CHAPTER 15

2.1K 55 1
                                    

CHAPTER 15

"CLYDE, pwede bang bitiwan mo ang kamay ko?"

Kanina pa naiilang si Nhica sa mga matang nakatingin sa kanila. Pagkababa nila sa tapat ng isang fast food chain ay kamay naman niya ang inasikaso ni Clyde.

Kaya naman heto. Halos lahat ng mga babaeng kumakain sa fast food na iyon ay sa kanila nakatingin. Malamang fans ang mga ito ni Clyde. O kaya naman ay ex. Malapit na kasi siyang masunog sa tingin ng mga ito.

Ang kasama naman niya ay tila walang pakialam sa mga iyon. Pati na rin sa sinasabi niya.

"Ano'ng gusto mong kainin?" Nag-uusyoso ito sa menu.

"Wala. May pasok pa ako." Hinila niya ang kamay dito. Ngunit hindi nito iyon pinakawalan. "Clyde, ano ba? Baka hindi na ako makalabas ng buhay dito!"

Sa wakas ay nilingon siya nito. Bakas ang pagtataka sa itsura nito.

Tumingin siya sa likuran upang ipaalam dito ang matatalim na tingin ng mga babaeng kumakain doon. Just in case na hindi nga nito napapansin iyon.

"Ang dami pala nating schoolmate dito."

Iyon lang ang masasabi nito? Tadyakan niya kaya ito?

"Clyde..."

"Halika nga dito. Ikaw na ang maunang um-order."

Hindi siya nakapalag nang hatakin siya nito sa harap ng counter. Pumwesto ito sa likuran niya.

Nilingon niya ang mga babaeng masama ang tingin sa kanya. Ngunit dahil sa tangkad at laki ng katawan ni Clyde ay wala siyang matanaw sa mga ito.

Nakahinga siya ng maluwag. Kahit paano ay nabawasan ang pagkailang niya sa paligid.

Matapos um-order ay sa second floor ng fast food na iyon sila humanap ng mauupuan. He's still blocking her view on those jealous girls.

"Clyde!"

Sa mesang nasa sulok ay namataan niya ang kumakaway na si Aser. Kasama nito doon sina Krizhia, Kyle, Jazmine at Mackey. Sa kabilang mesa naman ay na-spot-an niya sina Grendle at ang girlfriend nitong si Donita.

Ano'ng ginagawa ng mga ito dito? Kaya ba dito siya dinala ni Clyde ay dahil narito ang mga kaibigan nito? Pati sina Grendle at ang girlfriend nito?

"Let's go, Nhica Marae. Sa ibaba na lang tayo kumain. O di kaya ay mag-take out na lang tayo."

Napakunot siya ng noo. "Adik ka ba?Ikaw ang nagyaya dito, ah."

"Hindi ko naman ini-expect na may get together pala dito ang mga kaibigan ko."

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon