CHAPTER 16
"ANO'NG sinabi mo?" nagtitimping sabi ni Nhica.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, mukha kang atsay ni Clyde." That girl step forward at hayagang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
Tila may pumitik sa loob niya. Gusto niyang sabunutan ang babaeng ito pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
"Hindi ko kayo kilala at mas lalong hindi ninyo ako kilala kaya kung ako sa inyo, I will shut my mouth up and know who am I talking to."
"Hindi mo ako kilala. Pero ikaw, I know you. Hindi naman mahirap malaman ang latest girl ni Clyde. Right? Nhica Marae Concepcion."
Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis. Famous na pala talaga siya. Humabol kaya siyang University Student Council President next year?
"Hindi kita kilala kaya huwag mo akong kausapin." Akmang tatalikuran na niya ang mga ito pero hinaklit ng babaeng iyon ang braso niya. Pumiksi siya. "Ano ba?"
"Fine! Magpapakilala ako sa'yo," anang babaeng nasa unahan. "My name's Kim Legaspi. Ako lang naman ang former ex girlfriend ni Clyde. And know what? Nakikipagbalikan siya sa akin. And I meant him back, too. He said he still loves me and so do I."
Napakunot noo siya. Something stir in her. Kasabay ng tila pagkurot sa puso niya. Kaya ba tinanggihan siya ni Clyde ay dahil dito?
Umangat ang isang sulok ng bibig ni Kim na tila ba nababasa ang iniisip at nararamdaman niya.
"Poor girl. Another heartache because of Clyde. Sorry, ha? Ako pa rin ang mahal niya, eh. If I were you, hindi na ako eepal sa kanya at sa mahal niya. Pinagmumukha mo lang ang sarili mong panakip-butas at tanga."
She had heard enough. Pwede nitong sabihin na ito ang greatest love ni Clyde pero hindi siya nito pwedeng insultuhin na lang ng ganito.
Sasagot na sana siya nang may humablot sa kamay niya. Si Clyde ang nakita niya. Seryosong mukha ang nabungaran niya nang iharap siya nito dito. He cupped her face and stared at her. Para bang hindi nito nakikita ang babaeng nasa harapan nila.
Sa pagkabigla ay hindi siya nakakilos.
"Nhica Marae, I thought hindi na kita maaabutan. I'm sorry for I had done. I promise it won't happen again. Don't you try to leave me like that again. Hindi ko kaya..."
Teka, ano bang sinasabi nito?
"Clyde--"
Naputol ang pagtatanong niya nang bumaba ang gwapong mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya nang dumapo ang mga labi nito sa gilid ng bibig niya. Waring pansamantalang tumigil ang pag-inog ng mundo niya. All she knew is his kiss and the fast beating of her heart.
'First kiss...'
Nang lumayo si Clyde ay nanatili lang siyang nakatulala dito. He smiled...
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Roman pour Adolescents"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...