Chapter 2

3.1K 71 0
                                    

NAKASIMANGOT na pumasok sa room si Nhica. Kakakausap sa kanya ng instructor nila sa Chemistry. Ano pa nga bang concern kundi ang tamad na antuking kaklase at kagrupo niya na si Kyle Francis Albarda? Hindi kasi ito nakakapagcooperate o pumupunta sa mga group activities nila sa laboratory. Hindi niya pwedeng balewalain ang katamaran ng lalaking iyon dahil istrikto ang propesor nila. Gusto nitong makita na lahat ng myembro sa isang grupo ay nakikipag-cooperate.

'Kung bakit ba naman kasi ako pa ang naging leader! Umagang-umaga ng Lunes, nasita kaagad ako dahil sa antukin na iyon! Grrr!'

Pumwesto siya sa pinto ng room. Makikita ng Kyle na iyon ang hinahanap nito!

Subalit nangawit na siya hanggang sa dumating ang professor nila sa Algebra ay wala pa rin ito!

Lalo siyang napasimangot.

"Mackey!" baling niya sa lalaking nasa likuran ng upuan niya.

Taas ang dalawang kilay na nag-angat ito ng paningin sa kanya.

"Hindi ba papasok ang kaibigan mo?"

Lalong nangunot ang noo nito.

"Si Clyde?"

Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya. Hanggang anit! Ano bang pumapasok sa utak ng lalaking ito at iyon kaagad ang naisip?

"Si Kyle!" nandidilat na sabi niya. At para hindi na ito mag-isip ng kahindik-hindik, sinabi na rin niya kung bakit. "Wanted siya sa akin sa Chem namin."

"Oh!" Tumawa ito. "Hindi siguro papasok." Ibinalik nitong muli ang atensyon sa pagsusulat.

Out of curiosity ay napasunod ang mga mata niya sa sinusulat nito. Napangiwi siya nang makita ang ginagawa nito. Akala niya ay nagte-take down notes. Yun pala ay nagdo-drawing lang ng mga manga characters!

Naiiling na ibinalik niya ang paningin sa professor na nagdi-discuss sa harap.

Tamang-tama na napabilang ito sa Rebel Slam. Isa rin itong first rate na pasaway!

Hindi pa man nag-iinit ang mga mata niya sa pagkakatingin sa prof nila nang maramdaman ang kalabit sa kanya nang nasa likuran. Muli siyang lumingon. Ang hindi mapakakatiwalaang ngiti ni Mackey ang sumalubong sa kanya.

"Bakit ba?" sita niya dito.

Inginuso nito ang gawi ng pinto. Ayaw niya sanang patulan ang kaaningan nito pero nanaig ang kuryosidad niya. Sinundan niya ng tingin ang inginunguso nito. Pero agad din siyang nagsisi sa ginaw.

Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang kumakaway na lalaki sa pinto.

Si Clyde. At sino pa nga ba ang kinakawayan kundi siya?

Parang walang nakitang ibinalik niya ang paningin sa guro. Mas kailangan niyang makinig dito.

Dinig niya ang mahinang pagtawa ni Mackey sa likuran niya. Maya-maya'y may kung ano itong ipinatong sa armchair niya. Napatingin siya doon.

Nakita niyang cellphone pala nito iyon. Kunot-noong bumaling siya sa lalaki na parang sinasabing, 'Ano 'to?'

Iminwestra nitong tingnan niya kung ano man ang nakalagay sa cellphone nitong ipinatong sa armchair niya.

Para matigil na ito sa pangungulit ay sinunod na niya ito. Dinampot niya ang Android cellphone nito. Isang message ang naroon.

'From: Pareng Clyde

Nhica Marae, date tayo. '

"What?!" Natakpan niya ang bibig.

"Miss Concepcion, you had a question or a problem?"

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon