CHAPTER 28
<<NP: Sleep Tonight by December Avenue>>
"BABY, it's alright
I'll be right by your side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby, it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my side
I'll never leave 'till you sleep tonight..."
Anthony smiled and waved at her. Subalit lagus-lagusan ang tingin niya dito.
Narito siya ngayon sa studio ng bandang Scianide. Ngayon niya lang nalaman na si Anthony ang bokalista niyon. Isa ang banda na ito sa mga papasikat na banda sa bansa. Nagpa-practice ang mga ito para sa gig ng mga ito sa susunod na araw.
Hindi siya dapat narito ngayon pero naririndi na siya sa mga naaawang tingin ng lahat sa kanya. Including Clyde's friends and their girlfriends.
It's been a week since it happened. Since Clyde told her to forget him and find someone new. Obviously, walang kinalabasang maganda ang plano ni Krizhia. Gusto nitong gumawa ng panibagong plano ngunit tumanggi siya.
Pinapalayo na siya ni Clyde. Hindi totoong mahal siya nito.
She filled her lungs with air. Nagsisikip ang dibdib niya kapag naaalala ang tagpong iyon.
"So lay now, I'll take over the night
There's no teardrop
You can count on me tonight
Oh, I'll stay up with you..."
At kanina nga, nang mangulit si Anthony na sumama siya dito ay nagpatianod na lamang siya. Ito pala ang gusto nitong ipakita sa kanya. Ang pagtugtog ng banda nito.
"Baby it's alright
I'll be right by my side
No need to cry out loud
Nothing to cry about
Baby, it's alright
I'll be just by your side
I'll keep you on my side
I'll never leave 'till you sleep tonight..."
Ilang sandali pa at nag-announce ng break ang banda. Lumapit si Anthony at naupo sa tabi niya. Inabutan siya nito ng sandwich.
"Smile, Nhicky. Para sa iyo ang kantang iyon."
Tipid na ngumiti siya dito. "Salamat, Anthony."
Maganda ang tugtog ng banda nito at magaling din itong kumanta. Ka-level ni Grendle ang vocal cords. Pero ang hinahanap niya pa rin ay ang boses ni Clyde. Hindi man ito kagalingan kumanta, it's him and his voice that can make her heart beat faster.
Hindi niya dapat ito inaalala subalit hindi niya mautusan ang sarili.
"Iniisip mo na naman siya, ano?"
Nagbalik siya sa kasalukuyan nang magsalita ang katabi. Hindi niya napansin na natulala na naman siya. Nahihiyang napayuko siya.
"Sorry..."
"Mahal mo ba siya?"
Lumipad ang paningin niya dito. Hindi niya alam kung sasagutin niya iyon o hindi.
"Don't answer. I already knew your answer." He smiled. "Hindi mo siya iiyakan kung hindi, 'di ba? Alam ko dahil dumaan na ako sa ganyan."
Kita niya ang paglungkot ng itsura nito. Kahit paano ay nakuha nito ang atensyon niya.

BINABASA MO ANG
The Rebel Slam 4: CLYDE
Teen Fiction"Ah, Grendle. P-para sa 'yo," kiming ngumiti siya sabay abot ng nakatupperware na macaroni salad sa lalaki. "What's that for?" "Ha? Ah, eh... Wala lang--" "Wala lang pala, eh. So, wala ka ring dahilan para bigyan ako niyan." Tumayo mula sa pagkak...