WALA sa beat na pinaghahampas ni Clyde ang drumset na nasa harapan niya. Doon niya ibinabaling ang frustration sa nangyari kaninang umaga.
Nang magsawa ay hinihingal na ipinatong niya ang mga braso sa hita. Tagaktak na ang pawis niya pero balewala iyon sa kanya. Naiinis pa rin siya.
"Clyde, inom ka muna ng malamig na iced tea. Baka masira na ang drums ko niyan."
Napatingin siya kay Grendle. May hawak itong dalawang baso ng iced tea.
Nasa music room sila ng bahay nito ngayon. Napag-trip-an nila na tumambay muna doon at mag-jamming.
Kinuha niya ang basong inaalok nito. Nagpapawis iyon sa dami ng yelo.
"Okay ka lang?" tanong nito. Naupo ito sa kaibayong amplifier.
Tumango siya. Lumagok siya ng iced tea. Medyo gumaan ang pakiramdam niya.
Iginala niya ang paningin sa mga kaibigan niya. Sina Aser at Mackey ay abala sa paglalaro sa ipad ng mga ito. Malamang na nagpapataasan na naman ng nakakaing utak sa Zombie Tsunami. Si Kyle naman ay nakahilata sa sofa. As usual ay tulog ito habang may nakapasak na earphones sa tenga.
"Hindi ba tayo tutugtog?" baling niya kay Grendle.
"Hindi muna. Wala ka sa mood, eh. Which is unusual. Baka gusto mong pag-usapan iyang problema mo? Ngayon ka lang nagalit ng ganyan sa drums."
Pagak na natawa siya. Wala sa sariling nilaro-laro niya ang yelong nasa baso.
"Si Nhica Marae kasi..."
"What about her?"
Nagpakawala siya ng buntong hininga at ibinaba ang iced tea sa sahig. Heto na naman ang inis niya.
"Imagine, 'tol? Mas pipiliin niya pa daw si Sean kesa sa akin! Eh, talino lang naman ang lamang sa akin niyon. Sa gandang lalaki at karisma, walang-wala sa akin iyon!"
"Si Sean Navarro?" takang tanong ni Grendle.
"Oo, 'tol!"
Naasar siya nang makitang umangat ang isang sulok ng labi ni Grendle.
"Sinabi niya ba mismo sa'yo na si Sean ang pipiliin niya?"
"Oo. Dinig na dinig ko. Tapos, ipinagtanggol pa niya sa akin ang lalaking iyon! Tsk! Uupakan ko na talaga ang Sean na iyon kapag nagkita kami!"
"Chill ka lang, Clyde," natatawang sansala ni Grendle. "Mabait si Sean. Kausapin mo lang iyon at baka tulungan ka pang dumiskarte kay Nhica."
"Paano kung interesado din siya kay Nhica Marae?"
"I think, wala pang balak sa mga ganyang bagay si Sean. Mas mahalaga pa doon ang pag-aaral kesa ang panliligaw. Minsan nang inaya nina Donita at Krizhia iyon sa outings natin pero hindi sumasama dahil hindi maiwan ang mga tungkulin sa school."
Kaibigan ng girlfriends ng mga kaibigan niya ang lalaki. Minsan ay narinig niyang pinag-uusapan ng mga ito iyon.
Saglit na pinag-isipan niya ang mga sinabi nito. "Sabagay, may point ka d'yan, 'tol."
"Seryoso na ba iyan, Clyde? Ngayon lang kita nakitang na-insecure nang ganyan. Ang akala kong pinoproblema mo ay ang tungkol sa daddy mo. Mali pala ako."
Natigilan siya. Wala na siyang pakialam sa pinaggagagawa ng daddy niya sa buhay nito. At insecure? Kanino? Kay Sean? Hindi niya mapigilang tumawa.
"Hindi ako mai-insecure sa lalaking iyon! Langit ako, siya, nandito lang sa earth. Kalokohan iyang sinasabi mong nai-insecure, 'tol Grendle."
Hinawakan niya ulit ang drumsticks niya at tumugtog ng simpleng beat.
Wala sa bokabolaryo niya ang ma-insecure. Siya si Clyde Joseph Cortez. Siya ang kinaiinggitan, pinagsiselosan at kinaiilangan ng ibang lalaki.
Napailing na lang si Grendle. "Sabi mo, eh. Wala na akong masasabi d'yan. Okay lang namang maging in-denial paminsan-minsan."
Tumayo ito. Paalis na sana ito nang tawagin niya.
"One more thing, 'tol. May ipapakiusap sana ako."
"Ano 'yon?"
"Huwag kang magpapakita kay Nhica Marae."
---
HANGGANG nang makarating si Nhica sa bahay nila ay nagkukukot pa rin ang loob niya. Naba-badtrip pa rin siya kay Clyde. Napakagaling nitong manira ng araw!
Hindi dumating ang propesor nila kanina kaya lumabas din siya kaagad ng room. Nang silipin niya ang kabilang room na pinag-iwanan sa lalaki ay wala na ito. Pati ang mga hitad na babae ay wala na rin doon!
'Malamang na nakikipaglandian na naman siya sa mga babaeng iyon! Ang lalaki talagang iyon!' inis na saisip niya. Nililigawan kunwari siya pero kung kani-kaninong babae naman sumasama! At saka ni minsan ay wala siyang natatandaan na binigyan siya nito ng bulaklak!
Dahil wala sa nilalakaran ang utak ay natalisod siya sa nakakalat na bato. Muntik na siyang mapasubsob sa pathway ng garden nila.
Sapat na iyon para mapag-isip-isip niya ang itinatakbo ng utak niya. Napahinto siya sa pagpasok ng bahay nila.
Hindi ba't ayaw niyang magpaligaw kay Clyde? Bakit ngayon ay tila hinahanap niya ang pagbibigay ng bulaklak nito? At bakit ba siya biglang na-badtrip nang ngitian nito ang mga babaeng iyon kanina? Baka akalain pa nito sa mga ikinilos niya kanina na nagsiselos siya.
'Hindi nga ba?' anang isang tinig sa isip niya.
Malakas na ipinilig niya ang ulo. Bakasakaling magising ang mga braincells niya.
Syempre hindi! Hinding-hindi siya magsiselos kung si Clyde lang naman ang involve.
Pero bakit tila iba ang sinasabi ng puso niya?
'At ano namang sinasabi ng puso mo, aber?' anang atribidang tinig sa utak niya.
Ilang sandali pa niyang kinapa ang laman ng dibdib. Hindi niya nagustuhan kung paanong tumibok-tibok ang kanyang puso nang maalala ang nakangiting mukha ni Clyde.
Mariing pumikit siya. Hindi pa nakuntento at tinapik-tapik pa niya ang magkabilang pisngi niya.
'Gumising ka, Nhica! Hindi mo gusto ang lalaking iyon! Nililigawan ka lang niyon dahil na-challenge siya sa iyo! Wake up!'
Minsan pa niyang tinapik ang mga pisngi.
"Nhica Marae?"
Agad na nagmulat siya ng mga mata nang marinig ang tinig ng ama. Nakatayo si Norman, ang daddy niya sa front door. Hindi niya napansin na bumukas iyon.
"Ayos ka lang, anak? Kanina mo pa sinasampal ang sarili mo. Masakit ba ang ngipin mo?" alalang tanong nito.
Napapahiyang nginitian niya ito.
"H-hindi naman po, dad. Ano lang kasi... ahm, may nakalimutan ako sa school kaya nainis ako sa sarili ko at tinampal ko ang pisngi ko." Mabuti na lang at mabilis siyang makapag-isip ng alibi.
"Ganoon ba? Gusto mong balikan natin?"
"Hindi na po, dad. Bukas na lang. Hindi naman po iyon mawawala doon.""O siya, sige. Pasok na. Masama ang mood ng mama mo ngayon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa umuuwi ang kapatid mo. Gusto yatang madagdagan ang parusa niya. Alam mo ba kung nasaan siya?"
Sabay silang pumasok ng ama.
Sinipat niya ang wristwatch niya. Mag-aalas syete na. Hanggang alas sais lang ang curfew nito. Siguradong masasabon na naman ito ng walang banlawan. Kailangan niyang umaksyon para sa kapatid.
"Si Jace po? Hindi ko po ba na-text sa inyo? Nagpaalam siya sa akin na gagawa sila ng project sa Physics nila. Gagabihin daw po ng uwi."
Naaawa siya sa kapatid kaya pagtatakpan na muna niya ito. Baka kasi dagdagan pa ng parents nila ang panahon ng pagka-grounded nito. Siya na lang ang sasabon dito mamayang pagdating nito.
Napakunot-noo ang daddy niya. Pero mukha naman naniwala ito. "Ganoon ba? Saan daw sila gagawa ng project?"
"Kina..." Mabilis siyang nag-isip ng kaklase nitong matino. "Kina Lester daw po. Iyong top one nila? Sa kabilang baranggay lang po ang bahay niyon."
Tumango-tango ito. "Magpalit ka na ng damit at ako na ang bahalang magsabi kay Yvette." Ang mama niya ang tinutukoy nito.
"S-sige po."
Nakayukong pumanhik siya sa silid. Nakokonsensya siya sa pagsisinungaling sa mga ito pero naaawa naman siya sa kapatid kahit na alam niyang may pagkatagilid talaga ang utak nito.
Hinagilap niya agad ang cellphone nang maibaba sa kanyang study table ang mga gamit niya. Merong text doon galing sa kapatid niya. Agad na binasa niya iyon.
'Ate, male-late ako ng uwi. Ipagpaalam mo ako kina daddy. Please? Salamat!'
Iyon lang? Ni walang paliwanag kung anong nangyari at kung nasaan ito? Salubong ang kilay na tinawagan niya ito. Agad naman nitong sinagot iyon.
"Hello, Ate--"
"Nasaan ka, magaling na lalaki?"
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...