CHAPTER 9

2.4K 58 1
                                    

"HI, NHICA!"

Napahinto si Nhica nang mapadaan sa desk ng librarian. Palabas na siya sa library nang mga oras na iyon. Umaliwalas ang mukha niya nang makita kung sino ang tumawag sa kanya.

"O, Sean! Kamusta? Hindi kita napansin agad."

Si Sean Navarro. Ang presidente ng Student's Council nila noong highschool sila. Nakakasama niya ito sa ilang meetings sa school nila noon dahil siya ang presidente ng klase nila. Kaya kahit na hindi magkaklase ay close sila. Besides, lahat naman yata ay ka-close nito. Napaka-friendly kasi nito.

Ngumiti ito. "I'm fine. Medyo busy. Ikaw?"

"Okay lang din. Busy sa research." Itinaas niya ang notebook niya.

"Gano'n ba?" Nag-excuse ito sandali nang agawin ng librarian ang pansin nito. Matapos makipag-usap ay sinabayan siya nito sa paglabas.

"Nagsauli ka ng libro?" tanong niya. Nakita niya kasing kinuha nito ang library card nito doon.

"Hindi. Projector ang isinoli ko. Ginamit kasi namin kanina sa isang subject. Saan ka na pupunta niyan?"

"Papasok na. Ikaw ba?"

"Ganoon din. Sabay na tayo. Sa Engineering building ako dadaan."

"Alam mo pala ang course ko. Ikaw, ano nga palang kinuha mo?"

"Business Administration."

Malapit nga lang ang building nito sa kanila.

Katulad pa rin ng dati si Sean. Masarap pa ring kakwentuhan. May pakiramdam siyang kahit ano'ng sabihin niya dito ay pakikinggan at mato-tolerate nito.

Malapit na sila sa Engineering building nang nakangiting lumapit sa kanila ang isang babaeng nakauniporme nang pang-Mass Communications. Nakilala niya na ito ang bokalista ng Sinner Saints, si Krizhia.

"Kamusta, Sean? Girlfriend mo?"

Napangiti siya. Hindi niya mapigilang ma-amuse.

Si Sean naman ay tumawa lang.

"Sa tuwing makikita mo akong may kasamang babae, lagi mo na lang pinagkakamalang girlfriend ko." Tumigil ito sa pagtawa. "Sorry to disappoint you. Again. She's my friend when we were highschool. I want you to meet Nhica Marae Concepcion. Nhica, this is Krizhia. Ofcoarse you know her, don't you?"

"Oo naman! Palagi ko siyang nakikita sa mga battle of the bands. Tumugtog din sila no'ng acquaintance, 'di ba?" Inilipat niya pang paningin kay Krizhia. Gusto niyang mailang dahil titig na titig ito sa kanya. "Er... Hi?"


Gumuhit sa mga labi nito ang pilyang ngiti. "Ikaw pala si Nhica. Nice to finally meet you!" Naglahad ito ng palad.

Atubiling inabot niya ang kamay nito at nakipag-handshake. Bigla siyang nawirduhan sa babaeng ito. Nagbitiw din sila ng kamay pagkatapos.

"K-kilala mo ako?"

"Ofcoarse! Ikaw iyong nambasted ng ilang beses kay Clyde, 'di ba?"

"Ha? Ah, eh... Paano mo nalaman?" Isa na naman ba ito sa mga babae ng Clyde na iyon?

"Minsan ay pinagkukwentuhan nilang magbabarkada ang tungkol doon. Lagi akong kasama ng boyfriend kong si Aser kaya alam ko."

Oo nga pala. Girlfriend ito ng bassist ng The Rebel Slam. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Walang sasalubong sa kanyang kitty cat claws. Gayunpaman ay napakunot-noo siya.

"Pinag-uusapan nila ako?"

"Uh-huh. Alam mo, dapat lang na mabasted ang babaerong iyon. Deserved niyang mabasted ng isanlibong beses sa dami ng mga naloko niyang babae. Dapat do'n pinapahirapan ng husto. 'Di ba, Sean? Kampihan mo ako."

Natawa siya dito. Okay din naman pala si Krizhia sa ibaba ng stage.

"If you say so," tanging sagot ni Sean.

"Teka, hindi mo naman siguro nililigawan itong si Nhica, eh. Ano, Sean?"

"We're friends, Krizhia. And I'm not courting her," natatawang sagot ni Sean.

"Good, good. May pambato pa kami para kay Clyde."

Sa sinabing iyon ni Krizhia ay bigla siyang na-curious sa pinag-uusapan ng barkada ni Clyde tungkol sa kanya. Iniisip yata ng mga ito na ipareha siya sa kaibigang babaero ng mga ito. O baka may iba pang pinag-uusapan ang mga ito na kasangkot siya. Kung ano man iyon, mas maganda nang maialis sa isipan ng mga ito na maaari siyang mapaamo ni Clyde. To think na isa si Grendle sa magbabarkadang iyon.

Humigop siya ng hangin.

"Ah, Krizhia?"

"Yes?"

"Ang totoo, hindi ko naman talaga type si Clyde. Wala akong balak na sagutin siya o paasahin. Actually, kung liligawan ako ngayon ni Sean, mas may pag-asa pang si Sean ang sagutin ko kesa kay Clyde," deklara niya.

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon