CHAPTER 17
"ANO'NG ibig sabihin nito, Clyde?" Itinaas ni Nhica ang white rose na bigay ni Clyde.
Tapos na ang 'panghaharana' nito. Wala na rin ang mga audience nila. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa tapat ng Engineering building. Nasa kabilang bench ang mga kaibigan nito at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
"Nanliligaw ako, remember?"
"Paano kung sabihin ko sa 'yong wala kang pag-asa?"
"Matagal mo nang sinabi sakin iyan. Pero nandito pa rin ako at sinusuyo ka."
"Hindi ka ba napapagod?"
"Bakit, sasagutin mo ba ulit ako kung sasabihin kong oo?"
"Hindi." Pairap na ibinaling niya sa daan ang paningin. 'Masaya ka!'
Naamin na niyang in love siya dito pero natatakot pa rin siya.
Clyde laughed. Ang sexy talaga nitong tumawa.
"By the way, I have something for you."
Napatingin siya sa inilabas nitong tupperware mula sa backpack nito. Iniabot nito iyon sa kanya.
"Ako ang nagluto niyan kanina sa culinary subject namin."
"Akalain mong pumapasok ka pala?"
"Pinasukan ko lang talaga para maipagluto ka. Pasensya na at naudlot ang lunch natin kanina. Iyong in-order natin, pinagpyestahan ng mga kaibigan ko, eh."
Sino'ng hindi kikiligin at mai-in love sa ganito ka-thoughtful na lalaki?
Kinuha niya ang tupperware at binuksan iyon. Kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang pagkain sa loob.
"Carbonara. Favorite mo daw iyan sabi ni Jace."
Paborito niya nga ito. Heto at naglalaway na nga siya.
"Ay, ano iyan? Pahingi din kami!"
"Oo nga! Oo nga!"
"Sshh! Aser, Mackey, behave," saway ni Grendle sa mga kaibigan.
"Wala bang para sa amin, Clyde?"
"Wala, 'tol Kyle. Matulog ka na lang d'yan." Bumaling ito sa kanya. "Huwag mo na lang silang pansinin, Nhica Marae."
Inabutan siya nito ng plastic na kutsara at tinidor. Kinuha niya agad iyon at tinikman ang niluto nito.
Natigilan siya nang sumayad sa dila niya ang carbonara. Napansin niyang titig na titig sa kanya si Clyde na tila hinihintay ang comment niya.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
किशोर उपन्यास"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...