CHAPTER 27

1.8K 56 0
                                    

CHAPTER 27

NAALIMPUNGATAN si Nhica nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Iminulat niya ang mga mata at agad na nasilaw siya sa liwanag. Nag-uumpisa na namang kumirot ang sentido niya. Kahit masikip sa kinalalagyan ay hinagilap niya sa bag ang aparato.

Halos isang oras na sila sa kulungan ni Clyde pero hindi pa rin ito nagsasalita. She can feel his breathing but it felt like he's not there at all.

Ayaw niya naman na siya ang unang magsasalita. Baka pagmukhain niya lang tanga ang sarili.

Hindi tinitingnan ang caller na sinagot niya ang tumatawag.

"Hello."

"Nhicky babes, nasaan ka?"

Napakunot ang noo niya. Hinagilap niya saglit sa lutang na utak kung sino ang taong tumatawag sa kanya niyon. Feeling niya ay lalong sumakit ang ulo niya nang maalala ang lalaking iyon. Hindi pa ba sapat na sinabihan niya ito na wala itong pag-asa sa kanya?

"Bakit?" Wala siya sa mood para tarayan ito.

"Susunduin kita. Nasaan ka ba?"

Nilingon niya ang paligid. Sasabihin niya ba kung nasaan siya? Nasagi ng paningin niya ang nakatalikod na si Clyde. Mukhang wala na ngang pag-asa na magsalita ito at magpaliwanag. Sobrang masama na rin ng pakiramdam niya. Kailangan na niyang umalis doon bago pa siya maubusan ng hininga dahil sa tensyon.

"Nhicky...?"

"Sa prison booth."

"Ha? Ano'ng ginagawa mo d'yan? Nakakulong ka ba? Sino'ng walang magawa ang nagkulong sa iyo d'yan? Wait, papunta na ako."

Bago pa siya makapagsalita ay naputol na ang linya. Tiningnan sa screen ng cellphone ang unregistered number na iyon.

Ganoon din mag-alala si Clyde noon sa kanya. Inaalis siya nito sa kung anong gusot na kinalalagyan niya. Then he said he loved her... Ano na nga bang nangyari doon?

Hindi na siya nakatiis at siya na ang bumasag sa katahimikan. Hindi siya makatiis na ganito ito ka-cold sa kanya. Bahala na kung sigawan siya nito o di kaya ay tablahin.

"Wala ka ba talagang sasabihin d'yan, Clyde?"

Nilingon siya nito pero agad ding binawi ang paningin.

"Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko. Wala lang magawa sa buhay ang mga iyon."

Nakamata siya sa mukha nito. Iyon lang ang sasabihin nito? Parang gusto niya itong batukan.

"Alam mo kung ano'ng ibig kong sabihin."

Hindi ito umimik. O baka wala talaga itong sasabihin? Baka naman hindi talaga totoo ang mga sinabi nito at siyang tatanga-tanga naman ay umasa doon. Kaya ngayon, umaasa rin siya na may explanation ito.

Hindi niya na mapigil ang panunubig ng mga mata. Ano ba 'yan? Ang sabi niya sa sarili, hindi siya iiyak sa harapan nito. Iniiwas niya ang mga mata dito. Lalo lang siyang nasasaktan sa nakikitang kawalan ng interes nito sa kanya.

"Napakarami kong gustong itanong sa 'yo. Kailangan ko ng paliwanag, 'di ba?" garalgal ang boses na sabi niya. "Pero hindi bale na. Ayokong magmukhang trying hard sa harap mo. Pero sana lang kung lolokohin mo lang pala ako, sana lang nilayuan mo na ako noon pang pinapalayo kita. Sana--"

"It's not...." Marahas na bumuntong hininga ito. "Nhica, don't cry in front of me."

Nhica... Bakit pakiramdam niya ay mas masakit ang pagbanggit nito ng pangalan niya? 'Nhica' na lang pala siya ngayon para dito.

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon