CHAPTER 31
"ONCE upon a time, I believe it was a Tuesday
When I caught your eye, we caught onto something
I hold onto the night, you look me in the eye
And told me you love me, were you just kidding..."
Gee, bakit ba ito ang kinakanta niya? Bakit siya pumayag na ito ang kantahin niya? Obvious na obvious na si Clyde ang pinapatamaan niya sa kanta niyang ito.
Naalala niya noong biglang sabihin ni Clyde na mahal siya nito. Napangiti siya ng mapait. Parang gusto na niyang bitiwan ang mic.
Nilingon niya si Anthony. Sumenyas ito na magpatuloy siya.
"Cause it seems to me his thing is breaking down
We almost never speak, I don't feel welcome anymore
Baby what happened please tell me
Cause one second it was perfect, now you're halfway out the door..."
Yeah. Sana man lang sabihin ni Clyde sa kanya ang problema nito. Handa naman siyang makinig at umunawa. Hindi iyong iiwasan siya nito kaagad. Naiwan tuloy siyang umaasa sa ere. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa tuwing binabalewala siya nito.
"And I stare at the phone, he still hasn't call
And then you feel so low you can't feel nothing at all
And you flashback to when he said forever and always..."
Kung alam lang nito na araw-araw at gabi-gabi niya pa ring hinihintay ang tawag at text nito kahit na palagi siyang bigo na magpaparamdam ito.
Inilipat niya ang paningin kay Clyde. Nakatungo ito. Ganito ba ito kawalang pakialam sa kanya? Mas gusto nitong tingnan ang sahig kesa sa kanya?
You said you love me, Clyde. Bakit binawi mo agad iyon? Ano ba talagang totoo? Ang sinasabi mo o ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa atin?
"Was I out of line? Did I say something way too honest?
Made you run and hide like a scared little boy
I looked into your eyes, thought I knew you for a minute
Now I'm not so sure
So here's to everything, coming down to nothing
Here's to silence that cuts me to the core
Where is this going?
Thought I knew you for a minute but I don't anymore..."
Nang tumingin siya sa mga mata ni Clyde noong nasa prison booth sila, ibang tao ang nakita niya. Someone she doesn't know. And she couldn't stop wondering what made him like that. Kahit na ba nararamdaman niyang sa walang kapupuntahan ang lahat ng ito.
Nag-angat ng paningin si Clyde. Nagtama ang mga mata nila. Ngunit hindi kilig ang naramdaman niya. His eyes were cold. She can't decode what he's thinking right now. Hindi niya akalaing titingnan siya nito ng ganoon.
Gusto niyang maiyak. No matter how she told herself not to show her tears. Nabasag na ang boses niya at ramdam niya ang pag-iinit ng mga mata.
"And it rains in your bedroom, everything's wrong
It rains when you're here and it rains when you're gone
Cause I was there when you said forever and always..."
You said you love me, damn you! Niloko mo lang ako! Dapat nagagalit na ako sa iyo ngayon pero hindi ko magawa! Iyon ang gusto niyang isigaw ngayon.
"Did you mean it baby
I don't think so..."
Iniiwas niya ang paningin dito. Mariing pumikit siya. Mas masakit pa ang naramdaman niya ngayon kesa sa mga natamong pasa at kalmot sa ex nito. After this, kakalimutan na talaga kita, Clyde!
"So back up, baby back up
Did you forget everything?
Back up baby back up
Did you forget everything..."
Obviously, he already did forget everything. Ang malas niya naman sa pag-ibig.
"And it rains in your bedroom, everything's wrong
It rains when you're here and it rains when you're gone
Cause I was there when you said forever and always
And I stare at the phone, he still hasn't call
And then you feel so low you can't feel nothing at all
And you flashback to when we said forever and always..."
Iminulat niya ang mga mata. Hindi na niya mahagilap si Clyde sa kinatatayuan nito. Ah, baka umalis na. O di kaya ay nahatak ng girlfriend nito. Iniwan na naman siya nito sa ere. Nakakaiyak na talaga. Hindi na niya nakaya at napaluha na siya. Mabuti na lang at patapos na ang kanta.
Nagulat na lang siya nang may humablot mic na hawak niya. She was stunned when she saw Clyde standing beside her.
"Sorry to interrupt but we have to go." Inilapag nito ang mikropono sa amplifier at hinila siya pababa sa stage. Paalis sa function hall na iyon.
--------
"SAKAY."
Muntik nang matapilok si Nhica nang bitiwan ni Clyde ang kamay niya nang makarating sila sa tapat ng motorsiklo nito. Walang kangiti-ngiti at nakakunot ang noong sumakay ito doon. Hindi siya nito tinatapunan ng tingin.
"Clyde..."
"Don't ask, okay? Sumakay ka na lang." Binuhay nito ang makina.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nasasaktan siya sa ipinapakita nito ngayon. At the same time, nakaramdam siya ng takot na suwayin ito.
Tahimik na umangkas siya sa likod nito. Hindi na niya inalintana na naka-dress siya at maikli ang palda niyon. Sinuportahan na lamang niya ang laylayan niyon para hindi liparin ng hangin.
Umaambon pero sasama pa rin siya dito.
Pinaandar nito ang motorsiklo. Wala silang imikan at wala ring direksyon ang pagda-drive nito. Marami itong in-overtake-an na sasakyan. Wala siyang nagawa kung hindi ang kumapit ng mahigpit sa balikat nito.
Hanggang sa tila mapagod ito at ihinto ang motorsiklo sa isang riverside park.
Bumaba ito at sinipa ang batong kakalat-kalat sa daan nito.
"Darn!"
Nilinga niya ang paligid upang maghanap ng pwedeng silungan. Lumalakas na kasi ang ambon. Subalit puro puno ang nakikita niya at walang shed.
Ibinalik niya ang paningin kay Clyde. Nakatukod ang mga kamay nito sa railing ng ilog at nakatingin sa malayo. Tila hindi nito napapansin ang ulan.
Bumaba siya at lumapit dito.
"Clyde, umuulan--"
"Alam mo ba kung ano'ng ginagawa mo sa akin, Nhica Marae?"
Kumislot ang puso niya nang banggitin nito ang pangalan niya.
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"
Natigilan siya nang humarap ito sa kanya. Ito lang ang tanging lalaki na nakakapagpatibok ng ganito sa puso niya.
Kita niya ang paghihirap sa gwapong mukha nito. Gusto niyang haplusin ang gulo-gulo nang buhok nito at alisin ang paghihirap na iyon.
Napatigil siya sa gustong gawin nang magsalita ito.
"Isang tanong, isang sagot, Nhica Marae..." Tumiim ang pagkakatitig nito sa kanya. "Mahal mo ba ako?"
--------
FEATURED SONG:
FOREVER AND ALWAYS by Taylor Swift
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...