NAPAHINTO si Nhica sa paglalakad palabas ng department building nila. Mula kasi sa kinatatayuan niya ay agad niyang nakita si Grendle. Himalang hindi nito kasama si Donita ngayong hapon. Ang apat na kabanda lang nito ang kasama nito na nakaupo sa isang bench sa tapat ng Engineering building.
Lumakad siya palapit sa isang poste na hindi ito nilulubayan ng tingin. Makita niya lang ito mula sa malayo ay nabubuo na ang araw niya. Ang pinagdaanan niyang pagod ngayong araw na ito ay nawalang parang bula.
Paminsan-minsan niya lang itong makita sa tapat ng building nila. Sa t'wina ay siya ang dumadayo sa building nito para makasilay dito. Political Science ang kinukuha nito at balita niya ay plano nitong mag-take ng Law. Soon, he will become a lawyer. Nakakaproud!
Teka, parang may mali. Ang girlfriend nito dapat ang ma-proud dito ng bongga. Hindi ang hamak na tulad niya.
'Eh, bakit ba? Maghihiwalay din sila! Mare-realize din niya na ako ang para sa kanya.'
Napangiti siya. All she have to do is to wait. Sabi nga, kapag may tiyaga, may nilaga. Tyaga-tyaga din 'pag may time.
Sumandal siya sa posteng iyon. Kita niya ang pakikipagkulitan nito sa mga kabarkada.
'Ang gwapo mo talaga kapag ngumingiti! Oh, Grendle kong mahal. Nakaka-inlove ka tala--"
Naputol ang pagmumuni-muni niya nang may malapad na likod na tumakip sa view niya. Kunot-noong nilipat niya ang paningin sa lalaking iyon. Saktong tumagilid ito kaya nakita niya ang mukha. Lalong nangunot ang noo niya.
Hindi pala ito tao, kundi insekto! Ang insekto ng buhay niya na si Clyde! Parang gusto niya itong batuhin ng pasong walang laman na nasa paanan niya. Panira talaga ng pagmo-moment ang lalaking ito!
Inis na lumipat siya ng pwesto. Hindi niya alam kung talagang nang-aasar ito o ano nang lumipat din ito at muling takpan ang pagkaganda-gandang view niya. Dadamputin na sana niya ang paso para ibato dito pero may nagsalita mula sa likuran niya.
"Miss Concepcion?"
Napaharap siya sa nagsalita. Tumambad sa kanya ang instructor niya sa Engineering Drawing. Hindi ito magkandadala sa bitbit na nakarolyong drawing papers.
"Ma'am Bustamante," nakangiting bati niya dito. Parang nakikinita na niya kung anong kailangan nito sa kanya.
"Pwede mo ba akong tulungan? Pakidala lang ang mga plates na ito sa room ko sa Drafting Building."
Makakatanggi ba siya? Mabuting mag-aaral pa naman siya. Kahit na ba sandamakmak ang tinutukoy nitong plates.
'Sipsip ka lang 'ka mo," anang maliit na tinig sa utak niya. Itinaboy niya iyon palayo. Mabuting estudyante lang talaga siya.
"Okay po, Ma'am."
"Salamat! Hayaan mo may plus sa akin ang plates mo." Malambing na ngumiti ito. Nang-uto pa. Uto-uto pa man din siya minsan.
Kinuha niya dito ang malaking paperbag na puno ng nakarolyong plates at ang kipkip pa nitong ilang piraso. Ngayon ay siya naman ang hirap.
Matapos magpasalamat ulit ay iniwan na siya ng propesora.
Malapit lang doon ang drafting building. Pagkatapos ng maliit na court ng Engineering building at malawak na field ng ROTC ay drafting building na.
Napaisip siya. Malayo din pala.
Bago pa magbago ba ang isip niya at ibalik sa guro ang mga hawak ay lumakad na siya. Anyway, hindi naman mabigat ang mga papel. Sadyang madami lang talaga.
Napabuntong-hininga siya. Hindi bale, may plus naman siya. Besides, naka-sight na siya kay Grendle. Kahit wala na ito sa bench na iyon. Pwede nang pampasipag iy--
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Fiksi Remaja"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...