"CLYDE."
Sabay silang napatingin doon.
"O, 'tol Kyle! Long time no see! Kamusta ka na?" masayang bati dito ni Clyde.
"Kakikita lang natin kanina."
Diretso ang tingin nito sa magkahugpong na mga kamay nila ni Clyde.
Nag-init ang mga pisngi ni Nhica nang mapansin iyon. Kahit hindi ito magsalita ay alam na niya ang iniisip nito.
Tila naman balewala kay Clyde ang ipinupukol na tingin sa kanila ni Kyle. "Kanina lang ba iyon, 'tol?"
Malakas na hinila niya ang palad niya. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay makawala siya. Humalukipkip siya upang itago ang mga kamay, just in case na magtangka ulit ang kurimaw na Clyde na ito.
Iniiwas niya ang mga mata nang tumingin ito sa gawi niya.
"Nakakaistorbo ba ako?" As usual ay inaantok na naman ang mga mata nito. Nakikita niya lamang ang kislap doon kapag kaharap nito ang tsinitang Accountancy student na patay na patay dito.
"Obvious ba, 'tol? Bakit ka ba nandito?"
Nakakapagtaka ang biglaang pagseryoso ng tono ni Clyde. Kahit ayaw niya tuloy ay napatingin siya dito. Kunot ang noo nito ngayon habang nakatingin sa kaibigan. Tila naman balewala iyon kay Kyle.
"Ah, wala naman. Gusto ko lang mang-istorbo ng nagde-date. Sige, susunduin ko pa si Jazmine."
"Nagde--"
"Ikaw talaga, 'tol Kyle!" putol ni Clyde sa pag-alma niya.
Bago pa nito maabot ang kaibigan ay mabilis na nakalayo na ang lalaki. Hindi na rin niya ito nahabol para itama.
"Ang gulo talaga ng isang iyon. Tsk."
"Clyde..."
"Nhica Marae, huwag mong pansinin iyong si Kyle. Wala lang magawa iyon sa buhay. Palibhasa sila na ni Jazmine. 'Lika na."
Iniiwas niya ang braso niya nang akmang hahawakan nito iyon. Kunot ang noong hinarap niya ito.
"Clyde--"
"I really like the way you say my name."
Nagpapacute na naman ba ito sa kanya?
"Pwede ba? Itigil mo nga iyan." Kinuwelyuhan niya ito bago pa ito makapagsalita ng kung ano pang kalokohan. "Just to make it clear. Hindi tayo nagde-date."
He didn't answer. Suddenly, a smile formed on his lips. Saka niya napagtanto kung gaano kalapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Mabilis na binitiwan niya ito at dumistansya.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ano?"
"Loud and clear!" Sumaludo pa ito sa kanya.
Tsk! Hindi siya kumbisido sa ngiti nito.
---
"ANG galing mo talagang kakanta, Jazmine labs! Pa-kiss nga!"
Bago pa makakilos si Clyde ay humarang na sa harapan niya si Kyle. Hindi maipinta ang mukha nito.
He laughed. Nakakatuwang biruin ang mga kaibigan niya.
Birthday ni Krizhia nang gabing iyon. Ngayon nga ay katatapos lang ng 'pakulo' nina Krizhia-- ang pagkanta ni Jazmine on stage para kay Kyle.
Naupo sila sa mesang naka-reserve para sa kanila.
"Mackey, itali mo nga itong si Clyde sa mga babae niya. May Kyle na si Jazmine," tatawa-tawang sabi ni Grendle. Nakaakbay ito sa kasintahang si Donita.
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...