CHAPTER 19

1.9K 53 0
                                    

CHAPTER 19

"HI!"

Napakunot-noo si Nhica. Pamilyar sa kanya ang lalaking naka-uniform ng pang-HRM na iyon. Hindi nga lang niya matandaan kung saan ito nakita. Malapad ang pagkakangiti nito sa kanya.

"Er... Hello?"

"Tsk. Hindi pa nga kayo ni Clyde, pinagtataksilan mo na siya."

Nilingon niya si Kyle. Babarahin na sana niya ito nang sumingit ulit ang lalaking nasa harapan nila.

"O, Kyle, nandyan ka pala. Classmate ba kayo ni Miss Engineer?"

"Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito, Anthony?"

Anthony? Pamilyar talaga sa kanya ang lalaking ito. Saan nga ba niya ito nakita? Kinalkal niya sa utak ang sagot sa tanong na iyon.

Ting!

Nanlaki ang mga mata niya. Si cupcake boy!

Bakit nandito ang kurimaw na ito? At bakit kakilala yata ito ng buong banda ng Rebel Slam?

"Hinahanap ko kasi si Miss Engineer, eh. I'm so lucky. Nahanap ko siya kaagad. Ipakilala mo naman ako sa kanya."

"Ayoko." Bumaling sa kanya si Kyle. "May date pa kayo ni Clyde. Tayo na. Ihahatid na kita."

Nauna na itong maglakad. Akala niya ba, ayaw nitong maging sila ng kaibigan nito?

"Teka, Kyle--"

"Hi! Ako nga pala si Anthony Mejares. Ako iyong nag-alok sa 'yo ng cupcake nang minsang maligaw ka sa building namin. May I know your name?"

Tiningnan niya ito ng masama.

"No." Akmang lalagpasan niya ito pero humarang ito sa daan niya.

"Come on, Miss Engineer. Gusto lang naman kitang makilala."

"Lumayas ka nga sa harapan ko!"

"Your name first."

Ang kulit naman ng lalaking ito!

Tiningnan niya ito ng masama.

Bumaba naman ang mga mata nito.

"Hmm. Nhica Marae Concepcion pala."

Naiinis na tinakpan niya ang ID niyang tinitingnan nito.

"It's nice to finally meet you!"

"Ngayong alam mo na ang pangalan ko, lumayas ka na sa harapan ko!"

"How about your number?"

She frustratedly grunt. Tinabig niya ito at nagmamadaling sumunod kay Kyle.

Pero ang hinayupak na lalaki, hindi na niya makita! Akala niya ba, ihahatid siya nito kay Clyde? Bakit bigla na lang naglaho na parang nag-teleport sa ibang planeta?

Wala talagang maaasahan sa alien na iyon! Mahanap na nga lang si Clyde.

"Nhica Marae Concepcion, wait!"

Muntik na siyang matapilok nang isigaw ng pagkalakas-lakas ng kung sino ang pangalan niya. Nilingon niya ito.

Ang bwisit na si cupcake boy lang pala! Plano ba talaga nito na sirain ang araw niya ngayon?

Inirapan niya ito at itinuloy ang paglalakad.

"Hay naku, pagkatapos ba ni Fafa Clyde ay si Fafable Anthony naman ang pupuntiryahin ng babaeng iyan?"

"Ang sama niya naman. Payag na nga akong mapunta si Clyde sa kanya, eh. Tapos pagtataksilan lang? Hmp!"

"Ibang klase talaga ang babaeng iyan! Naku! Sarap sabunutan!"

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon