CHAPTER 30
"NHICKY, this is the night! Ready ka na ba?"
Napatingin siya kay Anthony. Ito ang gabi kung kailan nila gagawin ang plano nito. At ngayon pa lang nanlalamig na ang kamay niya.
"Seryoso ka ba talaga dito, Anthony? Parang ayaw ko nang gawin. Baka may humarang na naman sa akin pagbaba ko ng stage. Hindi pa magaling ang mga pasa at kalmot ko."
"Wala nang makakasakit sa iyo. Dadaan muna sila sa amin ng mga kabanda ko. 'Di ba, guys?" Tila chorus na nagsisang-ayunan sina Dave, Michael at Patrick--ang bandmates nito.
"Kung nandoon lang kami ng pagtulungan ka ng mga babaeng iyon, kami sana ang nakaharap nila," ani Dave, ang drummer ng banda.
"Hindi ako nananakit ng babae pero makakatikim talaga sila sa akin... ng halik," nakangising sabi ni Michael, ang gitarista.
"Kaibigan ka namin, Nhicky, natural na ipagtatanggol ka namin," seryosong sabi ni Patrick, the always serious bassist.
Nginitian niya ang mga ito. Sa pagpa-practice niya kasama ng mga ito ay naging magkakaibigan na sila. Ang turing ng mga ito sa kanya ay nakababatang kapatid.
"Salamat sa inyo. Pero kinakabahan talaga ako."
"Don't be. Maganda ka ngayong gabi." Iniharap siya ni Anthony sa full length mirror na nakadikit sa dingding ng hotel na iyon. Sa isang function hall ng hotel na iyon gaganapin ang gig.
She almost didn't recognize herself the first time she looked at the mirror. Ing-make over siya ni Diane, ang manager ng banda. Hindi sila gaanong close. Napakiusapan lamang ito ni Anthony.
And now, naninibago pa rin siya sa itsura niya. Parang hindi siya ang magandang babaeng nakikita niya sa salamin ngayon.
Bumagay sa kanya ang make up niya. Hindi iyon dark tulad ng sa isang rocker. It's mild, young and sweet. Itinago ng make up na iyon ang pasa niya sa mukha. Nakalugay ang medyo kulot na buhok niya na matapos i-relax ay manageable na. She was wearing a yellow dress na hanggang itaas ng tuhod niya. Bagay na bagay iyon sa maputing kutis niya. And the white two-inch sandals. May suot siyang green long sleeved blazer para hindi makita ang mga kalmot at pasa pa rin.
The jewelry and all she have now, all of it, care of Anthony and friends.
"See? Kahit si Clyde hindi ka makikilala niyan."
Nahihiyang ngumiti siya dito. "Salamat talaga dito, Anthony."
"Wala iyon. Ikaw pa? Malakas ka sa akin, eh."
"Let's go to your gig. Late na kayo," anang kadarating na si Diane. Bata pa rin ito. Twenty years old lang ito. Anak ito ng may-ari ng recording company. Ito rin ang nag-alok sa Rebel Slam pero tumanggi ang huli.
Sabay-sabay silang umakyat sa function hall.
Naabutan nilang tumutugtog ang Sinner Saints, ang banda ni Krizhia. Hindi na magkamayaw ang mga tao sa paghiyaw.
<<NP: Turn it Off by Paramore>>
" And the worst part is, before it gets any better
We're headed for a cliff
And in the free fall I will realize that
I'm better off when I hit the bottom... ""Woohh! Sinner Saints, idol!"
"Crush talaga kita, Krizhia!"
"Astig ang all girls band na ito!"
Ang alam niya ay fund raising ang mini concert na ito. Siguradong maraming kinita ang event na iyon sa dami ng tao dito.
Iginiya siya nina Anthony sa backstage.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...