CHAPTER 14

2.3K 48 0
                                    
CHAPTER 14

"NHICA!"

Napahinto sa paglalakad si Nhica at napatingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon.

Si Krizhia. Kasama nito ang tsinitang Accountancy student na girlfriend na yata ni Kyle ngayon. Sa pagkakaalam niya ay Jazmine ang pangalan nito. Palapit  ang mga ito sa kanya.

"Hi!" maluwag ang pagkakangiting bati ni Krizhia ng makalapit.

Tipid na nginitian niya ito. Badtrip pa siya ng sandaling iyon dahil sa nakakainis na pag-uusyoso ng mga kakurso niyang babae sa kung anong relasyon nila ni Clyde. Eh, wala naman talaga silang relasyon!

Teka, bakit ba siya naiinis doon?

"Hi! Nhica, right?"

Napabaling siya kay Jazmine. Nagtaka pa siya dahil maaliwalas ang mukhang nakangiti ito sa kanya. Magmula kasi ng magkita sila ay lagi na lang silang nagkakainitan dahil kay Kyle. Sa tuwing pinagsasabihan niya si Kyle dahil sa katamaran nito sa pag-aaral noon ay palagi na lang lumilitaw ang Jazmine na ito at ipinagtatanggol ang antuking lalaki na iyon.

"Hello." Hindi siya makangiti dito. Bakit ba, eh hindi naman sila close. Tumango siya.

"We started on the wrong foot. Ako nga pala si Jazmine. Nice to meet you!" Jazmine extended her hand. Para bang hindi nito nakikita na hindi siya kumportable sa presensya nito.

But then, hindi naman  siya bastos na tao kaya inabot  niya ang kamay nito para makipag-shake hands. She slightly smiled.

"Same here."

"By the way, Nhica, wala ka bang pasok? Ngayon lang kasi kita nakitang pumunta dito sa MassCom department."

Iginala niya ang paningin sa paligid. Sa sobrang inis niya ay hindi na niya namalayan kung saang college na siya napunta. Nang mag-walk out siya kanina ay naglakad na siya ng naglakad para mabawasan ang pagka-badtrip.

"Actually meron, Krizhia. Tinamad lang akong pumasok."

"Really?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jazmine. Then laughed. "I didn't expect na tinatamad ka ring pumasok."

"I'm just a normal student."

"Hey! I didn't mean anything about that, okay? You look offended," sabi kaagad ni Jazmine nang mapansing nag-iba ang timpla ng mood niya. "What I mean is that... ang pagkakakilala ko sa iyo ay iyong tipong straight sa pag-aaral. Like Sean... You know Sean Navarro, right?"

Tumango siya.

"Iyon. Like him. I didn't expect na nagka-cutting class ka din. You know, nakakasira din ng utak ang purong pag-aaral. Kaya paminsan minsan, we need to unwind like--"

"Like cutting classes?"

"Like taking sights on your crush here in our university."

"Hoy, Jazmine. Kung anu-anong itinuturo mo dito kay Nhica. May Clyde na iyan. At ikaw, may wirdong antukin ka na."

Jazmine chuckled. "Kaya nga magsa-sight seeing na ako sa Engineering building, eh.  Inaalala ko lang naman si Kyle. Kailangan ng inspirasyon niyon."

"Sus! Baka ikaw lang ang kailangan ng inspirasyon kaya pupuntahan mo si Kyle."

"Eh, Krizhia, namimiss ko na siya."

"Hay, in love ka ngang loka ka. Namiss ko tuloy si Aser ko. Puntahan ko rin kaya?"

Kanina pa niya gustong magpaalam sa mga ito at itama na rin na hindi kanya si Clyde. Subalit hindi siya makasingit sa pagbabalitaktakan ng mga ito. Ano namang pakialam niya sa boyfriend ng mga ito?

Dahan-dahan siyang humakbang patalikod. Lalayasan na lang niya ang dalawang ito tutal busing-busy ang mga ito sa pagkukwentuhan. Hindi na siya mapapansin sakaling umalis siya.

Nang makadistansya ay tinalikuran na niya ang mga ito... para lang mabunggo sa malapad na dibdib ng kung sinong nasa likuran niya.

"Aray!" Muntik na siyang tumilapon sa kalsada kung hindi lang nito nahawakan ang mga balikat niya.

Badtrip talaga! Ang malas niya ng araw na iyon.

"Sorry."

Nabitin sa ere ang pagtutungayaw niya nang marinig ang napakapamilyar na boses na iyon. Iyon lang naman ang napakagandang boses ng lalaking matagal na niyang pinapangarap.

"Grendle! Bakit ka nandito?"

Waring tumigil ang pagpintig ng puso niya nang tumingala siya at makita ang gwapong mukha ni Grendle. Suddenly, she became aware of his touch at her shoulders. Hiniling niya na sana ay huminto ang oras na iyon.

"Pupuntahan ko si Donita, Krizhia." Bumaling ito sa kanya.

Nawindang ang mundo niya nang magtama ang mga mata nila. Grabe, mas gwapo ito kapag ganito kalapit.

"Ayos ka lang ba, Miss?"

Hinagilap niya ang dila. Pero hindi naman siya makahanap ng sasabihin. 'Letseng utak ito! Ngayon pa nawalan ng laman!'

"Ah..."

"Hala, Grendle! Kapag nagka-amnesia iyang si Nhica patay ka kay Clyde."

Sinulyapan lang ni Grendle ang nakangising si Jazmine. He returned his gaze on her. Umangat ang isang sulok ng labi nito.

And darn! Mas lalo itong gumuwapo sa paningin niya! Kahit wala siyang makitang abs, pamatay na ngiti, mga titig na nakakatunaw o di kaya ay makarinig ng mga korning pick up lines...

Natigilan siya. Ano ba itong iniisip niya?

'Baka 'sino' hindi 'ano'.' Itinaboy niya sa isipan ang taong iyon na rason ng pagka-badtrip niya.

"So, this is Nhica."

Natauhan siya ng magsalita si Grendle. Marahang binitawan siya nito. Funny, she doesn't seem to care. Dapat ay nanghihinayang na siya.

"You okay?"

Tumango siya. Hindi siya makaisip ng topic para makakwentuhan ito tulad ng lagi niyang pinapangarap. Ano bang nangyayari sa kanya?!

"Paano, ikumusta mo na lang ako kay Clyde." May laman ang ngiting nagpatuloy na ito sa paglalakad.

Naiwan siyang habol ito ng tanaw.

"Tingnan mo nga ang lalaking iyon. May pagka-snob din, eh."

"Hayaan mo na, Krizhia. May pagkakapareho sila ng ugali ni Kyle my loves."

"Akala ko pa naman nagbago na ang lalaking iyon. Anyway hi-way, Nhica... Oy, Nhica!"

Napatingin siya kay Krizhia.

"Tulala lang ang peg mo, friend?"

"Ah..."

"Crush mo si Grendle, 'no?"

"Ha? H-hindi--"

"Bakit namumula ka?" singit ni Jazmine. "Crush mo siya, eh."

Alam naman pala ng mga ito, nagtatanong pa. Kung hindi lang niya alam na kaibigan ng mga ito ang girlfriend ni Grendle na si Donita, wala pa sa alas quatro na aamin siya. Para na rin tigilan siya ng mga ito kay Clyde.

Pero hindi niya maamin sa dalawang ito ang bagay na iyon.

"Paano 'yan, may Donita na siya?" ani Jazmine.

"Kay Clyde ka na lang. Hindi ka namin matutulungan kay Grendle," sabi naman ni Krizhia.

"Hindi ko naman sabi gusto si Clyde."

"So, si Grendle nga ang gusto mo?"

"O-- Hindi... Ewan! D'yan na nga kayo!"

Nagmartsa siya palayo sa mga ito. Batid niyang pulang pula na ang mukha niya. Bago siya makalayo ay dinig niya pa ang usapan ng dalawa.

"I think, Krizhia, naguguluhan pa siya."

"Right, Jazmine. Nasa in-denial stage pa siya at hindi-makapag-decide stage."

"Meron bang ganoon? Bakit hindi yata ako dumaan sa ganyang stage noon?"

"Iba ka kasi Jazmine. Kaya siguro ikaw ang nakabihag kay Kyle."

Kinikilig na tumawa si Jazmine. "Ganoon ba iyon?"

Napailing na lang siya. Hindi na niya pinakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito. Naiinggit lang siya. Kung sana ay nag-double effort siya noon para mapansin siya ni Grendle, masaya na rin sana siya ngayon. Ang kaso, hanggang ngayon pala ay hindi pa rin siya kilala ng binata. Ni hindi nga siya nito matandaan...

She sighed. Nag-angat siya ng paningin sa daan.

Hindi katulad ng lalaki na iyon na unang pagkausap pa lang sa kanya ay kilala na siya.

Oo. Ang lalaking may malapad at magandang likod na nakatalikod sa gawi niya. Kahit nakatalikod ito ay kilala na niya kaagad ito.

Si Clyde.

Napahinto siya. Nasaang lupalop na ba siya nasuot at nakikita niya ito ngayon? Nilinga niya ang paligid.

'Department of Hotel and Restaurant Management.'

Kaya naman pala. Napakalaki ng nakaukit na mga salita na iyon sa harap ng may kalakihang building sa harap niya pero hindi niya napansin.

'Nasaan na ang mga mata mo, Nhica?!'

Ah, oo. Heto, na kay Clyde  na kausap ang dalawang babaeng sobrang iksi ng skirt at malaki ang boobs.

May kung anong pumitik sa loob niya nang makitang dumikit ang isa sa mga babaeng iyon kay Clyde. At letse lang, mukhang enjoy na enjoy pa ang Clyde na ito!

Kung may laser beam lang ang mga mata niya, kanina pa abo ang mga ito. Lalo na ang babaerong iyon!

"Clyde, babaero ka talagang unggoy ka!" gigil na bulong niya.

"Hi, miss!"

Malapit sa kanya ang pinanggalingan ng boses sa iyon pero hindi niya ito pinansin. Abala siya sa pagpapalabas ng laser sa mga mata niya.

Nakaabrisyete na ang magaling na babaeng iyon kay Clyde!

"Hi, miss! Hello!"

Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang kung sinong lalaki na iyon na kumaway sa harap ng mukha niya.

At, nagsi-selfie pa ang babaeng iyon kasama si Clyde! Walang kahihiyan! Walang--

"Miss!"

Nabaling ang nagliliyab na mga mata niya sa lalaking epal na iyon.

"Ano bang problema mo?!"

Ngumiti ang lalaki.

'May sapak ata ito, eh.' Hindi ba nito nakikitang sasagpangin na niya ito?

"Wala naman. Kanina pa kasi kita tinatawag. Aalukin lang sana kita ng cupcakes na b-in-ake namin sa baking subject namin."

Bumaba ang paningin niya sa tray na bitbit nito. May laman iyong makukulay na cupcakes.

"Ayoko. Lumayas ka sa harap ko."

"Sige na. Special ito at libre.H'wag ka nang mahiya."

"Hindi ako kumakain niyan."

"Come on. All girls love sweets. Especially cakes."

"Really? Then I'm not like those girls."

Magwo-walk out na sana siya pero humarang ito sa daan niya.

"Tumabi ka nga! H'wag kang humarang sa daan ko!"

"A cupcake can brighten up your day."

"Wala akong pakialam."

Tumawa ito. Napataas naman isang kilay niya.

"Ano'ng nakakatawa?"

"You. Masungit at mataray ka... but I like you."

Nagsalubong ang kilay niya.

"Nababaliw ka na ba?"

"No. Sinasabi ko lang kung ano ang nararamdaman ko. There's no harm in telling the truth, right?"

"There's always harm in telling the truth. Umalis ka na nga sa harapan ko!"

"If I said I like you, that's no joke. At hindi mo rin ako mapipigilan na sabihing gusto kita--"

"Hey, hey! Ano'ng gusto-gusto iyang naririnig ko?"

Sabay silang napalingon ni cupcake boy sa sumingit sa usapan. Si Clyde ang nakita niyang palapit sa kanila. Masama ang tinging ipinupukol nito sa lalaking kaharap niya.

"Clyde, it's you! Nag-uusap kami ni Miss Engineer. Come on. Go find your own girl, man."

"Girl?" Pagak na tumawa si Clyde. Inakbayan siya nito at hinapit palapit sa katawan nito. Nilingon siya nito. Bahagyang umaliwalas ang madilim na mukha nito habang pinagmamasdan siya. His lips formed one of his mouth-watering smile. "This is 'my' girl."

Syet! Napatulala lang siya dito!

Nang muli nitong balingan si cupcake boy ay naging seryoso na ulit ang itsura nito.

"You go find your own," dagdag ni Clyde. "Let's go,mahal."

Iginiya siya ni Clyde paalis doon. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Ang malinaw lang sa kanya ay ang pagkakaakbay nito sa kanya at ang init na nanggagaling sa matigas nitong katawan.

Naalala niyang bigla noong napaaway siya sa gig ng banda nito sa VJ's bar. She doesn't know that it was Clyde who grabbed her and wrapped his strong arms around her. All she knew that time was that she's safe whenever he was there.

Like now?

Ay, ewan. Isa na namang tanong iyan na napakahirap sagutin.

"Kung gusto mo akong makita, dapat ay nagtext ka na lang. Alam mo namang isang text mo lang, dadating agad ako."

"Asa ka naman. Hindi kita gustong makita." 'At hindi ko rin gustong makita ang nakita ko kanina.'

Naalala niya ang dinatnang tagpo kanina. Kung paanong makipag-flirt ang lalaking ito sa dalawang babaeng naka-mini miniskirt at malaki ang hinaharap.

Bumalik ang inis niya.

"Really? Eh, sino'ng pinuntahan mo sa building namin? Don't tell me, si Anthony?"

"Sino'ng Anthony?" Inalis niya ang pagkakasampay ng braso nito sa balikat niya. Pinagtitinginan na rin sila ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Well, sa tuwing kasama niya ito dito sa university ay ganoon ang scenario. Kelan ba hindi?

"You don't know Anthony? Nakikipag-usap ka sa taong hindi mo kilala? That's bad. Magsiselos ako niyan."

Inakbayan ulit siya ni Clyde. This time mas mahigpit na ang pagkakaakbay nito. Sinubukan niyang alisin iyon pero lalo lang nitong hinigpitan.

"Magsi-selos? Ikaw? H'wag ka ngang magpatawa! Sa dami ng babae mong iyan? Bitiwan mo nga ako. Sa kanila ka na lang umakbay!"

"Ayoko sa kanila. Mas gusto ko sa'yo."

Tiningala niya ang mukha nito. Sa tangkad kasi nito ay hindi pa umabot sa balikat nito ang height niya.

Maaliwalas na ang mukha nito. He's back in being cool.

"Ayokong magpaakbay sa iyo. Baka kung anong isipin ng mga babae mo. Mapaaway na naman ako. Bitiwan mo na nga ako! At kung pwede lumayo ka ng isang kilometro sa akin."

"Pagma-manage ng hotel at resto ang pinag aaralan ko kaya hindi ko alam kung gaano kalayo ang sinasabi mo. Besides, sinabi ko na naman sa iyo noon na dumikit ka lang palagi sa akin at hindi ka mapapahamak."

"Baka mas lalo ko pang ikapahamak ang pagdikit sa iyo," mahinang sabi niya. Hindi na siya magtataka kung hindi man nito marinig iyon.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Wala. Sabi ko, saan mo ako dadalhin? At alisin mo na ang pagkakaakbay sa akin."

He looked at his wristwatch.
"It's already 12 noon. Mag-lunch muna tayo." He looked at her. He smiled. "And don't try to say no."

Paano naman siya makakatanggi? Gustuhin man niya, pinapahiwatig ng higpit ng pagkakaakbay nito na hindi siya nito pakakawalan...">CHAPTER 14

Paano naman siya makakatanggi? Gustuhin man niya, pinapahiwatig ng higpit ng pagkakaakbay nito na hindi siya nito pakakawalan...</a></body></html>

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon