CHAPTER 23

2K 56 1
                                    

CHAPTER 23

"I NEED to talk to you."

Awtomatikong napakunot ang noo ni Clyde pagkababa ng hagdan nang salubungin siya ng nag-uutos na tinig mula sa taong iyon.

Ano'ng ginagawa ng matandang ito dito?

After almost half a year ay naalala pa pala nitong umuwi sa bahay na iyon. Mabuti na lang at nakapasok na si Charlize. Kung hindi ay baka na-badtrip lang ito tulad ng nararamdaman niya ngayon.

Their visitor is none other than the great Claudio Cortez. His father. Prente itong nakaupo sa sofa.

"I have no time for this," walang kangiti-ngiti na nilagpasan niya ito.

Lalong napakunot ang noo niya nang may lumabas na sexy'ng babae na see through ang suot sa kusina. Napahinto siya sa paglalakad.

"Darling, napakalaki naman nitong bahay--oh! Is this your son?" Turo sa kanya ng finely manicured na kuko ng babae.

"Yes. My only son, Clyde."

Malagkit ba tinitigan siya ng babae. "He's as handsome as you, darling."

"Of coarse. It runs in the blood."

"Hello there, little guy--"

Naaasar na ngumiti siya. "Really? And who are you? Another whore of my father?"

"Clyde!"

Hinarap niya ang ama. Hindi na niya matimpi pa ang sarili. Unti-unti na namang tumataas ang galit niya dito.

Isa ito sa mga libangan ng ama. Ang magbilang ng mga sexy at mas batang babae kesa dito. Kahit na nang buhay pa ang mommy niya ay libangan na nito iyon.

"Why? What do you call her? Your prostitute? Your bitch?"

"Enough, Clyde! Igalang mo ang girlfriend ko!"

"Ang mommy ko, iginagalang mo ba? If you're here para iparada iyang babae mo, don't worry, marami rin akong gaya niya. So I guess, mana pa rin ako sa iyo. We're both manwhore."

Muli niya itong tinalikuran.

Darn it! Paulit-ulit niyang mura. Bakit ba nagpakita pa ito? Sa tuwing nakikita niya ito ay lalo lang nadadagdagan ang galit niya dito.

"Hindi pa kita pinapaalis, Clyde!"

Nakalabas na siya ng mansion pero nakasunod ito sa kanya.

"I have something to tell you."

Hindi ba siya nito titigilan? Naiinis na hinarap niya ito.

"What do you want? Bilisan mo at susunduin ko pa ang girlfriend ko."

Umangat ang isang sulok ng bibig nito. "Another gold-digging bitch?"

Tila may pumitik sa sentido niya sa sinabi nitong iyon. Kung hindi niya pa nakikilala si Nhica Marae ay hindi siya maaapektuhan ng insultong iyon. But everything's different now.

"She's not like your whores so don't call her that," nakatiimbagang na sabi niya.

Pagak na tumawa si Claudio. "They were all the same, son. Pera at katawan lang ang habol nila sa atin. Anyway, I found a way para hindi magtagumpay ang mga babaeng iyon. You, my son, will marry my new business partner's daughter."

"What?!" Sabi na nga ba niya at sasakit lang ang ulo niya dito.

"You heard me right. We have already arranged your future wedding five years from now. Mayaman ang pamilya Anacleto and their daughter is the perfect candidate to be your wife--"

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon