CHAPTER 32
ILANG saglit na napatanga si Nhica sa mukha ni Clyde. Lumalakas na ang ulan pero naroon pa rin sila.
Tinatanong nito kung mahal niya ito. Kailangan pa ba nitong itanong iyon? Minasdan niya ang kaseryosohan ng itsura nito.
Kung aamin ba siya dito, sasabihin din nito na mahal siya nito? Paano kung pinapaasa lang siya nito? Bandang huli ay tatablahin siya at sasabihing iba na lang ang mahalin niya?
"D-does it matter?"
"Just answer me, damn it!"
Napakislot siya nang sumigaw ito. Lumunok siya ng laway. Bahala na kung ano ang kahinatnan nito. She only wanted to be honest on herself. Napayuko siya.
"Paano kung oo?" mahinang sagot niya. Inihanda niya ang sarili sa maririnig.
"You love me?" Hinawakan nito sa magkabilang balikat niya at niyugyog siya. "Nhica Marae..."
Naiinis na tinabig niya ang mga kamay nito. Nadidiinan nito ang pasa sa balikat niya.
"Kailangan ko pa bang isigaw? Oo, mahal kita! Masaya ka na? Sasabihin mo bang ibaling ko na lang kay Anthony ito? Sinabi niya sa akin na ipinamigay mo ako sa kanya. Ang sama mo, alam mo ba iyon?" Naiiyak na hinampas niya ang dibdib nito.
Ayaw niyang tumingin sa mukha nito. Ayaw niyang makita ang itsura nito habang nire-reject siya. Mas lalo lang siyang masasaktan.
"Nakakainis ka. Kung kelan natuto na kitang mahalin saka mo ako iniwan. Ano'ng tingin mo sa akin, isa sa mga babaeng pinaglalaruan mo?" Marahas na pinahid niya ang luhang pumatak sa mga mata niya. "Hindi mo na ako dapat hinila paalis doon. Kakalimutan na nga kita, eh. Tutal, hindi mo naman ako mahal. Niloko mo lang ako. Magmu-move on na ako--"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang haklitin ni Clyde ang bewang niya palapit dito. Itinulak niya ito pero hindi ito natinag.
"Pakawalan mo nga ako!" Please lang. Hanggang kaya ko pang kalimutan ka. Para siyang yelong natutunaw sa bisig nito.
Itinaas nito ang mukha niya. Nagtama ang mga mata nila. Wala na siyang makitang galit sa mga mata nito. Ang naroon ay isang emosyon na hindi niya mabasa.
"Kakalimutan mo na ako?"
Napasigok siya. "O-oo..."
"Subukan mo."
Then he lowered his head and kissed her fully on her mouth. Hindi siya nakahuma sa ginawa nito. Ni hindi siya makapanlaban. Cause she knew, deep inside her, she missed his kisses and warm embrace. Dahan-dahang ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang paggalaw ng mga labi nito sa kanya. Hanggang sa mamalayan niya na lamang na ginagaya na niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito.
Napakapit siya sa mga balikat nito. Ramdam niya ang panlalambot ng mga tuhod niya. Isang halik lang nito sa kanya, suko na agad siya.
Hindi nila alintana ang buhos ng ulan. They continue kissing each other passionately.
Na-miss niya ito ng sobra.
Hindi niya alam kung sino ang unang bumitaw. Pareho silang naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang mga labi nila.
Ipinatong ni Clyde ang noo sa noo niya.
"Kakalimutan mo pa ba ako?" paos na sabi nito.
Paano pa niya ito makakalimutan pagkatapos ng halik na iyon? After that mind blowing kiss?
Napalunok siya. Hindi pa siya maka-get over sa halik na pinagsaluhan nila. Hindi pa bumabalik ang katinuan niya.
"C-Clyde..." Napatigil siya sa pagsasalita nang halikan siya nitong muli. Pakiramdam niya ay kasintagal at kasing-intense iyon ng naunang halik nito.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...