A/n: This is a special chapter. Baka ma-disappoint kayo kung wala kayong mababasang Clyde at Nhica moments dito. ;) But then, I still want you to read this part. Thank you!
*****
CHAPTER THIRTY-EIGHT
"Is... Is there something I could help you?" puno ng simpatyang tanong ni Cynthia sa kanya.
Pinahid ni Nhica ang mga luha niya. Ano nga bang maiitulong nito sa kanila? Hindi nila sigurado kung mahal pa ito ni Claudio ngayon. Naiintindihan niya ito kung mag-doubt ito. It's been eighteen years.
But on the contrary, si Cynthia nga, nadala ang pag-ibig na iyon sa loob ng labinwalong taon. Si Claudio pa kaya? If he really loved Cynthia, hinding hindi nito malilimutan ang babae.
"Kakapalan ko na po ang mukha ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin. Feeling ko wala man lang akong maitulong kay Clyde para ipagpalaban siya sa daddy niya." She looked straight at the woman. "Nakikiusap po ako, kausapin niyo man lang si Sir Claudio tungkol dito. Hindi niya pwedeng gawin kay Clyde ang pagkakamaling iyon. I love Clyde. Wala akong pakialam sa pera nila. Ang gusto ko ay makasama siya habangbuhay."
Hindi siya makapaniwalang nagsasalita siya ng ganoon. Ah, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Nabigla ito. Saglit na hindi nakapagsalita.
Feeling niya ay napakahabang sandali ang dumaan.
"Please, Tita Cynthia. Gagawin ko ang lahat--"
"Just promised me you will love Clyde forever."
Ramdam niya ang pagpatak ng luha sa positibong sagot nito.
"I promise."
--------
"SIR, someone's waiting for you."
Napakunot ang noo niya sa ibinalita ng sekretarya niya pagkadating niya sa opisina. Kadadating niya lang mula sa business trip niya sa Manhattan.
"Who?"
"A woman--"
Itinaas niya ang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. Babae na naman? Sino na naman kaya sa mga ex niya ang narito?
"Pakisabing wala ako. Wala ako sa mood na mag-entertain ng babae ngayon. I'll be at my penthouse. Call me if Mr. Yuan called."
"But sir..." Sumunod ito sa kanya sa tapat ng elevator. "Paano po kung magpumilit siya? I've already told her na ngayon kayo papasok."
Kailan pa nagbigay ng impormasyon ang sekretarya niya sa mga babae niya? Hinarap niya ito.
"Why did you tell her?"
Waring nahintakutan ang babae. "Sir, sabi niya it's an emergency. Besides, tumawag po si Sir Clyde at sinabing i-entertain ko ang bisita ninyo."
Lalong napakunot ang noo niya. "Si Clyde?"
Sunod-sunod na tumango ito. "Yes, Sir."
Knowing that his son knew the woman that was waiting for him, imbes na sa elevator ay sa opisina niya siya nagtuloy.
"Where is she?" tanong niya nang walang makita sa reception area.
"Nasa loob po ng office ninyo, Sir."
Tinanguan niya ang sekretarya niya. Pumasok siya sa loob ng private office niya. Whoever this woman is, she must be important to his son. Never tumawag si Clyde sa opisina niya. Ngayon lang.
Isang babae ang naabutan niyang nakatayo sa harapan ng nag-iisang painting sa kwartong iyon. Nakatalikod ito sa kanya. She was wearing a black dress that fits perfectly on her curves. She has a long black curly hair. Para itong model dahil matangkad ito at maganda ang katawan--
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...