CHAPTER FORTY
"I missed you. Namiss mo ba ako?"
Yep. Namula siya... sa galit.
Tinulak niya ito at hinampas sa dibdib. Napasinghap ito at hindi kaagad ito nakahuma.
"Na-miss mo ako? Pagkatapos mong hindi magpakita at mag-reply sa mga text ko? Binanatan mo pa ako ng, 'sorry, busy ako. I can't see you now' na text. Ikaw kaya ang banatan ko ng suntok at sipa ngayon?" Yeah. Galit talaga siya. Gusto niya itong ihulog sa eroplanong iyon.
At the same time, gusto niya itong yakapin ng sobrang higpit dahil sobra ring na-miss niya ito.
"Uh-oh. LQ," nakangising sabat ng kapapasok na si Mackey bago tinungo ang isang bakanteng upuan sa likod. Ipinasak nito ang earphones sa tenga nito.
Ang mga kaibigan ni Clyde ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan... kuno.
"Mahal, listen to me first..." Napatingin siya kay Clyde nang hawakan nito ang mga balikat niya. He was smiling. "Sorry na. Hindi ko naman alam na ganyan mo ako ka-miss--"
"Ehe-ehem."
Napatingin sila sa nakahalukipkip na si Karen. Katabi nito ang isang gwapo at matangkad na lalaki.
"Go to your seat now, kids. We will take off after three minutes." Grabe, nakaka-intimidate talagang tumingin ang mommy ni Kyle.
"Easy on them, sweetheart. They were just reconciling," natatawang sabi ng lalaking kasama nito.
"Whatever, Jason."
Yeah. Nanay nga ito ni Kyle. Natawa lang ang lalaking kasama nito.
Hinila siya ni Clyde sa bakanteng upuan.
"That's Tito Jason, Tita Karen's second husband," imporma ni Clyde nang makaupo sila.
Ilang minuto lang at lumipad na ang eroplano. Hindi na rin siya kinausap ni Clyde. He just held her hand tight and sleep. Oo, tinulugan siya nito! Bago pa ma-badtrip ng husto, nilibang na lamang niya ang sarili sa pagmamasid ng bird's eye view ng syudad nila sa ibaba. Buti na lang at sa tabi siya ng bintana pinapwesto ng nakakabwisit na lalaking katabi niya.
Until she saw a small island with few big buildings on it, large swimming pools, white sand, beautiful floating cottages and very nice landscapes. The luxurious and famous Hyacinth Island. Kahit sa malayo ay kita niyang maraming bisitang nagsa-sunbathing, nagsu-surfing, nagsu-swimming at kung anu-ano pang event na meron doon. Past the buildings was a wide rainforest.
Hindi na niya namalayan na nakababa na sila ng eroplano at ngayon ay humahangang pinagmamasdan niya ang paligid. Ni hindi niya napagtuunan ng pansin si Clyde nang akbayan siya nito.
With Karen's authority, hindi na nakasimple ang mga lalaki sa mga girlfriend ng mga ito. Deretso sila sa kanya-kanyang hotel rooms. Hiwalay ang mga boys sa girls natural. Kasama niya sa room sina Krizhia at Jazmine.
"Ang ganda dito! Sasabihan ko nga si Clyde na bigyan ako ng membership card dito," wika ni Jazmine sabay bagsak ng katawan sa kama. As usual, excited na naman ito.
"Aser have one. Pati na iyong ibang myebro ng banda. Actually, kung hindi pa kamukha ni Clyde ang may-ari ng island na ito, hindi ako maniniwala na pag-aari niya rin ito, eh," sabi naman ni Krizhia habang inaayos ang gamit sa closet.
Tahimik lang si Nhica habang naka-indian sit sa kama at hawak ang cellphone. Badtrip pa rin siya kay Clyde. Hindi na kasi siya nito kinausap pagdating nila doon. Kahit text, wala. Himutok niya.
"Hey, Nhica. Hindi maipinta ang mukha mo d'yan? Nandito tayo para magbakasyon at magsaya."
Napatingin siya sa tatawa-tawang si Jazmine.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...