CLAUDIO AND CYNTHIA
Special Part
LAKAD-takbo na ang ginagawa ni Cynthia ngunit hindi pa rin siya makaagapay sa bilis ng lakad ni Claudio. She helplessly stared at his back. Mukhang sa kahit saang anggulo ay hindi na yata niya ito masasabayan sa kasalukuyan.
After she agreed on his condition in exchange of letting Clyde and Nhica's relationship, bigla na lamang itong lumitaw sa tinutuluyan niyang bahay at kinaladkad siya papuntang airport. Hanggang ngayon ay hindi nito sinasabi kung saan siya nito dadalhin. Actually, kanina pa siya nito hindi kinakausap. At medyo naiinis na siya! Maano bang ipaliwanag man lang nito sa kanya ang ibig nitong ipakahulugan sa sinabi nitong 'be mine'? Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa inaagiw na kukote niya!
Was he meant, he just wanted her body? Or was he meant, he wanted her to spend her life with him to the remaining days of their lives?
At syempre, medyo assuming siya sa huling hula niya. Remembering the look on his face when he demanded those, she doubted it if it was what he really meant. Galit ito sa kanya. Kung iyon man ang hiningi nitong kapalit, she knew all he wanted was a revenge. Knowing that Claudio changed a lot.
Nalungkot siya nang mawala ang lalaki sa paningin. Nauna na itong pumasok sa airport. Ni hindi man lang siya hinintay.
'Hindi na nga yata kita masasabayan ngayon, Claudio. I waited eighteen years for this moment to happen but it seems I'm still no good for you.' Ano ba itong pinag-iiisip niya? Naiiyak na tuloy siya.
Napahiyaw siya nang bigla siyang matapilok. She was just wearing a two inched heels, pero sa paghabol niya sa lalaki ay natapilok pa siya sa lagay na iyon. Humihingal na huminto siya at naupo sa pinakamalapit na silya. Kagat-labing ininspeksyon niya ang paang natapilok. Claudio was nowhere out of sight. Hindi na siya umaasang babalikan siya nito. Baka matuwa pa ito sa sinapit niya.
Hindi niya mapigilan ang panunubig ng mga mata. Hindi lang dahil sa sakit ng paa niya kundi pati sa ipinapakitang kalamigan sa kanya ni Claudio. Wala na nga yata itong nararamdaman ni katiting na pag-ibig sa kanya. Anyway, that was eighteen years. Hindi na dapat siya umasa na magkakabalikan pa sila. Perhaps, a fairytale-like story doesn't really exist.
"Ano'ng nangyari sa iyo?"
Nabitin sa pagpatak ang mga luha niya nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon na kayang magpabilis ng kabog ng puso niya. Yes, kaya nga ayaw man niya at wala sa timing, mabilis pa ring kumabog ang puso niya.
Hindi siya tumingin sa pinanggalingan ng tinig. Idi-disregard sana niya ang biglaang pagsasalita ni Claudio malapit sa kanya. Baka kasi nagha-haluccinate lang siya. Subalit naramdaman at nakita niya ang paghawak ng lalaki sa nasaktang paa niya. Iniiwas niya iyon dito ngunit hindi nito iyon pinakawalan.
"C-Claudio..." anas niya habang nakatingin sa mukha nito. His face was now so close to hers. And he looked sooo handsome as ever.
"Does it hurt?"
His voice was cold. Pero hindi niyon napagtakpan ang pag-aalala sa tinig nito. Inalis nito ang sandals niya at bahagya nitong pinisil ang paa niya.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Novela Juvenil"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...