan na after all ayaw niyang maagaw ako ng iba. E teka sino bang aagaw? At siyempre hindi ako nag-atubiling sumagot.

“Promise, sayo lang ako.” nangingiti ko siyang nilapitan. And he suddenly kissed my forehead. Panalo!

“Marianne..” muli niyang tawag habang yakap niya ako ng isang kamay niya.

“O bakit na naman?”saad kong tumunghay para tingnan ang mukha niya.

“May gagawin kaba tomorrow?”tanong niyang nakatitig lang sakin.

“Wala naman, bakit? Date ulit?” I asked and he chuckled.

“Pwede ba?” then I cupped his face.

“Sure, ikaw pa…”malambing kong saad.

“Pero okay lang bang sa Apartelle ko nalang tayo?” he suggest.

THE REBOUND GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon