♫♪ 'Maybe if my heart stops beating
It won't hurt this much...'♫♪
Paano nga ba niya pahihintuin ang pagtibok ng puso ngayon? Napakasakit na makitang iba ang nagpapasaya sa lalaking mahal niya.
♫♪'And never will I have to answer again to anyone
Please don't get me wrong...'♫♪Hindi niya alam kung paano niyang natatagalan iyon. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang mga itong palayo.
♫♪'Because I'll never let this go
But I can't find the words to tell you
I don't wanna be alone
But now I feel like I don't know you...'♫♪Nasobrahan na nga yata ang pagkamartir at masokista niya. Gustung-gusto niyang sinasaktan ng ganito ang sarili. Daig pa ng tanawing iyon ang sakit ng sampal at sakit ng katawang inabot niya nang nagdaang gabi.
Nang mawala ang mga ito sa paningin niya ay nanghihinang napaupo siya sa bench.
♫♪'Let this go...
Let this go...'♫♪Let this go? Makakaya na ba niyang i-let go si Grendle? At teka, bakit may background music siya?
Nilingon niya ang pinanggagalingan ng rock music na iyon. Si Clyde. Nakatutok ito sa hawak nitong cellphone. Doon nanggagaling ang musikang iyon na lalong nakakapagpapalungkot sa kanya.
Tila nang aasar na ngumiti pa ito sa kanya. "Ang ganda nang song, ano? Matagal na itong kanta ng Paramore pero kada-download ko lang."
"Itigil mo nga 'yan." malamig na sabi niya.
"Why? Ang ganda nga, eh."
Gusto niya sana itong soplahin pero natatakot siyang kapag nagsalita siya ay mabasag ang tinig niya at tuluyan na siyang mapaiyak. Napailing na lang siya. Ano nga bang aasahan niya sa taong manhid?
Ipinatong niya ang paper bag sa tabi nito. Tumindig siya at walang salitang iniwan ito doon. Hindi pa siya nakakalayo ay narinig na niya ang boses nito sa tabi niya.
"Hey, Nhica Marae! Naiwan mo ang baked mac mo."
"Iyo na lang." Yeah. Mabuti nang ibigay niya iyon dito kesa hindi mapakinabangan.
Binilisan niya ang paglalakad. Wala siya sa mood makipagtalo ngayon. O kahit ang makipag-usap.
Mabilis na tinalikuran niya ito at naglakad palayo.
"Wait!" Walang hirap na nakaagapay ulit ito sa kanya. "Ikaw talaga, lagi mo na lang akong pinapahabol."
"Sinabi ko bang humabol ka sa akin?"
"Oo."
"Nag-iilusyon ka na naman. Patingin ka sa Psychiatrist."
"Sure. Basta ba sasamahan mo ako."
"Ano ako, baliw?"
"Baliw sa akin? Oo." Bago pa siya makahirit ay inunahan na siya nito. "Ihahatid na kita pauwi."
"Ayoko."
"Come on, Nhica--"
"No."
"Okay. Ganito na lang--"
"Sinabi nang ayoko."
"Let me finish first." Itinaas nito ang kamay para pigilin siyang magsalita. "Tutal ibinigay mo sa akin itong baked mac mo, I'm now returning the favor. Ihahatid kita sa inyo. Tapos quits na tayo. Parang walang nangyari. Na hindi mo ako binigyan at hindi kita inihatid."
Napakunot-noo siya. Pinaglololoko ba siya nito? Pero sabagay, may sense din naman ang sinabi nito. Kung totoo nga iyon. At pabor sa kanya iyon. Ayaw niya rin naman na sa mga susunod na araw ay palaging banggitin ni Clyde ang pagbibigay niya ng pagkain dito. Maaalala niya lang kung bakit napunta dito iyon.
Ganunpaman, hindi pa rin siya kumbisido sa innocent look nito na iyon.
Binato niya ito ng nagdududang tingin.
"Siguraduhin mo lang 'yang mga pinagsasasabi mo, Clyde. Kung hindi... naku! Makakatikim ka talaga sa akin!"
Malawak na napangiti ito. Kita niya ang pagkislap sa itim na itim na mga mata nito.
"Sure! Takot ko lang sa 'yo. So... it's a 'yes'?"
"Hindi mo babanggitin kahit kanino ang nangyari ngayon?"
"Not a word." Itinaas pa nito ang isang kamay na tila nanunumpa. "Promise."
"Good. Kapag hindi ka tumupad--"
"Punch me. Slap me. Do whatever you want."
Ilang saglit pa niyang inarok ang katotohanan sa mga sinabi nito. Pero habang patagal nang patagal siyang nakatitig sa mukha nito ay saka naman unti-unting nagiging malinaw sa pandinig niya ang lumalakas na kabog ng dibdib niya. Nang hindi makatagal ay iniiwas niya ang paningin dito. Lalo na at nag-uumpisa na naman niyang magustuhan ang ngiti nitong iyon."Ano? Tara na!" Hinagilap nito ang kamay niya at hinatak siya nito paalis doon.
"Teka, hindi pa ako umo-oo, ah!" Sinubukan niyang hatakin ang kamay dito. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito doon. "Clyde!"
"According to the Law of the Philippines, silence means consent."
"May nalalaman ka pang Law of the Philippines d'yan. Sipain kaya kita!"
He just chuckled.
Gagawin na sana niya dito ang banta sa inis niya. Pero marami na silang nakakasalubong na estudyante ngayon. Ayaw niyang maging sentro na naman ng gulo. Maayos na lumakad siya at pinayapa ang sarili. Ang hindi niya magawang pakalmahin ay ang abnormal na pagkabog ng puso niya. Para saan nga ba ito? Bakit niya ito nararamdaman?
Ah! Baka epekto lang ito ng pagkabasag ng puso niya kaninang makita sina Grendle at Donita. Wala ito.
"Bitiwan mo nga ang kamay ko! Baka kung ano na naman ang isipin ng mga babae mo," mahina ngunit madiing sabi niya.
"Don't mind them."
Parang gusto niya itong sakalin. "Madali para sa iyo ang sabihin iyan dahil hindi naman ikaw ang masusugod--"
"Hindi ka nila magagalaw hangga't kasama mo ako. Kaya lagi ka dapat na dumikit sa akin." He looked at her and gave her his award winning smile.
Yeah. Maganda nga itong ngingiti. Hindi naman niya iyon ikinakaila. Iyon ang pinakamasaklap na katotohanan.
Gamit ang isang kamay ay inis na ipinaling niya sa daan ang mukha nito. Hindi na niya nagugustuhan ang iniisip at nararamdaman ngayon.
"Masaya ka! Pagkatapos nito huwag ka na ulit lalapit sa akin."
"Ah... Tungkol d'yan." Umakto itong nag-iisip. "Pag-iisipan ko pa."
Agad na nagsalubong ang kilay niya. May usapan sila, ah! Huminto siya sa paglalakad.
"Ano 'ka mo?"
"Nhica baby naman--"
"Huwag mo sabi akong tawaging baby!"
"Okay, Nhica Marae," pagtatama kaagad nito. Hinarap siya nito at dramatikong nagsalita. "Seriously, bakit mo ba ako pinapalayo sa'yo? You're being unfair with me! Ano pa bang kailangan kong gawin?"
Gusto niyang matawa sa pag-arte nito. Kuhang kuha nito ang pag-arte ng sikat na aktor sa telenobela.
'O.A.'
Nang mapansing nakatitig ito sa kanya ay inayos niya ang ekspresyon ng mukha. Nuncang ipakita niya ang pagka-amuse dito.
"Sinabi ko na sa'yo ang dahilan. Kailangan bang paulit-ulitin ko?" Hinila niya ang kamay dito pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak nito doon. "Bitiwan mo ang kamay ko!"
Nauntol ang pagsagot nito nang may humawak sa balikat nito...
Featured Song: LET THIS GO by Paramore
BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Novela Juvenil"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...